Prologue

31 2 17
                                    

"Welcome back, Zera!"

Ang sigaw na iyan ang agad na bumungad sa akin pagkapasok ko pa lang sa bahay. Masaya ako na makita ang aking pamilya at mga kaibigan na parang mapupunit na ang mga labi sa kakangiti dahil nakabalik na ako.

"Thank you guys! It's really good to be back!" sinigaw ko ito na puno ng tuwa at sabik dahil sa wakas a new Zera is in!

Yinakap ko sila isa-isa sapagkat sobrang namiss ko silang lahat.

"Ibang-iba ka na talaga. So, kamusta naman sa Italy? Ha bakla? Madami bang baby boys doon? Baka naman?" magiliw na malanding tanong ni Ivan.

"Ano ba naman yan Ivan, baby boys agad? Di ba pwedeng pasalubong muna? Baka di na kita bigyan ha?" natatawang sabi ko.

"Ay te walang ganyanan tsaka anong Ivan? I'm Ivana kaya."

"Heh! Anong Ivana? Di kayo magkamukha ni Ivana Alawi noh!" biglang singit ni Brandon, isang baklang kaibigan ko rin.

"Ang harsh mo naman bakla, ano ba yan? Kaibigan ba kita? Duh."

"Woi, tama na nga yan. Kain na tayo, sobrang gutom na ako." parang maiiyak na sabi ni Cielo. Yan talaga yung kaibigan naming matakaw.

"Babies, sige na. Kumain na tayo." aya ni Mommy sa amin.

"Okay mom. Tara na Guys!" aya ko rin sa kanila.

"Yes! Kainan na! Ang sarap kasi ng luto ni mommy Ze!" excited na sambit ni Cielo. Kaya pumunta na kami agad sa dining area.

Masaya kaming nagsalo-salo sa sari-saring pagkain na niluto ni Mommy. Sabay na nagku-kwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin noon. Mga kabaliwan, tawanan at iyakan na sobrang namimiss ko habang ako'y nasa Italy lalong-lalo na't  mag-isa lang ako doon. Pero ang importante ay may natutunan ako doon para sa aking sarili.

"Excuse me po. Signorina Zera, may naghahanap po sainyo." sabi ni manang Ethel, isa sa aming mga katulong.

"Sino raw po, Manang Ethel?" nagtataka kong tanong.

"Uhm... Si ano po, si Sir Kairo."

"Sige Manang, ako na ang bahala sa kanya. Guys, excuse me ha?" pagpapaalam ko.

"Kailangan mo ba ng resbak? Nandito lang kami." pagpapalakas loob ni Kezia.

"Okay lang, kaya ko na to. Kaya nga diba lumayo ako? Si Zera to, huwag kayong mag-alala. Babalik lang ako, kain lang kayo diyan." positibong sabi ko sa kanila.

Habang naglalakad ako papuntang living area, tumitibok nang mabilis ang aking puso. Sobrang kinakabahan ako, hindi ko alam kung sapat na ba ang lakas na inipon ko habang ako'y namalagi sa Italy. After 2 years, haharapin ko na ulit ang lalaking sinaktan ako.

Pagdating sa living area, nakita ko siyang nakayuko. May hawak na bungkos ng rosas at isang box.

"Kairo." Tawag ko sa malamig na tinig.

Bigla siyang tumingala at ngumiti sa akin. Wew, grabe ang ngiti, parang wala lang.

"Nadie, it's good to see you again."

"Yes, I'm back but I'm not the Nadie you used to know way back then. Stop calling me Nadie."

"I'm really sorry for what I've done. I knew I was an immature jerk back then. Nagbago na ako Zera. In the past years without you, na realize ko on how much I love you. Ngayong nagbalik ka na, ayaw na kitang mawala. I promise I'll do my best to win you back. Please, my Nadie, give me another chance." Pakiusap niya na may nagmamakaawang boses at itsura.

"Stop that fucking drama, Kairo. Sana bago mo ginawa yung mga yun, nag-isip ka muna. Kasi naman eh, pinapairal mo yung utak mo sa maling bagay without using your heart and brain at the same time. But now it's too late, naka move on na ako, Kairo. I think it's better if you go home and stop making bullshits with me." Hindi siya agad sumagot kaya buntong hininga ko itong sinabi. "It takes time for me to forgive and trust you again. 2 years for me is not enough to forgive the person who broke my fragile heart. Back then, I was just an easy-to-get, nerdy, boring girl. I knew I rushed things between us. I gave you all the love and trust without knowing that I am belittling myself. Please understand me Kairo." pakiusap ko habang pinipigilan ang mga luhang dadaloy na sa aking mukha.

Siguro nga totoo yung kasabihan "Healing isn't easy, it takes time."
_______________________________________________________
It Takes Time
By: itssofiastic_
Date Started: May 22, 2020

It Takes TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon