BRIX POV
Papasok na ako sa trabaho as usual, walang kain, puyat, pagod, pero go parin. Ako si Brixton Capule at isa akong cardiologist sa San Lazaro Hospital. Ganyan lagi ang routine ko pagdating sa araw-araw kong pamumuhay.
"Good morning doc!" ganyan lagi ang bubungad sa akin sa pagpasok ko ng hospital. Nakakagaan ng loob at nakakawala ng pagod kapag binabati ako ng aking mga pasyente.
"Magandang umaga din po, kamusta po ang pakiramdam niyo?"
"Mabuti naman po ako at pati ang puso ko kaya eto, mahal ko parin etong asawa ko. 46th wedding anniversary na namin bukas kaya pinagsumikan ko gumaling agad."
"Ganon po ba nay? Mabuti po iyan at happy anniversary sa inyo."
Naglalakad ako sa pasilyo ng hospital ng makabangga ko ang isang nurse.
"Sorry doc", wika niya habang pinupulot ang mga nahulog na gamit.
"Tulungan na kita diyan, by the way bago ka lang ba dito? Ngayon lang kita nakita dito", sagot ko naman habang tinutulungan siya magpulot.
"Opo doc, kakalipat ko lang dito kahapon since nagsara yung clinic na pinapasukan ko. Sige po doc, thank you sa pagtulong."
Hindi ko naitanong ang pangalan niya dahil tila siya'y nagmamadali papunta sa nurse station.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa napagpasiyahan kong pumasok sa aking opisina. Doon ay namahinga ako ng sandali at naidlip.
BINABASA MO ANG
Once, I was Loved (ON-GOING)
Non-FictionHindi lahat ng mga istorya ay nagtatapos sa "happily ever after". Sa fairytales na lang halos makikita ang happy endings. Minsan ako'y minahal pero iniwan pa rin. Kamalasan ba ito? Ako si Brix at ito na siguro ang kwentong tatagos sa inyong puso at...