Chapter2

26 4 0
                                    

Chapter2

Pinaasa

"Ate, hindi ko naman kase talaga alam na ganun pala siya sa
lahat ng kaibigan niya, akala ko saakin lang e. Pero sa iba din pala ganun.

Ang sakit sakit ate. Umasa ako e. Umasa ako..."

At, ngumawa nanaman siya.

Andito ako ngayon sa kwarto namin ni Katria. At eto nga, at nagpapaka-ate

ako ngayon sa kaniya. Saakin niya inilalabas ang sama ng loob niya doon sa crush o mahal

daw niya na, pinaasa raw siya

Haynakooo. Ikaw? Naranasan mo na bang umasa? Paasahin?

O, talagang hindi ka naman talaga niya pinaasa. Ikaw lang tong mismong umasa at
nag-assume.

"Oh, uminom ka munang tubig," Inabot ko sa kaniya ang isang basong tubig

at ininom naman niya ito habang hinahagod ko ng marahan ang kanyang likod.

"Ano? Medyo okay ka na?" Tanung ko sakaniya.
"Oo, ate. Medyo gumaan yung pakiramdam ko. Pero ate, masakit pa din e.

Ano bang kailangan kong gawin?"

Natanaw ko ang mga bagong namumuong mga luha sa mga gilid ng mga mata niya

na nagbabadyang tumulo nanaman.

Nasaktan ako ng pagmasdan ko ang itsura ni Katria ngayon. Gulong gulo ang buhok

niya, namumula at magang maga ang mga mata, madungis ang kabuuan ng mukha niya.
This is not her usual self.

Naiiyak ako. Dahil sa bukod sa isa akong ate at ayokong nakikitang nasasaktan

at nagkakaganyan ang nakababatang kong kapatid, naranasan ko din yan.

Naranasan kong magka-ganyan. Alam ko ang pakiramdam ng paasahin at umasa.

Alam ko yun. Alam ko kung gaano kasakit ..

Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay na nakahawak pa din sa baso.

"Kailangan mong magmove-on."

Napatulala siya.

Mahabang katahimikan ang namayani sa loob ng kwarto namin.

Nakatingin lang siya sa isang dako ng silid namin kung saan nakadisplay

ang mga stufftoys.

Wari'y nag iisip at naghahanap ng kasagutan.

Maya maya pa ay...

"Pero ate, paano? I don't even know where to start. At, base sa mga
movies na napapanuod ko at lovestories na nababasa ko, hindi ganun

kadaling mag move-on..."

And it hits me.

Tama siya. Miski ako, it's been a year since he left me.

But it's still like, a day. Time won't fly. It's like I'm paralyzed by it..

Inilipat niya ang tingin sa'kin.
My heart skip a beat, parang feeling ko, nababasa niya ang tumatakbo sa isip ko.

.

"KATRIA!"

I cut her off. Alam ko na ang sasabihin niya at ayokong ayokong naririnig ang pangalan

ng taong sumira sa buo kong pagkatao..

TO BE CONTINUED....

2014. All rights reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in any form or by any means without written permission from the author.

Don't forget to follow me, leave vote and comments. :) PLEASE. MAG VOTE PO KAYO AT MAG-COMMENT. PARA ALAM KO PO KUNG ITUTULOY KO PA BA ITO. SALAMAT.

-Glai

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

(OFFICIAL) PARA SA HINDI MAKAMOVE-ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon