3

24 1 2
                                    

KIKO POV

Napa silip ako sa bintana ko dito sa kwarto ng mag sisisigaw si mik-mik mula sa labas pauwi ng bahay nila.

"Mommy nandito na po si ate Liit" yun ang rinig kong sinabi nya.

Nakita kong may hawak syang paper bag at may nakasunod sa kanyang babae. Maputi, mahaba ang buhok, hindi payat, hindi din naman mataba sakto lang pero tama nga si mik maliit sya, hula ko mga 4'9", pero ganun pa man for sure walang sino mang lalake ang hindi makakapansin sa kanya. Simple at maganda.

Sino kaya yun? Parang ngayon ko lang ata sya nakita, pero bakit paki ramdam ko parang kilala ko sya.

Pinagmasdan ko sya habang nakikipag usap kina tita Elaine sa may sala nila, tapos bigla silang tumayo at pumasok na sa kusina. Kakain na siguro sila.

Gutom na din ako kaya lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Ako lang ang tao dito sa bahay ngayon. Wala si mama may importanteng lakad. Mula nuong pumunta ng abrod si ate kaye kami nalang ni mama sa bahay.

Pagkatapos kumain, naghugas ako ng pinagkainan at dumiretso ulit sa kwarto ko. May text si Lyca, ang gf ko. Naka 2 miscall at 5 msg. Din galing sa kanya. Tinext ko sya na katatapos ko lang kumain at naiwan kong nag chacharge tong cp ko dito sa kwarto. Nakalimutan ko nga pala syang itext kanina bago bumaba ng kusina. Sa kakaisip kung sino yung babaeng bisita nina tita.

Haayyy anu ka ba naman kasi kiko, bat ganun ka nalang kainteresado sa babaeng yun, pati gf mo nakalimutan mong itext. Ngayon lang nangyari to. Parang paranoid nanaman tuloy tong si Lyca, kung anu anu nanaman iniisip. Buti nakapag paliwanag ako ng maayos at naniwala naman sya.

Dito ulit ako sa may bintana, parang timang lang na naka silip sa kabilang bahay na animo may inaabangan at ayun bigla syang lumabas sa kusina, naupo sya saglit dun sa sala, tapos binuhat na bagpack nya at umakyat sa kwarto nya.

Takte para akong stalker sa lagay na to. At dahil bukas ang bintana ng kwarto na punasukan nya na halos nasa tapat lang ng kwarto ko, Nakita ko syang dumungaw sa bintana. Pero umalis din, naghalungkat ng bag at inayos yung mga damit nya sa may cabinet. Kumuha ng damit at twalya tsaka bumaba lumabas ng kwarto nya.

Anak ng heto ako nag istalk sa isang estranghera. Nasa ganong posisyon lang ako at Mga 1hour siguro bumalik ulit sya. Bagong ligo sya. Simpleng simple lang talaga. Naka mini short di naman ganun kaiksi, at t-shirt lang sya, t-shirt na mejo maluwang. She find so very attractive with that attire.

Shit kiko, what the hell are you thinking?

And there you go, mas nataranta ako ng dumungaw sya sa bintana habang hawak ang tuwalya at pinupunasan nya ang kanyang buhok para tuyuin.

What the hell is happening? Why am i so bothered with this stranger. Tumigil na sya sa pagpunas ng kanyang buhok. Tinungo na nya ang kanyang kama at tsaka humilata. Ultimo paghiga at tulog kelangang pagmasdan.hahah  buset.

lilibangin ko nalang ang sarili ko, binuksan ko ang computer at naglaro ng

Dota2. Mga ilang oras din siguro akong naka babad sa paglalaro. Wala na yung babae sa kwarto nya

Nakaramdam ako ng gutom. Lumabas ako ng kwarto at bumaba para bumili ng makakain sa may tindahan sa kanto ng tawagin ako ni tita elaine mula sa sala nila.

"yan na pala e, Kiko ginagamit mo ba Charger mo?"

"Nag cha charge palang po ako tita pero malapit na po ma full yun. Bakit po?"

"hiramin sana ng pamangkin ko Anak kung pwede. Naiwan kasi nya charger nya sa Manila."

"a sige po tita, tawagin ko nalang si mik pag tapos na ako."

