Kabanata 1

2 0 0
                                    

Kabanata 1

Just Try

Ramdam ko ang pawis na tumutulo sa aking magkabilang pisngi. Todo ang paypay ko sa aking sarili habang naupo dito sa gym ng school.

"Chyn tara na! Tayo na ata ang sunod sa linya."

Tumayo nako mula sa pagkakaupo. Buti na lang talaga kasama ko si Jax dito at naisalba ako mula sa pagkaumay.

Magkaibigan kami ni Jax since first year high school. Manipis ang kanyang buhok at may mapupulang labi. She has the clear skin everyone in social media wants. Medyo bilog din ang kanyang mga mata. I've met her parents and I could say na namana niya ito sa kanyang ama. They own a pharmacy pero hindi naman gano'n kalaki. Enough to sustain their daily needs. Nagkataon na pinagtabi kami ng guro sa Chemistry. She is a wide reader and hindi ko maitatanggi na magaling talaga siya when we talk about English vocabulary. Medyo mahiyain nga lang at takot makipagsocialize hanggang ngayon. Doon lang ako naiinis sa pagiging dependent niya sakin minsan.

"Jaxelle Fernandez, with honors."

"Chyn Tan, with honors.", sunod na sinabi ng emcee sa gitna.

Nagpicture picture muna kami kasama ang iba pang mga kaibigan at classmates pagkatapos ng awarding ceremony. Tinawag rin ng mga kaklase namin 'yong ibang subject teachers para sa picture taking. We were already done taking pictures with our parents kaya naman naghintay na lang sila sa labasan, iyong iba umuwi na.

"I can't believe na fourth year na tayo next school year!" sabi ni Freda. Sabay sabay din kaming sumang-ayon pagkatapos ngumiti sa harap ng isang camera.

Umalis muna kami ni Jax at kahit tinatamad, napilitan kaming bumili ng tubig dahil sa uhaw at pagod.

"Alam mo Chyn, ba't hindi ka kaya tumakbo next school year?" tanong agad ni Jax pagkalabas ng mini-mart.

Hindi rin naman kalakihan itong school namin pero sagana kami sa canteen. Masmarami pa ata 'yong canteen kaysa sa mga classroom dito charot,

"Hindi naman ako sporty...", pagkatapos laklakin ang isang mineral bottle.

"Ungas! Iyong sa student government!"

Halos mabilaukan ako sa sinabi niya.

"Nahihibang ka na ba?!", gulat at halos hindi ko makapaniwalang tanong.

"I mean look, you're good at public speaking. You have the leadership. Tsaka you have the ideas how to deal with a crowd...", explain niya pa.

Hindi ko alam kung ano naisip neto at ito 'yong mga lumalabas sa bibig. People think na hindi ako kinakabahan when speaking in front pero deep down, halos mangisay nako. Hindi ko nga alam kung bakit hindi nila iyon nakikita. Maybe my gestures know how to deal oppositely with my feelings.

"Oh diba? Napatahimik ka?", si Jax.

"You know what? Gustuhin ko man, wala akong kakilala do'n. Iba sa kanila mukhang suplada pa. And how can I find a party list na makakasabayan ako?"

Hindi naman ako basag trip. Siraulo din naman ako but some things don't have the same paths. I am not fit to everybody.

"Ayun si Pat oh! Diba sa kabilang section lang 'yon? I've heard she will run again for council representative natin. Try it Chyn. Representative lang naman, wala namang mawawala kung itatry mo."

Nakahiga na ako ngayon sa kuwarto ko at nakatingin sa kisame wearing my sky blue pajamas. Nagkaroon lang kami ng salo-salo kanina sa isang resto malapit sa school with my parents pagkatapos ng awarding. I am an only child kaya my parents are always very happy and proud whenever I receive awards.

Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Jax kanina. I have many friends. Noong second year kasi hindi na kami naging magkaklase ni Jax kaya napilitan akong makipagkaibigan and most of them are popular kaya nasasabay ako sa anod.

Kung tatakbo ako, I am not that pretty. Singkit na mga mata, dry lips, may dalawang tigyawat, tsaka may maliit na peklat malapit sa tenga. My mom said ipinanganak ako sa dating sasakyan namin kaya nauntog ako at nagkaroon ng scar. I don't wear make-ups and stuffs. May nagkakagusto naman sakin but I snob them.

It's my last year in high school and if I want it to be extra memorable, I would do what Jax suggests. Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip when my phone suddenly rang.

"GORL!" bungad agad sakin ni Jax. Mahiyain 'to sa ibang tao pero daig pa si Mama kung makasigaw sakin.

"Hanu iyon ineng?", tamad kong sagot.

"Eto naman! Pakita mo namang may interes ka'ng sumagot?"

"Ano ba kasi 'yon?" sabay irap.

"Eto na nga! Online si Pat sa Facebook! Ichat mo na dali! Sabihin mo interesado kang tumakbo!"

"Ewan ko sayo"

"Osige na! Matutulog nako. I'm tired for today..."

Inend niya na ang tawag. Iyong babaeng iyon talaga. Tinawagan lang talaga ako para sabihing online si Pat.

I don't know what happened to me pero binuksan ko ang messenger app ng aking phone at nagtipa ng mensahe para kay Pat.

"Hello! I'm Chyn from the other section. I've heard na tatakbo ka for representative. I just want to ask if open pa kayo na magaccept ng interested for the position. Thank you!"

Masnagdalawang isip ako ng maisend ko na iyon at lalo akong kinabahan ng nakita ko ang tatlong tuldok na nagpapahiwatig na nabasa niya na ito.

"Oh yes! We still have one left slot for the representatives. Apat pa lang kami sa ngayon. If you are interested, you can come tomorrow sa meeting ng party list. I'll just chat you the room number na pagmemeetingan. See you! :>"

I don't know what to feel. I guess this is the start of my new journey.

___________________________________

Otor:

If this story is cringy, MA I'M SORRY, I'M SORRY MA! *insert Teddy's voice

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving ThyselfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon