Nandito ako ngayon sa NBS para bumili ng libro and wait sandali unahan ko na kayo hindi yung librong pang paaralan ah kundi yung wattpad books hihi mga baby ko yun skl bakit.So ayun na nga papasok na ko ng harangin ako ni manong guard ay close tayo manong?
"Sandali ho miss ilan taon na ho kayo?"
"17 po bakit po?"
"Sigurado po kayo?ang liit niyo naman pong 17 years old"
"Manong guard ano po bang pake niyo sa height ko?yung pagiging maitim po ba ng batok niyo pinakaelaman ng height ko?",sagot ko sa kaniya at inirapan siya bantos ka manong alam ko namang di angkop yung height ko sa edad ko noh ipamuka ba daw.Di ko na lang pinansin yung pagiging pakealamero ni manong at pumunta na ko dun sa mga lalagyan ng libro,excited kung hinanap yung librong bibilhin ko ng biglang may tumawag sakin sa cellphone syempre ako na magugulatin ay nagulat at napasigaw
"ay taong tae!"
"pfft HAHA",rinig ko sa likod ko na parang may nagpipigil ng tawa,nilingon ko ito at di ko napansin na may tao pala sa likod ko na nakatalikod bat kaya nagpipigil to ng tawa?baliw ba to?tumatawa mag isa? di ko na lang pinansin si kuyang mukang may tama sa utak at inaccept ko na lang yung call
"Hello Cleo?"
"Oh bakit Kah"
"Anong kah?!kahlia nga sabi!"
"HAHAHA sorry na kah muka ka kasing kahoy e"
"grrr ano ba Cleo-ng mukang leon"
"HAHAHA ok lang atleast di mukang kah-oy btw bat ka napatawag?hinahanap ko yung baby ko e"
"Tse!,tumawag ako kasi gusto kong sabihin na ang panget mo"
"Ay wao hiyang hiya ko sayo sis sobra"
"HAHAHA chos lang bakla to na nga may nalaman kasi akong chismissss!!"
"chismis?sige intay mo ko punta ko dyan sa inyo pagkabili ko"
"Ay nako wag na ako na pupunta nandito kuya ko at baka mainlab ka pag nakita mo yoko kitang maging sis-in-law"
"bakit ako ba gusto kitang maging sister-in-law?mas gusto pa kitang gawing katulong sa bahay e"
"Pwet mo may raket Cleo-ng di tumatangkad"
"Atleast di mukang kah-oy,mamaya na lang epal ka istrobo ka kahit kailan.Bye Kah-kah!" pinatay ko na agad siya para di na maka angal.I mean pinatay ko na agad yung call para di na makasagot,tinuloy ko na lang yung paghahanap ng bibilhin kong libro nung makita ko na kukunin ko na sana kaso may humawak din sa dulo nung libro alam mo yung feeling na hawak mo na nasayo na e bigla pang may epal may kaagaw!
"eXcUsE mEh nauna ko sayo" nakataas na kilay kong sabi sa kaniya
"Anong ikaw?sorry miss mas nauna ko sayo"
"Ako!",sigaw ko dito sa lalakeng gwapo sana kaso epal e mangaagaw.Naghilahan kami hanggang sa maagaw niya
"Arghhh nauna ko e"
"Sorry nasakin na,pag nahawakan ko akin na",sagot niya ay kyah touch mee and I'm all yours oy lintek ka keharot harot mo inagaw na nga sayo yung libro mo.
"Grr edi sayo na saksak mo sa baga mo!",sigaw ko sa kaniya at nagwalk-out pano ba magwalk-in?hay nako basta narinig ko pang tumawa yung lalake,kala mo ang gwapo mong tumawa?gwapo nga sabi ko nga.Nag eemote ako dito sa labas ng NBS ng may magtext sakin.
From:kAhLiAnG kAhOy
oy chaka ikaw na lang mag-adjust punta ka na lang dito samin tinatamad akong lumabas.Hehe peace.Rip,I mean Ily.Di ko na lang siya nireplayan ako din tinatamad,tinatamad magreply hehe.Pupunta na lang ako sa kanila tutal sawi ako ngayon huhu tengene kasi ni kuyang gwapo e sarap sungalngalin kahit gwapo hmp.Lalakad na sana ko ng biglang may bumangga sakin