"sya sige salamat anak. Oo nga pala natatandaan mo pa ba tong si Yam? Sya yung Lagi  nyong Kalaro noon ng mga ate mo nuong mga bata pa kayo satwing magbaba kasyon sila dito. Magka edad lang ata kayo. 10 palang sya nung last na punta nya dito."

" a e ganun po ba tita, tagal na po pala hindi ko na matandaan e. Sige po tita bili lang ako sa may kanto.

"Kuya sama ako."

" Sige tara."

" oh sige, teka bili ka na din ng meryenda natin mik. Yam gusto mo sumama sa kanila para makapasyal ka?"

" a ee pwede po bang next time nalang tita, medyo nahihilo pa kasi ako e."

"sya sige, gumayak na kayo Mik, kiko."

Nagtungo na kami sa tindahan ni Mik.

Napa isip ako, so sya pala yung batang kalaro ko noon, yung madalas kong asarin, pag napipikon inaaway nya ko tapos umiiyak bigla pag ganun binibigyan ko sya ng Magic Candy, kumakalma naman sya agad tapos magbabati na ulit kami.

She really grown up very simple yet beautiful woman, bata palang kami nuon pero may special feelings na ko sa kanya, which is dina daan ko nga lang sa pagpapa pansin at pang aasar sa kanya. Ang cute cute nya kasi pag naaasar.hahah at yung height nya cute padin. :)

Natatandaan pa kaya nya ko? Yung totoo napilitan lang naman akong sabihin kanina na di ko na sya matandaan para makaiwas. Baka mas lalo lang akong ma bakla pag naging close ulit kami. Hindi na din kasi tama, may gf na ako.

"Kuya magka kilala pala kayo ni Ate Yam dati?" tanong ni Mik

"Siguro, oo. Di ko na matandaan pero sabi nga ni tita kalaro ko sya nuon."

"Pero diba kuya maganda naman si ate liit?"

Gulat naman ako sa tanong ni mik, diko alam isasagot ko.

"A e, Oo naman."

Gulat din ako sa naisagot ko

"Uy nagagandahan sya kay ate liit, ibig sabihin nun kuya crush mo sya?"

Namula ako sa sinabi ni mik, pero dinaan ko nalang sa tawa

"Alam mo mik hindi porke sinabihan ka ng maganda, di ibig sabihin na gusto ka na nung isang tao, way lang yun ng pag puri, ambata bata mo pa alam mo na crush, crush na yan."

"E bagay kasi kayo ni ate e, kung magkaka bf sya sana dapat ikaw nalang"

"Loko ka, hindi pwede may gf na ako"

"E pag naghiwalay na kayo ng gf mo kuya, ligawan mo si ate ha?"

"Hahah, bakit wala ba bf yung ate mo?"

"Pag kaka alam ko kuya sa ngayon po wala e, kaka break lang ata nila"

"Bakit.?"

"Ewan ko, diko alam. Di naman ako tsismoso."

"Loko ka a"hahah

Napa isip nanaman ako, kaya ba sya nandito? Imposible bang yun ang dahilan? Kawawa naman pala sya. Haayy kung bakit ba kasi may mga lalakeng manloloko at paasa, tuloy nadadamay kaming mga matitino.

Bumalik agad kami ni mik pagka bili namin ng pagkain. Nakita kong naka upo sa terace sina tita elaine at yam.

"Kiko dito ka na mag meryenda"

Saad ni tita

"A sige po tita, thank you nalang po, next time po. May gagawin pa po ako sa taas e.

"Sya sige anak."

"Mik puntahan mo nalang ako maya sa kwarto ko, kunin mo charger baka full charge na yung cp ko ngayon."

"Sige kuya, meryenda lang ako."

"Kung sumama ka na kaya sa kuya mo para makapag charge na din ate mo"

"A e ok lang tita kahit mamaya nalang po, 20% pa naman po life ng battery ko" diko mapigilang hindi tumingin sa kanya at nagtama ang aming mga mata. Agad kong binawi tingin ko.

"Oo nga mik tara kunin mo na saglit dun sa kwarto, maya na kain antaba mo na."

"Palibhasa ampayat mo kuya"

"Gwapo naman.hahah" biro ko

Natawa si tita, at ng mapatingin ako kay yam nahuli ko syang naka smile. Ang cute nya talaga.

Bago pa ko makapag isip isip ng kung ano-ano pumasok na ko sa loob ng bahay kasama si mik.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

All of the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon