introduction

26 0 0
                                    

"Zac! Labhan mo nga 'to!"

"Oh, eto pa!"

"Eto rin!"

"Mas mabuti unahin mo na 'to! kailangan ko yan mamaya!"

"Ano ba?! DALI NA! KUMILOS KANA!"

"Punasan mo na rin ung mga bintana pagkatapos ha! Ang dumi na kasi! Pati rin ung lababo at ang sahig!"

"Wait! Ang mga gamit ko pala, ligpitin mo na rin! Nakakalat lang kasi!"

"A--ahh opo. Liligpitin ko po yan mamaya."

"Zac! Pag dating namin bago mag ala sais dapat malinis na ang bahay! Kunin mo na sa lamesa ung mga listahan na iniuutos ko sayo ngayong araw!"

"Sige po, auntie."

---------------------------------------------------------------------------------------------

INTRODUCTION

"Hayyy.." inestretch ko ung kamay ko. Bagong gising kasi. "Anong oras na ba?" tumingin din ako sa alarm clock ko na bigay sa akin ni papa. "WHATTT? ALAS SIETE NA?!" Dapat ako ung unang tao ang gigising para mag handa ng almusal kay Auntie at dalawa kong stepbrothers. Siguradong himbing na himbing pa ang tatlong un sa katutulog. "Salamat po Lord sa bagong umagang ibinigay niyo. :D"

"Hi po, mama. Hi po, papa. Magandang umaga rin po sa inyo" sabay tingin ko sa litrato ng aking mga magulang. "Oh, akala mo nakalimutan na kita?! Hindi noh. Hi Mikaela." tumingin din ako sa litrato ng crush kong babae. 

Nagligpit na ako ng aking mga gamit at dumiretso na sa kusina. Syempre, hinugasan ko naman ang mga pinagkainan nila at niligpit ung mga kalat sa kusina at sa sala. Nagluto na rin ako ng almusal nila. Oh, nagtataka siguro kayo kung bakit parang katulong ung role ko dito nu?? Sige, sige kukwentuhan ko na lang muna kayo pero brief description lang muna ha! Hinihintay ko na lang kasi maluto ung sinaing ko. ^_^

I'm Kier Zacqeuo Gabriel. Zac ung palayaw ko. My father's name is Aries Gabriel. My mother's name naman is Andromeda Gabriel. She died noong 3 years old ako, she died with tubercollosis. Dito ako tumutuloy sa second wife ni papa, which i call "auntie". Her name is Queenie Padilla. Ayos ng name nu pangreyna reynahan talaga. Eh, ganun naman siya dito -- feeling reyna. She has two sons which happen to be my stepbrothers naman -- Zeus Padilla and Hades Padilla. Hindi nila akong tinuring na kapamilya mula nung tumira kami ni papa sa kanila. Napakalupit nila at ako lagi ang kanilang katulong. Eh, wala naman akong magawa kasi saan naman ako pupulutin. Namatay rin kasi papa ko when i was 5 years old, sa heart attack.

"ZACCCCCC!!! PUNTA KA NGA DITO SA KWARTO KO DALI!" ayun na! start na po ng aking trabaho this day.

This ain't a Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon