ENTRY #02 - [Cookies]
(Break Time)
Nandito ako ngayon sa harap ng Band Room, member kasi si Xander dito. Guitarist and lead vocalist siya ng banda. Isa rin yon sa mga nagustuhan ko sa kanya. He's a very good singer. Yung tipong hindi mo pagsasawaan kahit a araw-araw ka pa niyang kantahan?
Ohhhhh baby! He's almost perfect! ^_____^
Kakatok na sana ako kaso biglang bumukas yung pinto. Lumabas na sina Ian at Mico na hindi man lang sumulyap sakin kahit konte.
So, kailangan pa bang sumulyap sayo? Chixx lang?
Wala kana dun! -,-
Sumunod si Xander. Sobrang serious ng face niya.. Grabe. Lumapit na ako sa kanya tapos nakayuko kong inabot sa kanya yung box ng cookies tsaka yung thank you letter na ginawa ko para sa kanya.
Hindi ko parin siya tinitingnan. Nakayuko parin ako. Nakakahiya kaya 'no. Tapos nasa likod niya pa si Sean.
"Xan.. X-Xander. Para s-sayo. A... A-Ako mismo ang nag-bake niyan, t-thank you gift ko.. yan sayo k-kasi tinulungan mo 'ko kanina."
"Ohhh.. Si Isay pala yan pare! Ano? Bagong manliligaw mo? HAHAHA!"
"Hindi. Baka isa sa mga STALKER mo, pare? Hahaha! Ano, may pag-asa ba Lex?" Ian
He give them a very death glare. Tapos binalingan niya ako. Medyo kinabahan ako kasi ang sama ng tingin niya. Wrong timing yata. Tsk!
"What was that for ? A thank you gift? I don't even remember helping you Miss." He said while looking at me boredly.
Nakataas parin yung kamay ko para iabot yung box ng cookies sa kanya. Pero obviously wala siyang balak kunin. #___# Tumingala ako sa kanya. Feeling ko nag-iinit na yung mga mata ko.
"P-Pero.. Y-Yung kanina sa c-classroom.."
"And if you're referring about dun sa nangyari sa room kanina. Don't assume na tinulungan kita 'coz I only did that so that Ms.. Ahh.. whoever she is, will shut her fucking noisy mouth." Xander
Nakagat ko yung lower lip ko. I feel any minute babagsak na yung luha ko. Bakit siya ganon? Hindi niya ba alam kung gaanong effort pa yung binigay ko para diyan tapos ganito lang yung gagawin niya?
I didn't know na ganito pala kasama yung ugali niya. Akala ko iba siya. Nagkamali pala ako. He's so unfair! Kailangan niya ba talaga akong ipahiya sa harap ng mga kaibigan niya?
Bakit?
Dahil panget ako? T____________T
Tatalikod na sana siya pero bigla siyang humarap.
"And one more thing. I hate sweets! And will you please straightened your tougue. It's kinda annoying!" Xander
Napayuko ulit ako. Naramdaman ko nang pumatak na yung luhang kanina ko pa pinipigilan. Bakit ganito? Dapat sanay na akong inaapi diba?
"G-Ganon ba? Eherm. Sor ... Sorry. Hindi ko.. alam na hindi ka pala mahilig.. sa matamis." Hindi na siya sumagot , tumalikod nalang siya tapos umalis na, sumunod narin sina Mico at Ian.
Aalis narin sana ako pero biglang sumulpot si Sean sa harap ko. Kanina pa nga pala siya nasa likod ni Xander.
"Ahmm.. Eherm! Ako mahilig sa cookies, pwede akin nalang yan, Isay? Please?? ^___^" Sean
SEAN ANDREW CLARKSON.
Bassist ng banda nila. Siya yung sumunod na gwapo sa kanilang apat. Chinito kasi tsaka friendly. Actually mas mabait pa nga siya kay Xander. Pero ewan ko ba kung bakit mas nagustuhan ko si Xander.