Part 1

34 2 0
                                    


"Hey! Earth to Yulli!" My bestfriend Lyla snapped her fingers infront of me. "Tsk! Spacing out again? Iniisip mo nanaman si Stephen?" She crosses her arms. I rolled my eyes at her.

"Huh?! H-hindi no!" Pagpo-protesta ko na ikinataas ng kilay niya

"Sus. I know you too well Yulli. Alam na alam ko yang patulala-tulala effect mo. At ganyan ka kapag si Stephen nanaman yang iniisip mo." She said at inubos yung burger niya.

I rolled my eyes at her once again sabay sabing "Alam mo naman pala tapos nagtanong ka pa! Hampasin kita jan eh" then she just laughed at my retort

"Fine. Let's go na at late na tayo sa sunod na klase." We're half-running on the ground floor's corridors para di kami makaistorbo. Dito rin madadaanan ang second years' classrooms kung saan ay nandoon din si Stephen. He's second year college and I'm already in my third year. Konti lang ang agwat sa edad namin, maybe 6 months lang ang tanda ko, kaya lang nauna akong mag-aral kesa sa kanya.

Hila-hila ako ni Lyla nang mapadaan kami sa classroom nila. Nakasandal siya sa railings sa tapat ng pinto ng classroom nila habang seryoso lang na nakikinig sa mga kaibigan niyang may ikinukwento at nakacrossed-arms lang siya. I was looking at him kahit nagpapadala lang ako sa hila ni Lyla sa wrist ko at bago kami lumiko ni Lyla para umakyat ng hagdan pataas, I still saw that he shifted his gaze on me.

Aaghh! I hate him! What's with that look? It was serious and emotionless, yet there's something na parang may gusto siyang sabihin. Sheez. He's messing up with my head!

Nagsimula ang klase. Apat na araw ay wala kaming ibang ginawa kundi ang magreview at ngayon na ang huling araw ng parereview namin. Kasi sa panglimang araw, which is bukas, gaganapin ang final examination. Simula 2nd to 4th year college students. Pabubunutin kayo kung gabi ba o umaga niyo ite-take ang exam. Hindi naman problema kung gabi mo mate-take ang exam kasi lahat ng estudyante ay tumitira na dito sa dorm ng aming unibersidad. Masyado itong malawak at malaki kaya kayang-kaya kahit ilang estudyante pa ang gagamit ng dorm. Pero kahit na gano'n. Gusto kong umaga ang mabunot ko. Para less hassle na pagdating ng gabi.

"Night..." mahinang untag ko pagkakita ko sa papel na nabunot ko. Nakakadismaya. "Ma'am! Pwedeng palitan ko ang nabunot ko?! Aaghhh!"

"No Yulli. Kung anong nabunot mo, yun na 'yon!" Sabi ni ma'am at halos kalbuhin ko na ang sarili ko sa imahinasyon ko. Nakakastress namaaannnn!

"Ano ba kasi ang nabunot mo?" Lapit ni Lyla sa akin sabay tingin sa nakabuklat na piraso ng papel na hawak ko.

"Aah. Sayang pang-umaga ako. Goodluck nalang!" Sabi niya sa nakatulala't dismayadong ako. And I just let out a big sigh.

I was waiting for this day to end.

***
Day of the examination.

5:30 am until 1:00 pm ang day shift students na mag-eexam samantalang kaming night shifts students ay 2:30 until 10:00 pm. Every subject ay may 30 minutes break. Haaay. Ang hassle! Nagsisimula na akong ma-stress.

Kahit 2:30 pm pa ang simula ng exam ko, ay pumasok na ako nang past 11:00 am. Kinakabahan ako dahil mag-isa lang ako. Kinakabahan ako dahil mag-isa ko lang tatahakin ang classroom ng 2nd years. Paano kung makita niya ako? Paano kung makita ko siya? Paano kung nandoon na siya? Paano kung break time nila at magkasalubong kaming bigla? My goodness! Iniisip ko palang, ang bilis na masyado ng tibok ng puso ko. Ano 'to? May karerahan lang sa loob ng heart? Damn this heart! Kinakalimutan nga diba?! Ugh! Pero kung sakali nga mangyari yun? Ngingiti ba ako? Tatango nalang ba ako? O mangisay sa harap niya? Fck! This is really frustrating me!

At eto na. Tinatahak ko na ang daan. Kainis naman kasi! Walang ibang daanan kundi dito lang. Ayaw ko rin naman siyang makita dahil nahihiya, kinakabahan, at baka ikamatay ko lang, besides, I was trying to forget him for real so it wouldn't do me good kapag makikita ko lang siya. Ayan, bawat hakbang ko, padagdag ng padagdag ang kaba ko. At eto na nga ang sinasabi ko! Yung makita siya dito sa labas ng room nila. He's facing a book na nakapatong lamang sa kamay niya at maya't-maya pa'y ililipat niya sa kabilang pahina gamit ang isa niyang kamay.

Kinakalimutan Kita Pero Bakit Ganyan Ka? [SHORT STORY] Where stories live. Discover now