AGP 1

0 0 0
                                    

**

Nagsusulat sa Wattpad pero walang votes na narereceive kaya dinidelete.

Nagsusulat sa Wattpad kapag feel tapos isasave as draft tapos makakalimutan, pag naalala, tatamadin na ulit ipagpatuloy.

Hindi maiwasang ikumpara ang sarili sa mga peymus kaya napapansin ng di sadya ang kanyang pimples, acne, blackheads and whiteheads, tumutubo, di pantay at paiba-ibang direksyon ng kanyang kilay, ang pango na ilong, dry na lips, mabalahibo at maitim na braso.

Selfie selfie to the highest level tapos magfefeeling kasi after ng maraming shots ng selfies, may nagandahang isang picture  hanggang sa lumipas ang mga panahon, napangitan sa picture na yun dahil pang jejemon.

Gandang ganda sa sarili pero kung ipagtabi sa iba, mukha namang kuko.

Sumubok ng iba't-ibang products sa pagpapaganda at pagpapaputi pero walang epekto.

Yan ako.

A Great Poser
       ----

A Great PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon