Ako si Jahzeel pero ang tawag sakin ng mga kaibigan ko ay Jah. Second year college ako. Nursing ang nakuha kong course dahil gustong gusto kong magnurse kahit ayaw ng parents ko.
Maganda ako at alam ko yun. WAHAHA. Madaming naiinggit saken at nagagalit pero hindi ko alam kung bakit. Madaming nagkakagusto saken pero isang lalaki lang talaga ang gusto ko at si Junghoon iyon.
Si Junghoon, 2nd year college din sya at nursing din ang course niya. We've been friends for 3 years na pero hindi niya pa nalalaman na may feelings ako sa kanya dahil ayaw kong ipaalam sa kanya dahil baka mailang sya sken.
Mabait si Junghoon. Meron syang girlfriend at ayun ang dahilan kung bakit di ko na sya pinapansin. Nagmumukmok ako sa kwarto ko. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na "Bakit hindi ko pa sinabi sayo nung una?" Pero olats na e.
One time, nag-text si Junghoon saken. Sabi sa text, "Uy! Bat di mo na ako pinapansin sa school? Okay ka lang ba? Pansinin mo na ako, please." nagdadalawang isip ako kung rereplayan ko sya. Pero ayun, nareplayan ko naman.
"Ah, naging busy lang kasi ako at nawalan ako ng time kaya ganun. Sorry uh? Pati ikaw hindi ko na napapansin. Pero sige, papansinin na kita bukas. Sige, goodnight ka na." Sabi ko sa text at binagsak ko na lang yung phone sa kama ko. Hindi ko kasi alam kung anung sasabihin ko sa kanya. Hay nako, itutulog ko nalang to.
Kinabukasan.
Nagising ako ng 6:00AM dahil maaga pa ang pasok ko. Kumain muna ako ng breakfast ko at dumeretso na ng banyo. Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako. Isang pants at blouse na puti. At nagpunta na ako sa school ko. By the way, sa Ateneo ako nagaaral. Diba, ang yaman ng lola mo.
Nagpunta muna ako sa canteen para makapag-review para sa quiz namin. May lumapit sa aking lalaki.
"Hello, Jah!" tumingin ako sa lalaki at napanganga ako dahil si Junghoon yon. Napasmile ako at sya rin naman. Shet! Namiss ko sya ng sobra. Gusto ko syang yakapin kaso baka mahuli ako ng girlfriend nya.
"Uy, Junghoon! Musta na kayo ni Kim?" Si Kim. Girlfriend nya ito.
"Ah, Si Kim? Wala na kami e." sabi ni Junghoon. Nagulat ako pero natutuwa rin sa narinig ko. "Bakit? Anung nangyari?" tanung ko naman.
"She cheated on me. I saw her kissing my classmate. I want to slap her pero hindi ko magawa. Sabi niya saken wala na daw siyang feelings for me. Kaya, ayun nakipagbreak sya." sabi nito. Napanganga talga ako kasi hindi ako makapaniwala. Si Kim kasi wala syang paki sa mga lalaki na may girlfriend na.
"Aww, kawawa ka naman, my friend!" Sabi ko. Binatukan ako nito. "Wala na akong pakialam sa kanya. Sige pasok na ako uh?" sabi nito at tumango lang ako. Lumabas na siya ng canteen at napatalon ako sa tuwa. Pinagtinginan ako ng mga tao sa loob ng canteen. Parang sinasabi nila na para na akong baliw. Lumabas na ako ng canteen at dumiretso sa classroom.
Pagkapasok ko sa room, pumasok na rin yung professor namin.
"Bring out 1/4 sheet of paper. Up to 10 lang ang quiz natin." at nagsilabasan na kami ng papel. He gave us only 10 minutes, wow! Hindi naman mashadong madamot si sir sa time diba? At guess what? Naka-10 ako.
Naguwian na at nakauwi na rin ako. Sobrang nakakapagod ang araw nato pero worth it.
1 week na ang nakakalipas at nagiging close na kami ulit ni Junghoon. Pagkapasok ko sa canteen, nagulat ako may mga petals sa lapag at walang mga tao sa loob. May mga lobo rin. Ang romantic naman nito.
May lumabas na isang lalaking nakatuxedo na black at may hawak na bouquet of flowers. Iba't ibang kulay ito. Tinignan ko sya simula paa hanggang ulo. Si JUNGHOON! Ohmy! Kinikilig talaga ako. Hindi ko mapigilang ngumiti. Hindi ko alam kung anung meron ngayon.
Naglakad sya patungo sken at binigay yung flowers. "Para sa aken?" tanung ko. Tumango lang sya. Kinuha ko yung flowers from him. Nag-thank you ako.
Tapos nagulat ako na lumuhod sya sa akin. May nilabas syang diamond ring from his tuxedo pocket na ewan. Nagulat ako sa mga nangyayari ngayun.
"Will you be my girlfriend?" sabi nito. Napanganga ako. Pakiramdam ko namumula ako.
"Yes, I will be your girlfriend. Forever and ever your girlfriend." sabi ko sa kanya. Niyakap ko sya ng mahigpit at nagthank you.
August 20, 2010. I am now officially Choi Junghoon's girlfriend.