Lost
Kay sarap damhin ang bulong ng hangin
Sa puso ni mayuming nangingilin
Sa tabi ng dalampasigan ang alon ay umibig
Sa ibong lumilipad humahalik sa tubig
Ang awit ng ibon tambol ng paghamon
Pinagtatakpan hinagpis ng alon
Sa likod ng ulap, higanteng araw
Di masikatan ginintuang ibabaw
Lumipas ang araw, hinagpis di naglaho
Nilimot ng tadhana kasabay ng pag guho
Saksi ang buhanging may gintong kinang
Sa pag-iibigang tila sinayang
-blackcatpoet-