demonyo

17 0 0
                                    

jk labajo

Note: This story happened a few months after Jose and Joven's Graduation na ipinapakilala ang Gremedios kasi I'm planning to write a Gremedios fanfic din before and I might! I just found out that I wrote this way before I wrote Porter then lost it. Hehe. So this fic should've been between Senti and Porter.

Sinundo ni Joven si Remedios sa mall. Kakagaling lang din ni Remedios sa kanyang trabaho pero naunahan n'ya pa rin si Joven na mas malapit sa mall. Pagkakita ni Remedios kay Joven, laking gulat n'ya na may kasama itong lalaki. 

"Remy, si Paco. Ka-trabaho ko." pakilala ni Joven. Inalok ng pakikipagkamay ni Remedios si Paco at nginitian. Ilang buwan ding hindi nagkita ang dalawa kaya niyaya ni Joven si Remedios. Ang may pasimuno: si Julian.

Sabado ngayon, walang pasok ang mga ito kinabukasan. Kaya pinatulan na rin nila ito. Naunang naglakad si Remedios papunta sa parking lot at tahimik na nakasunod si Joven at Paco. Nang makarating sa sasakyan ni Remedios, umupo si Joven sa harap at si Paco naman ang nasa likod. Nagsimulang magsalita si Remedios pagkaandar n'ya ng kotse. "Joven, 'di mo pa rin naikwento sa akin ang nangyari. Ilang buwan na ring ang nakalipas..."

Napatingin si Joven kay Paco at sunod kay Remedios. "Wala naman hong dapat ikwento. Mas mabuti na rin sigurong ganito kami ngayon." sagot ni Joven. Naka-kunot ang noo ni Paco, hindi alam ang sinasabi ng dalawa. Kinuha n'ya na lang ang kanyang selpon at tinext si Angel na sumunod sa pupuntahan nilang bar.

"Okay lang ba may isa akong kasama?" tanong ni Paco nang tumahimik na ang dalawa sa harap. Tumungo naman si Joven at ngumiti.

"Mas marami, mas masaya hindi ho ba?" sabi ni Joven at tumingin kay Paco. 

Nang nakarating na sa Taguig pasado alas nuebe, naiwan si Remedios at Paco sa loob ng sasakyan dahil hinahanap ni Joven si Julian. Nagulat si Joven nang biglang may kumalabit sa likod nya. "Angel?"

"Uy! Joven! Andito ka rin pala! Sino kasama mo? tanong ni Angel kay Joven. Hindi makasagot si Joven. Takot na baka andito rin si Jose. "Tagal na nating 'di nagkita. Nakita mo ba si..."

"Angela!" sigaw ni Paco. Nanlaki ang mata ni Joven nanag marinig ang boses ni Paco sa likuran nya. "Magkakilala kayo ni Joven?" tanong ni Paco habang nakangisi. Naisip nya na hindi na sya mahihirapang ipakilala si Angel kay Joven.

Bago pa man magsalita si Joven, inunahan na ito ni Angel. "Nagkakilala kami dahil sa isang common friend, right?" paliwanag n'ya. Tuminigin si Joven kay Paco at tumungo. Saktong dumating si Remedios at nagulat nang makita si Angel.

"Oh, anong ginagawa mo dito? Akala ko lilipad ka na pa-Japan?" tanong ni Remedios sa kanya. Nagulat si Paco sa tanong ni Remedios at hinila si Angel palayo sa kanila. Hinila naman ni Remedios papasok sa bar si Joven at hinanap si Julian.

Nang makita na nila sila Julian, agad silang umupo sa bakanteng silya. Ipinakilala ni Joven si Remedios kela Julian pero agad na umalis si Julian sa table. Tinignan ni Goyo si Remedios, "Hindi ba nagkita na tayo before?" seryosong tanong nito sa dalaga. Napatawa naman si Remedios, halatang nakakatanggap ng ganitong klaseng tanong.

Tumingin si Remedios kay Goyo at nakita nyang seryoso ang binata. "A-Ah, seryosong tanong ba yan?" tumungo naman si Goyo. "Hindi ko maalala mukha mo. I'm-"

"Ah! I remember! Sa Route 196! I played after your friend's set ata? Basta yung-"

"Yup! Okay! We shake our hands no'n and that's it!" sigaw ni Remedios. Nanlaki ang mata ni Joven dahil naalala n'ya yung gabing yon kahit 'di nabanggit pangalan n'ya at iisa lang ang nasa isip nilang tatlo. Nagulat din si Goyo at ngumiti. Tinaas ang kanyang iniinom na beer at sinundan naman ito ni Remedios at Joven.

Kakarating lang ni Vicente sa table nila Goyo. "Nakasalubong ko si Julian. Ayon, may sinasayaw nang babae." bati ni Vicente. Tumingin s'ya kay Joven at ngumiti. Ibinalik naman ni Joven ang ngiti at saktong dumating si Paco sa table. Lumapit agad sya kay Joven at bumulong.

"Hindi ko alam na kilala ka pala ng ex ko. Pasensya na. Dapat pala sinabi ko muna." tinignan lang ni Vicente ang lalaking bumubulong kay Joven. Pagkatapos bulungan, tumingin naman si Paco sa kanya at inabot ang kanyang kamay para magpakilala, "I'm Paco Roman. Katrabaho ni Joven." tinanggap naman ni Vicente at Goyo ang pakikipagkamay ni Paco. Pagkaupo, tumayo si Remedios para mag-sigarilyo muna sa labas. Sinundan naman agad ito ni Goyo.

Pagkasindi ng isang stick, napansin ni Remedios si Goyo. "Oh, nagyoyosi ka rin?" tanong nya at inabutan ng pack. Sumenyas si Goyo na hindi kaya ibinalik ni Remedios ang pack sa bulsa n'ya.. "Anong ginagawa mo rito?" tanong n'ya.

"Nagtataka lang ako dahil isang mala-anghel na tao ang andito kasama... kami." nagulat si Remedios sa sinabi ni Goyo pero natawa na lang ito.

Huminga ng malalim si Remedios at humipak sa hawak nyang yosi. "Okay ka lang ba? Lasing ka na ba?" umiling si Goyo at agad na tinignan ni Remedios si Goyo sa mata. "Hindi naman lahat ng anghel, mabuti Goyo." sabi nito at hinulog ang hawak na yosi. 

Pumasok si Remedios sa loob,  hawak ang braso ni Goyo. "Mabuti pa, sumayaw na lang tayo." bulong n'ya at hinila si Goyo para sumayaw kasama si Julian.

Tahimik lang ang tatlong natira sa table. Kahit hindi sila, nagseselos si Vicente kay Joven at Paco. Kahit na walang ginagawa ang dalawa, ramdam ni Vicente na bagay ang dalawa sa isa't isa. "Ah, Paco. Ano pala trabaho mo?" tanong ni Vicente.

Ngumiti si Paco at tumingin kay Joven na tumungo, "Under ako ng news department sa pinagta-trabahuan naming newspaper company." tumango si Vicente at natahimik ang tatlo. "Ikaw, anong work mo?" 

"Somewhere sa QC. Social media manager ng isang radio station." sagot ni Vicente. Bakas sa mukha ni Paco na natuwa ito dahil galing din ito sa radyo bago mag-dyaryo. Pagkatapos nilang magtanong tungkol sa kanilang trabaho, nanahimik ulit sila hanggang sa nagpasya si Paco na umuwi na dahil may meeting pa ito kasama ang EIC nila bukas.

Ngumisi si Vicente, na ngayon namang kasama si Julian. "Ingat!" batid nito. Pero nagulat naman ito nang tumayo rin si Joven at nakahanda nang umalis. "Pati ikaw din Joven?" tanong nya.

"Ah, oo. Luluwas pa ako sa mga kamag-anak ko sa Cavite." ngumiti si Joven at umalis na sila ni Paco. Nakasalubong naman nila si Goyo at Remedios na nagkakatuwaan pa. Hinayaan na lang ni Joven si Remedios at lumabas na sila ni Paco.

Nagbook ang dalawa ng Grab at parehas na naghihintay sa labas ng bar, nang dumating na ang Grab ni Joven, nagpaalam na ito kay Paco at pumasok na sa loob ng sasakyan.

waltz of four left feet › joseven x bayaniseryeWhere stories live. Discover now