SA 1: Start

6 2 0
                                    

(photo not mine, credits to the real owner<:)

Chapter 1

Ysabelle's POV

    Nandito ako ngayon sa harap ng gate ng Stalford Academy. Dala-dala ang mga gamit ko, nagdadalawang isip pa nga ako kung tutuloy pa ba ako o hindi na lang pero sayang naman yung opportunity eh. Sa pagkakaalam ko kasi mga mayayaman yung nag-aaral dito, hayysss makapasok na nga.

" Manong Guard!!Manong Guard!!" sigaw ko

" Oh bakit ija?" teka,hindi ko alam kung ano bang isasagot ko?

" Ah ehh manong pwede po bang pumasok?"

" Ha? Bakit? mag-aaral ka ba dito?"

"Magiging pa lang po! hehehe,
heto po yung letter at scholarship certificate na natanggap ko."
sabi ko sabay bigay nito sa kanya.

Binuksan na ni Manong Guard yung napakalaking gate.
" Sige iha, pumasok ka na"

"Thank you po!"

The moment I step my feet in the entrance of the building, I felt that many pairs of eyes are looking at me,giving me--- teka? ba't ako nag-eenglish? Hayysss

Nang makita ko ang mga mag-aaral dito ay nanliit at nahiya ako sa suot ko hayys bakit mo ba sila iniisip Ysa? Di ka pa nasanay

.
" Oh mha gash gurl, look at her she's so ewwee"

" Why is she here?"

" Dito ba siya mag-aaral? yuckk"

" What is she doing here?"

" Pano nakapasok dito ang gaya niyang basura?"

" Yesh nga she's so kadiri and trash!"

  
    Iilan lang yun sa mga bulung-bulongang narinig ko, hay naku Ysa wag mo na silang intindihin,
asan na ba kasi dito ang Office ng headmaster?

    Napakamot na lang ako sa ulo ko kasi hindi ko pa talaga mahanap, ang bigat-bigat pa naman nitong dala ko, at nagugutom na talaga ak-------

Booogggsshhhh

"Aray/Ouchiee" sabay naming bigkas ng nakabangga ko, aray ang sakit ng puwet ko,

"Oh my, I'm sorry" sabi nung nakabangga ko habang hinihimas ko ang puwet ko.

"Hala are you okay lang?I'm sorry ha?Hindi kasi kita nanotice,I'm nagmamadali kasi huhuhuhhu" sabi niya sabay extend ng kamay niya sakin

"Hehehe okay lang, pasensya na din" sabi ko at tinanggap ang kamay niya

"You're bago here? Punta you sa office ni HM?"

" Uh oo bago ako dito at kailangan kong pumunta sa office nung Headmaster kaso hindi ko alam kung asan"

"Taraaa! I'll sama you na lang!I'm galing din doon eh"
sabi niya sabay hatak sa akin.
Napalingon ako sa daan na tinatahak namin hindi ko maiwasang mamangha, ang ganda! hindi ako makapaniwalang makakapag-aral ako sa prestihiyusong paaralan na into h-----

"Hey are you nakikinig ba?"

"Ha?anong sabi mo?heheheh"

" I sabi my pangalan is Kyline Sencio,17 years old you?

" Ayy hehehe ako nga pala si Ysabelle Kang, 17 years old din."sagot ko sa kanya

" Okay we're nandito na! I'll just iwan you here ha? I still have some bagay to gawa, babyeee"nakangiti biting sabi at nagsimula na siyang maglakad.

"Maraming salamat Kyline, paalam din" napangiti ako sapagkat hindi naman pala lahat ng estudyante dito ay may masasamang ugali.

Bumuntong hininga ako at kinatok ang pintuan ng office nang headmaster

Tok tok tok tok

" Come in "

Binuksan ko ang pinto ng dahan-dahan at nakayuko akong pumasok

" How may I help you?"sagot ng isang lalaking nasa mga 40's

" Um ako po iyong nakatanggap ng letter "

" Oh so you're Ysabelle Kang "

" Opo"

" So Ms. Kang, I am John Stalford the headmaster of this academy, I hope you will enjoy your stay here and hope you'll learn a lot"

"Sana po Sir"

"By the way, welcome here in Stalford Academy. I will just send you your uniform,ang this is your dorm number, and your schedule for the whole school year." sabi niya sabay bigay sa akin nang isang maliit na papel.

" Thank you po HM John, aalis na po ako maraming salamat, paalam po"

" Goodbye Ysabelle and you're welcome."

   Nginitian ko na lang siya at umalis na. So 117 yung magiging dorm room ko, meron kaya akong dorm mates? Kung meron man sana mababait sila.

~~~~~~~~~~

   Sa ilang minuto kong paglalakad ay narating ko na din ang 117 room, nasa 4th floor pala ito ng Girls Dormitory.

Tok tok tok

Napakunot ang noo ko dahil hindi pa binubuksan ang pinto, may tao ba dito?hayy

Tok tok tok

" Teka! Wait lang poooo!" sigaw nung nasa loob

Nagkibit-balikat na lang ako at naghintay,ilang saglit pay unti-unti nang bumukas ang pinto,hanggang sa nakita ko na ang taong nagbukas ng pinto. Kumunot ang noo ko dahil

"Teka?/Youu?"












------------------

SA 1: Doneee💕

Stalford AcademyWhere stories live. Discover now