Chapter 4: Punishment

92 3 0
                                    

--

Ako ay natutuwa laging natutulala twing lumalapit ka! Twing lumalapit ka ahhhh~~~ahhhhh~~Nagising ako dahil may tumatawag sa cellphone ko. I didn't even bother to look at the caller at agad na sinagot yon.

"Hello?" Inaantok pang sagot ko.

"Good morning Faye, did I ruined your sleep?" Parang nagising ang buong diwa ko nang marinig ko ang boses na yun. Tiningnan ko naman ang cellphone ko upang kumpirmahin kung sino ang kausap. Wahhhh si Al! Ohhhemmmgyyyyy! Hindi ko alam ang gagawin ko kinikilig ako!

"Hmm Faye are you still there?" He asked. Wahhh lipad na naman ang utak ko! Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na tawag nya ang bubungad sa akin ngayong umaga. Nang maka-recover na ako ay huminga ako ng malalim.

"Hmm Oo, good morning din Al.." nahihiyang bati ko. Narinig ko naman syang tumawa sa kabilang linya.

"How are you feeling?" Pangungumusta nya. Chineck ko naman ang leeg ko at noo. Mukhang ok na ako. Pero medyo masakit pa rin ang paa ko. But all in all, ok ako. Okay na okay!hihihi

"Ayos na ako bumaba na ang lagnat ko pero medyo masakit pa ang paa hehe.." sagot ko naman sa kanya. Hindi ko mapigilan ang ngiting gumuguhit sa aking nga labi. Ang saya saya ko dahil sa tumawag sya. Hindi na ako naghahangad pa ng ibang bagay mula kay Al dahil sapat na sa akin ang ganito na may pakialam sya sa akin. And just by the thought of it ay kinikilig na ako.

"Ahhh ganun ba, by the way nag breakfast ka na ba?" He asked.

"Hindi pa ehhh, medyo kakagising ko lang" I said as a matter of fact. "Great! Sabay na tayo hindi pa rin kasi ako nag bre-breakfast..kung okay lang sayo?"He said na may halong pagaalinlangan. Wahhhhhh omygosh talaga! Eto na ba yun? Niyayaya nya ba akong mag date? ( Date? Niyaya ka lang mag almusal Faye date agad?) Oo na ako na assuming! Pero kasi masaya ako wag mo na sirain author! Tutal sabado naman ngayon at walang pasok. Excited na ako!hihihi

"Sure" tipid kong sagot. I'm really trying my best to be calmed. Baka kasi isipin nya na sobrang saya ko at sobrang excited! Which is true naman.

"Then it's settled, I'll fetch you after fifteen minutes" He said and ended the call. Wahhhhhhh fifteen minutes?! Omygoshhh kailangan ko na mag asikaso!

Nagmadali akong pumunta sa cr ng room upang maghilamos at mag toothbrush. Kahit medyo masakit pa ang paa ko ay hindi ko na ininda. Pagkatapos ko sa ay nagbihis na ako at inaayos ang aking sarili.

Maya maya pa ay nakarinig ako ng sunod-sunod na katok mula sa pinto. Nandito na si Al! Excited na ako! Binuksan ko ang pintuan na may ngiti sa mga labi. Ngunit agad din nawala dahil sa hindi ko inaasahang tao sa harapan ko. Ginagapangan na naman ako ng matinding kaba.

"Teka anong ginagawa mo dito?" May halong gulat na tanong ko. Bakit sya ang nandito? Nasaan na si Al?

He just stared at me. Without saying a word ay bigla nya akong hinila palabas ng room ko. Dahil sa hindi ko inaasahang gagawin nya yun ay bigla akong na out balance at napasubsob sa dibdib nya. Lub...dub..lub...dub. lub..dub...ang bilis ng pagtibok! Parang naghahabulan sila! Mas lalo ko pang idinikit ang tenga ko sa dibdib ng taong nasa harapan ko upang mas lalong marinig ang pag tibok nito. "A-Ang bilis.." namamahang pahayag ko sa hindi malamang dahilan. "Tsk" tugon naman nito saka ako marahang itinulak.

Bigla naman uminit ang aking pisnge ng mapagtanto ang aking ginawa. What the hell Faye?! Are you out of your mind?! Bakit mo ginawa yun! Ewan ko din naman sa sarili ko kung bakit ko nga ba ginawa yun. Nakakahiya!>\\\<

Torn Between Two Different Guys ( ON-GOING)Where stories live. Discover now