16

1.1K 65 87
                                    


Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Paki-like din po ng page namin: Xianrandal Wattpad Stories

Sparks – 16

“Tinanghali ka yata ng gising?” Tanong ni Gabrielle sa pinsang si Kim. Dati-dati ay halos isang oras na mas maaga ito kung pumasok sa trabaho, maagang gumigising para ipaghanda ng kung anu-ano ang boss niya.

“May problema ba, Cuz?” Tanong niya rito.

“Wala, bakit naman ako magkakaproblema?”

Tumabi siya rito. “Sa akin ka pa ba magsisinungaling Kim? Tell me, si Carlos ba? Binasted ka ba niya?”

“Wala na akong pakialam sa lalaking ‘yun. Hindi ko na siya gusto! Ang kapal ng pagmumukha niya, magsama sila ng gf niya!”

“Wow, what happened? Tell me.”

Ikinuwento niya ang buong pangyayari sa pinsan pati ang paghinto niya sa panliligaw kay Carlos.

“Sure ka na ba sa desisyon mo?” Nanunuksong tanong ni Gab.

“I’m 101 % sure! Marunong naman akong mahiya kahit papaano no? Saka isa pa, makaka move on ako agad sa kanya!”

“Okay, ikaw ang may sabi nyan, Cuz.”

Maagang pumasok si Carlos, na guilty siya sa ginawa kay Kim pero alam niyang ito ang makakabuti sa dalaga.

Kanina pa siya patingin – tingin sa suot na relo at pasilip – silip sa bintana ng opisina niya. Talagang wala pa si Kim. Kanina pa niya nakitang nag-aayos si Lowai.

Humahangos naman na pumasok si Kim, late na late na siya, nasiraan na naman kasi ang tricycle na sinasakyan.

“You are almost an hour late, Miss Mendoza!”

“Ay juice ko!” Gulat na napahawak siya sa dibdib.

“Sorry, nasiraan yung sinasakyan ko.”

“I don’t need your excuse this time.”

Nayayamot na sinuklay ni Kim ng mga daliri ang buhaghag na buhok. Heto na naman sila ng Boss niya. Tinignan niya ito.

Huwag kang paapekto, Kim. Mag move on ka na.

Ang sabi niya sa sarili.

“Sorry, Sir. Ibawas nyo na lang ho sa sweldo ko. Sige po, mag – aayos pa ako.” Tumuloy na siya sa loob, ni hindi sinulyapan man lang si Carlos na salubong ang mga matang naka tingin sa kanya.

Kanina pa nakatingin si Carlos sa pagkaing nasa harapan niya, talagang ordinaryong pagkaing madalas ay ipinapahanda niya sa kanilang chef. Walang nakaipit na note, walang 3 santan.

Napailing siya, ano ba itong nasa isip niya. Dapat ay matuwa siya dahil tuluyan ng tumigil si Kim sa panliligaw.

Napasilip siya sa labas, masayang nakikipagtawanan si Kim kay Lowai habang sa harap nila ay may mga parokyanong umiinom. Talaga bang ugali na nilang makipag harutan sa gitna ng trabaho?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SPARKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon