11:47

9 2 0
                                    

Title: 11:47
Author: Venozz

Ako si Bruce, at ang trabaho ko ay ang pagiging call center sa gabi at pagiging waiter naman sa umaga sa isang sikat na restaurant.

Hayskul lang ang natapos ko, at matagal ng mamatay ang mga magulang ko, kaya naman todo ang pagsusumikap ko na buhayin ang sarili ko.
Sa Golden Perlica ako nagtratrabaho bilang isang call center agent, at gabi-gabi, kapag pumapatak na ang oras sa 11:47, palagi ako nakakaramdam na parang may masamang nakatingin sakin, at pinagmamasdan ang bawat kilos ko.

Nung una, hindi ako natatakot dahil palagi ko pinapatatag ang sarili ko, pero sumapit ang ilang gabi ay mas lalong nadadagdagan ang pagpaparamdam nito sakin, at mas lumalala pa dahil minsan ay pinapagalaw na niya ang mga upuan at nakakarinig na din ako ng mga yapak ng tao, at meroon pa na parang may umiiyak at humihingi ng saklolo. Tinatanong ko naman si Fred at ang walo ko pang kasama, kung meron ba silang nararamdaman o naririnig, at ang sagot nila 'wala', at natakot naman sila ng ikwento ko.

Nagsimula namang magkwento si Fred saamin, isa sa pinakamatagal ng nagtratrabaho dito, patungkol sa usap-usapan sa building.
Ang sabi niya, dati daw nalooban ang building na ito ng mga magnanakaw, gabi na ng oras na yun kaya kunti lang na mga tao ang nagtratrabaho, at iisa pa lang ang guard noon, kaya madaling nakapasok ang mga magnanakaw sa loob. May mga namatay at ang ibang babae ay pinagsamantalahan at pinatay.

"Hindi ko alam kung totoo yun, dahil usap-usapan lang naman yun dati dito. Hindi pa ko nakakaramdaman ng ganun dito, pero baka nga totoo dahil nararamdaman mo sila, Bruce. Siguro may third eye ka?"

"Wala akong third eye, alam ko yun, pero, Fred. Hindi nadin kasi normal ang pagpaparamdam nila, palagi nalang sa 11:47 sila nagpaparamdam sakin, at lumalala na talaga, nakakabakla man pero, natatakot na ko".

" Hindi ako naniniwala sa multo, pero base sa kwento saatin ni Fred at kwento mo, siguro, maniniwala na ko. Nakakatakot yang nararanasan mo, Bruce. Nagsisitaasan ang mga balahibo hhooo, pero I hope na makatulong ako, may kilala ako na albularyo, sigurado ako na makakatulong siya sayo".

Ngumiti naman ako kay Geraldine dahil sa suggestion niya, "Siguro nga, kinakailangan ko na magpunta sa Albularyo".

KINABUKASAN, kaagad ako nagpunta sa ibinigay saakin na address ni Geraldine sa kaibigan niyang Albularyo. Pagkarating na pagkarating ko pa lang ay kaagad ko ng ikinwento ang lahat, binigyan niya ko ng bracelet, pagprotekta at pagpapalayo daw ng mga multo sakin.

Pero ang akala kong 'matahimik ko ng buhay' ay kaagad na naglaho ng mabalitaan ko galing kay Geraldine na namatay ang albularyong kaibigan niya.

" Hello---"

"Bruce!! Ako to! Si Geraldine!"

"Oh, Geraldine, bakit hindi ka pala pumasok ngayon? Namimiss ka na ni Leo hahaha"

"Bruce, makinig ka sa sasabihin ko"

Napahinto naman ako dahil sa seryosong boses ni Geraldine

"Patay na si Klerd, ang albularyong nilapitan mo kahapon!"

Kaagad ako nakaramdam ng kaba at panginginig.

" Mukhang demonyo ang nagpaparamdam sayo, Bruce. Mag-iingat ka."

Sinisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari, dahil kung hindi ko sana nilapitan ang Albularyo na si Klerd, hindi pa sana ito mamamatay.

Sa pagkamatay ni Klerd, ay mas lumala pa ang ginagawang pagpaparamdam saakin.

Kaagad ako natauhan ng may malakas na bumagsak. Pinulot ko ito at malungkot na napangiti  ng makita ko kung sino ang nasa litrato.

Si Adella, ang first girlfriend at first heartbreak ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

11:47Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon