Almost two months na akong walang roommate simula nang umalis si kuya Albert because lilipat na sya ng university next sem. Ahead sya ng isang taon sa akin at matagal rin sya bago nagkaroon ng roommate because our dormitory is located sa katabing barangay ng university at nasa dulo pa sya ng phase 4. Kaunting students lang ang nagdo-dorm dito, tatlo lang kami na nag-aaral sa same university, dalawa sa ibang college at apat na nagtatrabaho na. 6 rooms lang ito pero may second floor, pwedeng three person each room pero dahil kaunti lang ang occupants, two persons each lang ang siste, yung isang room si Ate Dolores yung gumagamit. Maganda itong dormitory namin compare sa mga dorm ng ilang classmate ko at mabait pa ang nagbabantay. May mga ilang mas pinipili nga lang yung malapit sa sa school na walking-distant kaya kaunti lang. Maganda rin ang presyo ng dormitory na ito kaya ayaw ng iba.
Hindi ako friendly sa ibang occupants although I greet them when we see each other. Si ate Dolor lang talaga na tinuturing ko ng nanay at ang roommate ko ang nagiging kaclose ko sa dorm. One day, nagtext si ate Dolor sa akin while nasa school pa ako that I need to go home early dahil nawawala ang spare key ng room namin and may bago raw akong roommate. I felt lil excitement dahil malungkot kapag walang kausap sa room although di ko naman pansin because busy din these past few days.
Almost 6:30pm na ako nakauwi at nagpaalam na ako sa prof ko after our finals kasi idi-discuss pa raw nya yung gagawin naming final research paper which would be our project. Medyo madilim na nga kahit hindi pa totally gabi kasi ‘ber’ month na. Pagpasok ko sa gate may lalaking nakapikit, nakapasak ang earphones at parang naghihintay. Akala ko si Bryan Termulo yung lalaki actually until I realized na that’s impossible to happen.
“Are you waiting for ate Dolores?” Parang nagulat pa sya ng biglang may nagsalita.
“Ah, yeah, no pala. I’m waiting kay Jules kasi ako yung bago nyang roommate. Nakatulog yata ako kilala mo ba sya pre?”
“Aaah hehe. Ako yun. Sorry nandito ba si ate Dolor?” Nakita ko na ang brightest smile ngayong araw sa bago kong roommate.
“Mamamalengke raw muna sya, isang oras na syang wala at sabi nya hintayin kita.” Bigla akong nahiya kasi feeling ko kanina pa sya dito. Nagtext si ate Dolor mga 11 pa lang yun at 6 na.
“Sorry finals kasi at 8 talaga uwi ko. Umuwi lang ako ng maaga. Tara dun tayo sa second floor.” Lumakad na ako at naisip kong dalawa yung bagahe nya. Bigla akong huminto at lumingon. “Tulungan na kitaaa??”
Dalawa yung purpose ng question ko, to know if it’s okay to help him and hinabaan ko yung last word to know his name. Of course hindi nya nagets yun dahil ang sagot lang nya ay “Sige hehe.” Hindi ko na lang pinansin at dinala yung isa nyang bagahe. Pumasok kami sa loob at dun ko nilagay yung bag nya sa ibabang part ng double-deck.
“Ah pang-tatluhin kasi yung room na ito, so far dalawa lang naman lagi ang tumitira. Papallitan na yan ni ate Dolor ng kama na kagaya nun.” Then I pointed my bed na nasa kabilang dulo. Hindi na sya nagsasalita at sinusundan nya lang ako ng tingin habang palakad lakad ako sa loob at inaayos yung ilang nakakalat kong gamit dahil nakakahiya pala na madatnan na makalat ang room ng ibang tao. Tumigil ako at tumingin sa kanya, bigla naman syang yumuko. “Ayun yung tv kung gusto mo manuod. Wag ako panuorin mo. Haha.” Hindi ko alam pero gumana na naman ang pagsusungit ko. Wala lang dahil mukha namang okay sa kanya dahil ngumiti lang sya.
“Ah btw sa labas ako kakain. I’ll meet my classmate may pag-uusapan kami for our research project.”
“Sige sige mag-aayos pa ako. Ako pala si Leo.” Nilapitan ko sya at nakipagshake hands. “Kanina ko pa yan hinihintay Mr. Pogi. Nice meeting you bro.” Ngumiti naman ako at feeling ko flattered sya sa sinabi kong pogi sya.
BINABASA MO ANG
Katas ng Aking kaklase
FantasyBawal po sa mga bata. Kunga ayw nyo ang mababastos na lingwahe ay maaari na kayong mag evaporate