"A-h sorry talaga kahapon" Yumuko ako ng kaunti dahil sa hiya.
"Ito naman! Okay lang Ako naman talaga ang may kasalanan" sabi niya sabay ngiti.
"Sorry talaga ang tanga ko kasi e."
Napa kamot siya sa ulo sa sinabi ko.
"Ah, sorry talaga nasabihan pa kita ng tanga" Namumula siya ng hindi ko alam kung ano'ng dahilan.
Akalain mo :)
Mabait naman pala ang taong 'to
"Okay lang, totoo naman"
"Wag na nga tayo'ng mag bintangan" at napatawa ako dahil sa nasabi niya. Para na talaga kaming mga abno dito -.-
"Uhm? Diba bago ka pa rito? Tara sabayan mo ko'ng kumain sa cafeteria"
Ba't niya nalaman? Hindi naman niya pwede i bigay ang rason na nag sakay ako ng airplane kahapon kasi kung iba'ng tao yun aa-akalahin nilang galing lang ako ng bakasyon. di kaya?............
"Are you stalking me? Bakit? May gusto ka ba sa akin kaya't nag sta-stalk ka sa akin?"
Diretso ko'ng tanong sa kanya. Hindi ako nahihiya dahil ginagawa ko na 'to sa mga manliligaw ko doon sa Albay.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
Aba't tinawanan lang ako -_-
"Tawa tawa mo diyan? Then? What's the reason?" Nakataas ko'ng kilay na tanong sa kanya.
Tinuro niya dibdib ko aba ang manyak nito ah. Hahampasin ko na sana siya ng bigla siyang nag salita.
"Wala ka kasing I.D. don't tell me na dito kana nag aaral ng una at nakalimutan mo ang I.D. mo at naka lusot ka sa guard?"
Napatunganga ako sa sinabi niya. Oo nga pala.
Alliah kung ano ano kasi iniisip mo.
Tatakbo na sana ako kasi wala na akong mukha na ipapakita sa kanya dahil sa kahihiyan. Nag mistulang kamatis ang mukha ko dahil pula'ng pula ito.
Pero huli na ang lahat kinuha niya ang braso ko atsaka nag salita
"Sgeh na sabayan mo na ako"
"Hindi pa tayo magkaibigan mamaya baga anuhin mo pa ako"
"Hahaha! Ikaw talaga sa mukhang 'to?" Sabay turo sa mukha niya.
"Ganito nalang" "...... Pwede ba kita'ng maging kaibigan?"
Tatanggihan ko ba? Sa gwapong niyang yan at ang bait pa
"Sgeh na nga"
"So? Friends?" Inabot niya ang kamay niya sa akin upang magka shake hands kami.
"Friends"
Inabot ko naman ito at nag papa kilala
"Alliah" papa kilala ko
"Calvin" papakilala din niya.
"Saan ka ba talaga pupunta?"
"Ah, sa Cafeteria gutom na gutom ako eh"
"Halika na, gutom na din ako eh"
Sabay hatak niya sa akin at ang bilisng takbo namin ha? Parang ma ubusan ng pagkain
Haba'ng kumain kami ni Calvin nag story naman siya tungkol sa family niya at ako din. Ganyan kami kadali nakuha ang trust ng isa't isa.
Ewan ko ba magaan loob ko sa kanya pagkatapos namin kumain nagsipag puntahan naman kami sa mga sarili nami'ng classroom.
Sa mga dumaang mga araw parati kami'ng magkasama ni Calvin mapagkamalan nga kami minsan na mag jowa eh.
Hindi ko namalayan mahal ko na pala siya bilang kaibigan. Tinuri ko na siyang matalik na kaibigan kagaya din ng sakanya. Ang saya la'ng.
Pero ang sakit pala makita ang matalik mo'ng kaibigan na nasasaktan at umiiyak and worst kasi lalaki.
"Akala ko kami na talaga Alliah" and he's voice broke.
Andito kami sa rooftop.
Yes, umiiyak si Calvin dahil nakipa'g break sa kanya ang girlfriend niya.
Masakit talaga sa part niya kasi naman matawag na sila'ng perfect couple. Legal na sila sa kanila'ng mga magulang halos 2 years na sila.
Mahal na nahal talaga nila ang isa't isa Kaya hindi paka paniwala na break na sila.
Hinimas himas ko ang likod niya at niyakap. I know he is in pain right know kaya i co-comfort ko siya. I feel his teardrops on my shoulder.
"Ano ba kasi talaga ang dahilan Calv?"
"Pinag seselosan niya tayo" na tulak ko siya gawa ng pagka gulat ko.
"A-ah sorry calv. Nagulat naman talaga ako e-eh. Maybe iiwasan nala'ng kita para naman magkabalik-"
"Pero hindi iyon ang tunay niya'ng rason. Wa'g Alliah hindi ko kaya'ng magkawalay ang pagkaka kaibigan natin"
"Hindi ko kasi talaga tanggap Calv eh. Hindi ko 'to ginusto."
Tumakbo ako ng tumakbo okay na yung iiwasan ko siya. Pero natatakot talaga ako na mawala ang pagkakaibigan namin.
Saktong sakto uuwi na dahil lunch break.
Sa mga dumaang araw hindi ko nakita si Calvin. Marami man ako'ng naging kaibigan pero iba pa rin talaga kung si Calvin.
Tinanong na nga ako ng mga subject teachers namin kasi kami daw ang laging magkasama.
Kung kumusta na ba daw siya.
Pero Wala akong maisagot
Ako nga din nag tatanong, Kung kumakain ba siya? Kung okay lang ba siya? Kung naka move.on na ba siya.
Araw araw ako nag dadasal na sana pumasok na sana siya.
Pumasok ako sa room ng wala sa mood pero nabigla ako ng nakita ko si Calvin.
Mugtong mugto ang kanya mga mata at parang nanghihina siya.
Nakaramdam ako ng 'Guilt' sa sarili.
Sana sa mga panahong yun inintindi ko siya. Sana sa panahong yun inalagaan ko siya at dinamayan. Pero anong ginawa ko? Tumakbo ako.
Lesson learned wa'g niyo tatakbuhan ang problema niyo. Napaka selfish ko at sarili ko lang ang iniisip ko. Sana mapapatawad ako ni Calvin.
Sana matutunan din niya ang salita'ng 'Move On'