kuartro

30 21 1
                                    

10:30 am, April 26, 2020

One week and a half days later-

Napatingin ako kay Dom, he was so silent, kapag ganto sya hindi ko malaman kung anong iniisip nya at kung may ginawa akong masama at di nya nagustuhan yun, I mean, sino ba ang gagawa ng masama at you expect na matuwa ang tao dun?

I don't know pero ito ang ayaw ko sakanya, ang bigla bigla syang tatahimik like I did something wrong kahit wala naman talaga, even though he knew I'm too sensitive to be ignored.

"Dom? Anong problema? Ang tahimik mo kasi." I asked, hinawakan ko ang braso nya. He shook his head, ngumiti sakin pero tinanggal ang kamay ko sa braso nya.

Nagtaka ako sa kinikilos nya ngayon, what was he thinking now and he seems so distracted?

I pouted at kumuha sa ref ng ice na nakuha nya nung isang araw sa ministop din, I've been craving mango nung Lunes pa pero di ko hinihingi sakanya kasi panigurado pagod ito, at ayaw kong maging pabigat... Iniisip ko din ang kanyang mental health.

"Ice cream oh-" I was gonna offer him a bite pero tinabig nya ito kaya nahulog sa sahig, thankfully, hindi chocolate kaya pinabayaan ko lang na dilaan ni Maxine.

"Putangina iwanan mo nga muna ko!" Sigaw nya, I stood there nagulat sa inasta nya, tears forming inside my eyes.

Binalik ko ang ice cream sa ref at naglakad palabas, hinawakan ko sa hita ko ang lagayan ng baril just to make sure kapag may lalapit sakin na infected kahit umaga ngayon.

I sat on the plastic chair, looking outside and seeing how good it was if it wasn't like this na may zombies and all, sinara ko ang pinto na nasa tabi ko lang, nakita ko na nakaupo parin sya at di kumikibo, sinara ko parin pero dahan dahan lang.

My tears suddenly fell, I can't control it, even my emotions, ayaw kong magsalita kapag ganto sya, kung ano ano ang sinasabi nya sakin pero I let him do it anyways.

I didn't even control my sobbing and I sound like a dog whining over dog foods, ganto talaga ako kapag malungkot ako.

Ano pa ba ang mali sakin? What is it? I already changed the Sandra I was before just to make him happy, I lost the old me but that was for the better, I was so immature back then but my childishness is the only thing that keeps me happy.

I looked down, seeing na may asong sinusubukan na ipasok ang maliit nyang kamay na mabuhok at kulay dirty blond sa butas sa baba ng gate at umiiyak.

Kinuha ko ang susi sa bulsa ko at binuksan ang gate.

Nakita ko ang pamilyar na mahaba ang nguso at dirty blonde na buhok ng aso na to, "Cooper?! Buhay ka..." Tumahol ang aso at halatang excited na makita ako, kita kong hinihingal kaya binuhat ko at pinasok sa loob.

Sinara ko ulit ang gate at nilagay ulit ang padlock.

How the hell did he get here? From Belmont hanggang dito? Sobra naman ang effort nya at... "Imposible... Hindi ka kinain ng mga yun?" Bulong ko nung chineck ang buong katawan nya at wala akong nakitang nagdudugo na sugat.

Binuksan ko ang pintuan at pinasok sya dun, napansin agad sya ni Maxine at tumahol ito, salamat naman at di agad rinig sa labas ang mga ingay kasi soundproof at rinig lang kung nakabukas ang pinto.

Kinuha ko ang tubigan ni Maxine na kainan din neto na lagayan lang ng ice cream noon... Poor Cooper, binigay ko din sakanya ang canned food na para sa aso, madaming stock kasi tinulungan ko si Dom nung isang araw na sinasabi ko kanina, kumuha kami ng parang maleta pero plastic na may winnie the pooh sign at ganun din ang sakin. Lahat ng mga groceries kinuhanan na namin, since konti nalang talaga at may nauna na samin.

Nilagay namin sa malaking lalagyanan lahat ng supplies since iniwanan yun ng dating nakatira dito na nagtitinda.

"...he literally walked for so many days just to see you, huh?" I heard Dom's voice behind me, I nodded, di ako nagsalita kasi nagtatampo parin ako sakanya.

Lumabas ulit ako at pinabayaan kong tignan ako ni Dom habang paalis. Hindi ako marupok!

Narinig ko na bumukas ang pintuan, pero napansin ko agad na malayo to sakin, kaya kinuha ko ang baril ko at tumingin sa likod ko na nakatutok kung san man galing yun.

Kinasa ko ito at nagsimulang maglakad na naka aim position ang magkabila kong kamay, pinihit ang magkakabilang mga kwarto kahit nanenerbyos ako, relax ka lang self, basta dodge agad, instincts, follow your instincts.

Nung nakita ko ang nakabukas na pinto, nagtawag ako, "hello? May ibang tao ba dito?" At nakatutok parin kung nasan ang pinto.

Nakita ko na walang doorknob to, pero impossible, wala talagang nakabukas dito since I came in the picture I closed the door at completely shut it. I don't know what could be inside at kung tao yun they should've answered in the first place.

I felt my skin have goosebumps and chills, I can't help it.

A clang behind me and my instincts came fast and I dodge what ever it was, may nakita akong silhouette ng babae since mahaba ang buhok at may pamalo, tinutok ko sakanya ang baril ko.

"Puta! Kung sino ka man tigil tigilan mo ang pinaplano mo.." sabi ko habang patuloy na lumayo sakanya na pagapang at nakatutok parin sa babae ang baril ko.

She kept walking with that menacingly stare that I knew will kill me if I ever got caught.

"Inagaw mo sya sakin! Ang lalaking mahal ko kahit di nya ko mahal kasi puro sya SANDRA! SANDRA! SANDRA! kahit nasasaktan sya! Ngayong nakuha ko atensyon mong gaga ka mapapatay kita at sakin na sya habang buhay."

She laughed like a maniac and dun ako tumigil at tumawa din, nakatutok sakanya ang baril, "Nice try. try using knives next time, works better for close encounters, especially kung tanga tanga ka. And no, you'll never get my man, kahit sa ibang buhay pa, kahit magpakamatay ka, hindi ako papayag."

Bago nya pa ako mapalo ng bat nabaril ko na sya sa ulo.

Tumalsik ang dugo nya sakin at napunta nalang sa sahig.

"...no, you'll never get my man, and before you do, you'll come thru me, bitch!"

Dom's Point of View

I was gonna help her but she took care of the crazy woman that lives in the same apartment as I do. And... That's my wife.

Safe Haven ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon