5 days na mula nung umalis si francis

527 18 5
                                    

Ang dami ko ng na send na message sa kanya, ilang araw na akong naghihintay na mag online siya, hanggang ngayon wala bakit kaya? kahit ano na pumapasok sa isip ko.. sorry di ko na mapigilan mga luha ko.

Paano kung hindi na siya babalik?

Paano kung di niya tutuparin yung promise niya?

Paano kung nakalimutan niya na ako?

Iiyak na ba ako dahil sa wala na siya? 

Oo ganito talaga ako kababaw limang araw pa nga eh, di ko naman alam kong anong nangyari, pero oo natatakot na talaga ako promise  ayokong mawala siya. Di ko kaya.

Nakaharap parin ako sa laptop ko, nasa profile niya ako sa FB kasi miss na miss na miss ko na talaga siya. Ng bigla....

Sa chat box sa fb:

"Baby sorry.. sorry talaga baby  ngayon lang ako nakapag online  kasi sobrang wala talaga a kong time *Sad Face* "  nawala agad yung mga di magandang naiisip ko ng mabasa ko ang message ni Francis

"Baby okay lang, ang importante alam ko na ngayon yung dahilan mo, baby miss na miss na kita, akala ko di ka na magpaparamdam. Akala ko di mo na ako naaalala, akala ko wala.."

Yun di ako nakatapos mag type di ko pa na send! kasi may message siya ulit!

"Baby,  may sasabihin ako"  kinabahan tuloy ako

"Ano yun baby?" tanong ko

"Baby, baka di na ako makauwi napagdesisyunan ni mommy na dito na raw ako mag-aaral" 

 Di ko maipaliwanag yung nararamdaman ko basta nalang tumulo yung luha ko.

"Baby sorry  wala akong magawa"

"Paano ako? paano tayo? paano ang promise mong babalik ka?" ito yung kinakatakutan ko, bakit nangyayari to? Naghintay ako ng sagot niya pero hindi na siya nagrereply

"Ganun lang ba kadali sayong iwan ako?" grabe lang ang sakit! Hindi parin siya nagreply

Umiyak ako ng umiyak ng umiyak, oo iyakin ako!! pakialam niyo!! ang sakit! wala na ba kaming pag-asa?

♫ ♫   Iniisip ko kung bakit ganito ang langit nilayo ako sayo hindi ko matangap

mahirap magpanggap na ako'y hindi bigo ngunit di ko rin inaasahang

mangyayari to kung ikaw ay alaala nalang paano na ko? ♫♫

PUCHA NA KANTANG YAN!

Ang sakit, hindi man lang siya nag reply? ganun lang ba ka simple sa kanya yun? kaya ko naman long distance relationship ah, kahit hindi na siya nag rereply..

Francis mahal na mahal kita .. (send)

pero kung wala na talaga okay .. (send)

di na kita papahirapan pa.. maghiwalay na tayo. (send)

Matapos ko i'send lahat ng yun pinatay ko na laptop ko, napahikbi na ko sa sobrang iyak!! ang sakit sakit, paano ako magmo-move-on? iisipin ko palang di ko na kaya.

A PROMISE..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon