Simula

15 1 1
                                    

"Araaaaay." Sigaw ko nang matalisod ako sa matigas na ugat ng isang puno dito sa aming bakuran.

Naramdaman kong humapdi ang aking tuhod. Dumurugo ito. Sinubukan kong tumayo pero di ko kaya. Nabalian yata ako. Huhu. Wag naman sana.

Tatayo na ulit sana ako nang biglang may kamay na humaplos sa sugatan kong tuhod.

Nakaluhod ito paharap sa akin. Tiningnan ko sya. Napakaamo ng kaniyang mukha. Hinuha ko, magka-edad lang ata kami.

"Masakit pa ba yang sugat mo?" Tanong nya sakin. Ang kyut ng boses nya. Naku Maggy, ano ba yang iniisip mo. Nadapa ka na nga, kung ano-ano pang iniisip mo. Pangaral ko sa sarili ko sa aking isipan. "Okay ka lang? Masakit pa ba?" Tanong nya ulit.

"Malamang! Ikaw kaya yung madapa't masugatan-" Napatigil ako sa pagsasalita nang hindi ko na maramdaman ang kirot at hapdi ng sugat ko. Namilog ang mga mata ko nang mawala ang sugat ko. Teka, pano nangyari yun?!

Tiningnan ko ulit yung lalaki pero wala na siya. San na ba yun? Biglang lumamig ang paligid. Para akong kinilabutan. Nagmamadali akong tumayo at tumakbo papunta sa loob ng bahay.

"Lola, Lola, Lolaaaa!" Tawag ko kay Lola Ada. Hinihingal pa ako buhat nang pagtakbo ko kanina. Nanlalamig pa rin ako dahil sa nangyari.

"Oh, Magenta, bakit? Anong nangyari sayo? At bakit para kang nakakakita ng multo." Sunod-sunod na tanong ni Lola Ada.

"La, ano po kasi.. Yung sugat.. La, yung bata..kasi ano po-" Hindi ko matuloy-tuloy ang sinasabi ko kasi hinihingal pa rin ako.

"Huminahon ka nga munang bata ka. Kung saan-saan ka kasi nagsusulpot eh. Halika ka muna sa kasina at ipaghahanda kita ng meryenda." Suhestyon ni Lola.

"Pero La, yung ba-" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil umalis na si Lola Ada papuntang kusina. Napabuntong hininga nalang ako at sumunod sa kaniya.

Pinaghanda nya ako ng tinapay at orange juice. Habang kumakain, ramdam ko ang titig ni Lola sa akin.

"Yung batang nabanggit mo, sino sya?" Tanong ni Lola na syang bumasag sa katahimikan.

Uminom muna ako ng juice bago sumagot.

"Uhmm, nadapa po kasi ako kanina dyan sa may puno sa bakuran La kaya ako nasugatan sa tuhod at-"

"Ano? Patingin nga ng sugat mo." Dali-daling sabi ni Lola kaya di ko na natapos yung sinasabi ko. "Wala ka namang sugat Apo." Dugtong nya nang walang sugat na makita sa tuhod ko.

"Yun na nga po La eh. Di ko rin po maintindihan." Napakamot sa ulo kong sabi.

"Anong ibig mong sabihin Apo?" Naguguluhan na ring tanong ni Lola sakin.

Ipinaliwanag ko sa kaniya ang lahat ng nangyari sa akin kanina. Yung pagkadapa ko, yung sugat kong gumaling matapos haplusin nung batang lalaki at yung biglang pagkawala niya. Lahat ng yun, sinabi ko kay Lola Ada.

"Sa may puno ng balete ka ba nadapa?" Maingat na tanong ni Lola.

Naguguluhan naman akong tumango.

Kitang-kita sa mga mata ni Lola ang labis na pagkabigla. May takot rin akong nakikita sa kaniyang mga mata.

"Nagpaparamdam na naman sila." Bulong ni Lola pero sapat na para marinig ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He lives in a Balete TreeWhere stories live. Discover now