Kabanata 1

5 0 0
                                        

Medyo okay naman ako. Nakikita ko padin ang mga lugar kung saan palagi tayo nagtatagpo. Wala naman sakin to, eh ano nga ba't sumangayon pa ako sa gusto mo na pansamantalang dumepende muna tayo sa ating sarili at hanapin ang landas na paroroonan natin. Okay lang naman, humingi ka ng oras para pagisipan kung tayo nga talaga hanggang huli. Mabuti pa din naman ako, ngayon... tulad ng dati. Gigising, mag-aayos para pumasok sa trabaho, uuwi at matutulog. Paulit-ulit lang naman, hindi na din kita inaalala kasi binibigyan kita ng karapatan dahil sabi mo nga napagdesisyunan mo naman.





"Simon, Simon!!! Simon, huy!"



"Aray!"



"Kanina pa kasi kita tinatawag, kung hindi kita babatukan eh, di ka man lang lilingon."



"K-kanina ka pa dyan Mam Ivy?"



"Ay, manong... opo kanina pa."




"Ahh--hh ganun ba?"




"Huy, nakatingin ka sa kawalan, anyare sayo?! Ang bagal mo na maglakad lately hah, heavy thoughts?"



"Wala to. Iniisip ko lang yung report ng sales natin. Di ko kasi alam paano sisimulan."




"Huy Simon Lukas Perez Altamirano, di ka marunong gumawa nun? Eh halos buwan buwan nagawa ka nun, at regular ka na, kaya wag ka ngang mag dahilan ng mga pointless na excuse.. hahaha. Tell me, si Leah na naman ba? Sabi ko naman sayo... kung di mo kaya ng wala sya, don't take it too long. Puntahan mo at magusap kayo."





"Mam, Ivy... hindi naman damay ang trabaho sa personal na buhay diba."





"Sabi mo eh. Una na ko... mahaba na pila sa elevator, tama na kakaisip kay Leah ha."




Masyado na ba kong preoccupied kay Leah?




Hindi naman, baka masyado lang observant si Mam Ivy kasi alam nya na ganun nga yung naging sitwasyon....



*toot*



I swipe my ID para makapag time-in.



*access*



Derederecho na ko sa pila ng elevator, para makapunta sa office floor namin, 9th floor. Marketing Department.



"Goodmorning, Simon."



"Goodmorning, Ms. Kath."



"Sabi ko sayo, Kath na lang eh.. Di naman nagkakalayo edad natin eh."



"Ay oo nga pala. Kath..."



"See.. sounds better. Magkikita ba ulit kayo ni Leah, mamayang lunch? Magpapahanda kasi sila Boss Dennis, alam mo naman birthday stuffs keneme. Kaya di na din ako nagbaon for lunch."



"Ah---h hindi e."



"Busy na si Madam? Strange."



"Ah---h oo eh. Ano kaya oorderin nila, sana yung pansit kanila Lola."


I shifted our conversation.

Ayokong puro Leah na lang lagi matotopic sakin ngayon lalo na't di kami okay.



"Hala, sana nga... su-suggest ko yun mamaya, Simon."

And we landed on our office floor.

I swipe my ID para maopen ang glass window, and mukhang kokonti pa lang ang mga nandito sa office.

*access*


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unspoken TruthWhere stories live. Discover now