entry 1

38 0 0
                                    

"ZACCC! ANO BA?!"

"Opo. Andyan na!"

"BILISAN MO! ANG BAGAL KASI KUMILOS EH!"

Kumatok muna ako sa kwarto ng mga stepbros ko bago pumasok. "Ano po ung iuutos niyo sa akin?" Wow! Ang ganda ng kwarto nila ha. Parang 'smokey mountain' ang dating. Kalat na kalat ang mga ganit nila, mga basura at kung anu ano pang mga bagay. Hindi halata sa itsura nilang mga gwapo.

"Iabot mo nga ung medyas ko sa sidetable ko!" ha? pinapunta nila ako rito para iabot lang ung medyas niya?! abot kamay niya ung sidetable niya ha. kung ako hga ang humihiga dun at kung lilingon ako papunta sa sidetable ko ay hindi sa oras ay babanga ako doon. Wala ba silang mga kamay at paa para hindi na nila ako paguutusan?

"Yung bag ko kuhanin mo! ayon hu sa paanan ko!" kahit anong gawin ko ay talo ako eh. ayon, sinusunod ko na lang mga iniuutos nila. Baka kasi isumbong pa ako nila kay auntie eh.

"Heto na po."  sabay abot ko ng medyas at bag nila. 

"Handa na ba ang almusal namin?!!!"

"A--ahh, E-hh..." hindi ako makasagot kasi nga diba hindi pa luto ang sinaing ko.

"NOW, WHAT?!!" tumayo na silang dalawa sa higaan nila at sakto namang nilapitan ako ni Hades at hinigit ako sa kewlyo. "ANO KA BA?! TALAGANG WALA KANG SILBI DITO NOH! ALAM MO BA KUNG ANONG ORAS NA! TAMAD! SA SUSUNOD NA NALAMAN NAMING HINDI KAPA NAKAPAGLUTO NG AGAHAN AY MABUTI PANG MAGBALOT BALOT KANA NG GAMIT MO! HINDI KA NAMIN DITO KAILANGAN!" tinulak niya ako at nabannga ako sa pader ng kanilang kwarto. Tutulo na sana ang mga luha ko pero pinigilan ko ito. Ayoko kong maging mahina, ayokong maging sensitibo sa ganoong mga bagay bagay. Iniwan na nila ako at lumabas na ng kwarto.

Pagkaraan ng dalawang minuto ay.....

"ZACCCC!!!!!!!"  si auntie yun. sumisigaw at tinatawag ang pangalan ko. Agad naman akong tumayo at lumabas na ng kwarto papaunta dun sa kusina.

Pagkadating ko ng kusina ay..

1

2

3

Sinampal ako ni auntie ng malaks na malakas. Hindi lang yun mag asawang sampal pa!

"Anong ginawa mo palamuning baboy ka ha?!" sabay higit niya sa aking buhok. Nilapit niya ang mukha ko dun sa kaldero ng pinagsaingan ko. Umaalisangsang ung amoy, amoy sunog. "HALIKA KA NGA DITO!"

"AHHHH. AUNTIE. TAMA NA PO. MASAKIT NA PO. NASASAKTAN NA PO AKO." pakiusap ko sa kanya habang ang mukha ko ay nakaharap sa kisame ng kusina.

"NASASKTAN KA HA! NASASAKTAN KA?!!! EH, DAPAT LANG YAN SAYO! TAMAD KA TA WALANG SILBI SA BUHAY KO! BAKIT BA KASI PINABAYAAN MO ANG NILULUTO MO RITO?!!!"

"Eh, auntie. E--hh, inutusan po kasi ako ng mga anak niyo sa kwarto nila. Ayun nakalimutan ko pong may sinasaing ako."

"Aba! At kami pa ngayon ang may kasalanan ng katamaran at kapabayaan mo! HOY GAGO!" inalis ni Zeus ang kamay ng kanyang ina sa aking buhok at siya naman ang humigit sa akin sa aking damit. Nasira rin ito, sa lakas nga ng pagkahigit niya rito. "HINDI KA RIN PALA WALANG SILBI EH, ISA KA RIN PALANG MALAKING SINUNGALING DITO!"

AHHWW.

Sinuntok din ako ni Zeus pagkasabi nya nun. "Dapat sayo isama sa kulungan ng mga baboy!"

"Oo nga kuya. BAGAY NA BAGAY YAN SA KANYA! HAHAHAHA!" hinigit lang nila ako ng hinigit papunta sa kulungan ng mga baboy dito sa liod ng bahay. Tinulak nila ako dun at dinuraan. Punong puno na ako ng dumi. Bukod sa punit punit kong mga damit ay punong puno rin ako ng mga tae ng baboy. Luhang luha na ako. Tumutulo ung luha ko sa galit, inis, lungkot at pagsisisi.

"OO NGA PALA! HINDI KAPA KUMAKAIN?! HETO FEEDS NG BABOY KAININ MO! WHAHAHAHAHAHA.!!!" sabay buhus nila ng feeds dun sa ulo ko.

"YUCK! ANG PANGET MO NA! MABAHO! WALANG SILBE!"

Tinatawanan lang nila ako roon ng biglang nakarinig kami ng isang sumisigaw na babae.

"HOY-HOY! ANONG GINAWA NIYO KAY ZAC?!"

"OH, IKAW PALA EANA!" humarap si Hades sa babae at sakto namang si Eana ang sumisigaw sa amin. Siya pala si Athena Mendez. Ang kapit bahay namin. Siya lang ung kaibigan ko rito. Talagang mganda siya at mayaman ung pamilya niya. Wala na rin siyang mama, namatay na. So, sila na lang dalawa ng papa niya. Minsan nga nakikita ko si auntie na pinagpantasyahan niya ung litrato ng papa ni Eana eh, gwapong gwapo kasi eto. Sabi ko nga palagi sa kanya na siya ung 'FAIRY GODMOTHER' ko dahil hindi sya madamot, binibigay nya kung minsan ang mga pagkain nya sa akin o di kaya'y mga pang lalakeng gamit. itinatago ko naman ito. Pero one time na nakita ito ng mga stepbros ko at sinira nila ito. Iyak ako nun ng iyak, pero sabi ni Eana ay ok lang din un.

"HOY! SI ZAC BA YAN? ZAC, OK KA LANG BA? ANONG GINAGAWA NILA SAYO?" tumakbo at lumapit sa amin si Eana.

Lumapit naman sa tenga ko si Hades at may binulong, "Pasalamat ka, andyan na ang hero mo." umalis na agad sila at tumakbo na.

This ain't a Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon