sitri

1 0 0
                                    

"Nako kang bata ka, ang tagal mong magising ah kanina pa ako dito. Magbihis ka na't maghahaponan na tayo." Turan ni lola at agad ng lumabas ng silid.

So that was all a dream? And i was confused by my dream and the reality huh? Kaya pala mukhang nagtataka si Sitri sa inasal ko kanina. Dibale babawi nalang ako mamaya.

Naghuhugas ako ng pinggan ng maramdaman ko ang lamig dala ng hangin na pumapasok sa bintanang hindi pa nasarado ni lola. Mabilis ko itong tinungo at akmang isasarado ngunit naagaw ang pansin ko sa isang lalaking naglalakad sa kalsada malapit sa poste. He seems so familiar to me. Nataranta ako ng may biglang lumapit sa lalaki at kahit medyo malayo ako sa kanya ay kita parin ng aking mga mata kong paano siya pinagsasaksak nung bagong dating. Hindi ko na mapigilang sumigaw at umiyak.

Dali daling bumaba si lola ng hagdan at inalo kaagad ako.

"Anong nangyari Claudia?" Nag aalalang sambit ni lola. Tinuro ko ang bintana at dumungaw naman ang lola ko doon.

"Oh bakit apo? Anong meron dito?" Nagtatakang tanong ni lola. Tumayo ako para tignang muli ang isang karumaldumal na nangyayare doon malapit sa may poste ngunit laking pagtataka ng wala ng tao doon. How come?

Tumakbo ako palabas at hindi na nakinig sa pagtawag ni lola sa pangalan ko. Gusto kong kompirmahin kung totoo ba talaga iyong nakita ko o hindi. Ngunit ng makalapit ako sa pinangyarihan ay walang bakas ng kung ano doon, kahit dugo ay wala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SitriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon