"Ako na magddrive, baka mabangga pa tayo kung ikaw pinagdrive ko." suhestyon niya. Agad ko naman siyang binatukan.

"Di kita isasama kung magpapakamatay ulit ako." inirapan ko siya.

Naglakad kami papunta sa kotse ko, umupo ako sa passenger seat, siya naman sa driver seat. Ang kotse kong ito ay parang second home ko. Mahilig kasi ako magroad trip kaya kumpleto ang laman ng kotse ko. May kumot at unan sa likod just incase. May extra damit at sapatos naman ako sa likod. May tools and equipment ako sa trunk if ever kailangan ko. May alcohol, extra money, journal, pen sa compartment. Basta lahat ng kailangan ko andito.

"Where are we going?" I asked.

"To nowhere."

-

I can't help but look outside. Ang daan na tinatahak namin ay napapalibutan ng matataas na puno. Ang iba ay may mga bulaklak pa. Honestly wala akong kaide-idea kung asaan kami, pero sa sitwasyon ko ngayon, wala na akong pake.

We're currently watching a movie. Kaysa mag-gps kami para malan kung nasaan kami nanonood lamang kami. Parang nasa probinsya kami or something. Pagbinuksan ang bintana, malamig ang ihip ng hangin. Di tulad sa Maynila, pati hangin mainit.

"Boring naman niyan, My Perfect You? Makinig nalang tayo sa music." sabi niya. Actually, pinanood ko na tong movie na to mga sampung beses na, kaya pumayag ako na makinig na lamang kami sa music.

Pinalipat-lipat ko ang station ng radyo, wala atang signal. Kaya nagbluetooth nalang ako sa phone ko. I played Locked Out of Heaven by Bruno Mars.

"Alam mo ba kung nasaan tayo?" tanong ko sakaniya. Tumango siya at nagpatuloy mag-drive.

"Galing ka ba sa Manila?" tanong niya saakin, tumango ako bilang sagot.

"We are 5 hours away from Manila." What the fuck? Ganon na pala kalayo ang narating ko.

"San tayo pupunta?" tanong ko pa.

"To nowhere nga sana, kaso siguro iuuwi nalang kita." sagot niya sa aking tanong.

"Huwag! Sa nowhere-nowhere mo nalang." ayoko pang umuwi. Di nalang ako uuwi, kunwari patay nalang ako.

Tumawa naman siya sa sagot ko at pumayag.

Nagstop-by kami sa isang maliit na grocery store at bumili ng mga chichirya, candy, softdrinks, tubig at ice cream. Mabuti nalang at dinala ko pa ang bag ko kung nasaan ang wallet ko, kung hindi edi kawawa kami neto.

"Di ka gutom noh?" sabi ni stranger.

"Hiyang hiya naman ako sa basket mo na parang ikaw magbabayad, stranger." sagot ko sakanya. Stranger tawag ko sakanya dahil di ko maalala ang kaniyang pangalan. Nakakahiya naman tanungin kung ano iyon diba?

"Hehe, peace. Bayaran ko nalang sa susunod kong buhay." sabi niya at nag peace sign. Naalala ko tuloy si Joseph, yung profile picture niya sa facebook naka-peace sign siya. Palagi ko nalang siya naaalala, palagi narin ako nasasaktan. Habang nagddrive si Stranger, naalala ko yung first date namin ni Joseph.

"Huy! Wag ka sumimangot. Tayo na magbabayad oh." sabi niya saakin kaya agad naman ako napangiti.

Nilapag namin ang basket naming dalawa at pinunch na ng cashier ang mga pagkaing binili namin. Binayaran ko ito at bumalik na kami sa sasakyan.

Habang bumabyahe ay nagkwento lamang siya, habang ako ay nakatulala. Minsan ay nangingiyak.

Siguro ay nagsisisi na tong lalaking to na sumama siya saakin. Di ko siya masyadong kinakausap, palagi nalang ako umiiyak. Napaka-walang kwenta ko talaga. Kaya siguro namgyayari tong lahat saakin, kasi napaka-walang kwenta ko.

"Penny for your thoughts?"

Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan, nasa may bukid kami ngayon. He rolled down the windows and stopped the car. The cold wind hit my face. Malalim na ang gabi, I guess we will spend the night in this car. I watched the stars twinkled, and the trees move.

"You know, I'm here. You can tell anything to me. Baka nga magawan pa natin ng solusyon ang problema mo eh." he said while looking out his window. Nakakatouch young sinabi niya honestly. He makes me feel that I'm not alone, and I appreciate that. Kahit pa ilang oras pa lamang kami nagsasama ay pakiramdam ko na mabuti siyang tao at mapapakatiwalaan siya.

I honestly don't even know why I trusted this man to drive my car. No one has ever driven my car except for me. He's probably a serial killer, but I would probably thank him if he kills me.

"I just still miss him. Ang tagal-tagal ng pagsasama namin tas mabubuwag lamang iyon dahil sa isang kasinungalingan? Tapos andami ko pang problema, diba kinwento ko naman na iyon?" sabi ko na nangingiyak-ngiyak. Tumango-tango lang siya at inabot saakin muli ang kanyang asul na panyo at agad ko itong tinanggap. Habang hinihimas-himas niya ang aking likod, pinunasan ko ang mga luha na bumagsak mula sa aking mata.

"Magpahinga ka na, alam kong pagod na pagod ka na." sabi niya at ni-recline ang car seat, ganon din naman ang ginawa ko. I made myself comfortable and cried myself to sleep.

-
42920
345

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

in another timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon