Simula

96 20 8
                                    

Simula

"Magi, my bessy!" Tili ng bestfriend kong si Irene habang tumatakbo palapit sa akin. I'm outside the school gate, actually waiting for her for she texted me earlier na sabay kaming papasok.

I'm wearing a flannel shirt tucked in a black high waisted jeans and a white converse. Rene on the other hand is wearing a crop top, denim jeans and a sneakers.

It is not yet the first day of classes but the day of orientation. Still 7:25 in the morning pero marami ng mga estudyante. Sabagay, sa una lang naman ito dahil nga start ng 8:00 ang orientation. At tsaka ngayon palang namin makukuha ang schedule namin for the whole semester.

I'm a grade eleven student by the way, STEM strand at magkaklase kami ni Irene, hindi na ata kami maghihiwalay. Magkaklase na kasi kami since elementary palang.

"Hi bessy, good morning." Bati ko sa kanya.

Umismid lang siya, alam ko na kung ano ang sunod niyang sasabihin. "Tipid naman magsalita bes, hindi ka ba masaya na nakita mo na 'ko?"

Natawa nalang ako sa drama niya. Hindi talaga ako maingay kabaliktaran niya. Pero siya lang din ang tanging nagpapadaldal sa akin, hindi kami nauubusan ng topic na pag-uusapan.

"Baliw, unang araw ng klase nage-emote ka nanaman diyan." Sabi ko sa kanya at niyaya nang pumunta sa grounds. Nandoon kasi naka-assemble yung mga iba pang estudyante.

Pagkarating sa quadrangle ay pumila kami sa mga ka-section namin, may mga placard naman na nagsasabi kung anong strand or section iyon.

Maraming bumati sa amin at binati namin habang hinihintay namin ang orientation. May iilang mukha din na ngayon ko lang nakita, yung mga iba naman naming kaklase dati ay nasa ibang strand na.

"OMG bessy, kadaming transferee'ng pogi." Sabi ni Irene sabay siko sa akin.

Haaay nako, 'tong babae talaga na'to. Mahilig maghanap ng crush pero kapag may nanligaw naman, basted agad. 'Study first' daw muna siya.

"Eh masyado ka namang picky bes. Gwapo nga, gwapo lang. Hindi naaabot standards mo." Sabi ko sa kanya ng may ngisi.

"Che! Huwag ka nang kumontra. Dagdag inspiration 'yan." Rinig kong sabi niya, nag-vibrate kasi yung phone ko kaya kinuha ko sa bulsa ng jeans na suot ko.

From: Momma Tess
Maddi, baka hindi ka masundo later. Something came up. We will have a conference in Cebu, kasama namin mga driver. Sorry hon, biglaan kasi. Take care sa pag-uwi honey, love you.❤

Uh oh. I can just hitch with Irene later kaso out of the way ang bahay namin sa kanila. Haays, I guess I really have to commute.

To: Momma Tess
Okay mom, don't worry I can manage. Take care too, love u❣

Habang palapit ng palapit ang pagpatak ng alas-otso, parami rin ng parami ang mga estudyanteng nagsisidatingan pa. Ilang sandali pa ay nakita na namin sa may stage ang presidente ng academy.

Just like any typical school, there is an over-all orientation para sa lahat ng senior high na magsisibalik-aral.

Darmstadium State Academy has different campuses for each level. Ibang campus ang college sa high school. However, senior high school's campus is also separated from the campus of junior high school. So sa campus namin ay puro senior high school students lang.

The school laws, rules and regulations were discussed. Also, faculty members and staffs were present during the orientation.

Akala ko nga yun lang ang gagawin sa araw na iyon pero may orientation pa ulit mamaya, per strand na nga lang.

Unexpectedly In Love With The Enemy (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon