My Life was so perfect, not until I met you.
Bawat tao ay iba-iba ang estado ng buhay; may mayaman, may mahirap, mayroong katamtaman lang na kayang suportahan ang pang araw araw na pangangailangan, at mayroon naman na kahit anong kayod ay kulang pa din.
Pero ako...
Sabi nila perfect daw ang buhay ko, mayaman, may mapagmahal na mga magulang, protective na kuya, at mga mababait na kaibigan.People see me in that way, I also feel the same way. But not until one day...
"Hey!" Bati ko sa kanila, pagdating ko sa Cafeteria.
"What?" Masungit na sagot ni Pat
"Ang sungit naman nito" reklamo ko dito.
"Girl paanong hindi magsusungit yan, eh yung crush niyang cassanova may kalandian na naman" kwento ni Nica.
"Si Jeff? Ano pa bang bago dun?" react ko sa kwento ni Nica.
"Wow ah! Hindi man lang ako damayan na sasabihin na, okay lang yan malay mo magbago din siya" reklamo niya saamin.
"Hahahha" we laughed at unison.
"Osige na nga, okay lang yan sa susunod ikaw naman lalandiin niyan. Hahahha" kunwaring pagdamay ko sa kanya.
"Seriously?" Sagot ni Pat.
"Hahahaha" tawa namin sa reaksyon niya.
"Tara na nga bumili nalang tayo ng foods" aya ko sa kanila.
PATRICIA PEREZ aka Pat, ang babaeng sobrang inlove kay Jeff ang sikat na Cassanova ng campus. MARTIR AWARD🏆 goes too... PATRICIA PEREZ
"Sam, diba pabalik na ng Pilipinas yung kuya mo?" tanong ni Nica.
"Oo, three months din siyang nasa Singapore to have his Internship. Namimiss ko na nga si Kuya eh." sagot ko.
ANICA ROSE DEL MUNDO aka Nica, ang may secret crush kay Kuya Michael. Well hindi na secret kasi alam ko na. Quiet lang kayo ahh, halata naman kasi siya, lagi niyang bukambibig si Kuya.
"Sama ako pag sinundo mo siya sa airport ahh"
"Bakit naman, kapatid ka ba niya? Siguro gusto mo siyang makita noh? Crush mo siguro si Kuya Michael. Ayiee." asar ni Pat.
"Hindi noh! Gu--gusto ko lang makapunta ng airport." pautal na sagot niya.
"Talaga ba?" asar ni Pat.
"Hahahaha. Tama na nga yan." awat ko sa kanila.
"Hindi ko masusundo si Kuya kasi ang alam ko si Mang Rey ang susundo sa kanya and then pupunta agad siya ng company." sagot ko kay Nica.
"Agad-agad? Hindi muna siya magpapahinga? Baka may jetlag pa yun tapos pupunta siya agad sa company niyo. Kawawa naman si Kuya Michael." agad naman na sagot ni Nica.
See, hindi daw niya crush ahh. Pero daig pa ako kung mag-alala.
"Ang alam ko ipapakilala lang si Kuya sa ibang mga investors ni Daddy and then uuwi na rin siya" kwento ko naman.
"Ahh..." sighed of relief.
"You know what guys, tara na malalate na tayo sa next class natin." aya na saamin ni Pat, then umalis na kami ng Cafeteria.
Oh! I forgot to introduce myself. I'm Sammantha Del Rosario aka Sam. A fourth year college student of Westbridge University.
"Okay class listen up! This is an important announcement. Since magkakaroon ng exchanging of students from Star Section B and your section which is Star Section A, you need to be ready because meron nang list ng students na malilipat sa Star Section B. So, I hope everyone are ready. Dahil kapag nalipat na kayo that will be your permanent section until your graduation day. Okay!" announce ni Ms. Garcia.
"Yes po Maam" sagot naman ng buong klase.
"Okay class dismissed"
Habang naglalakad kami papuntang parking lot.
"Ouch!" sabi ko dahil bigla akong napaupo dahil parang bumagga ako sa pader.
"Oh! Miss sorry, hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh." sabi niya bigla.
"Wow ah! Nagsorry ka pa, ako din naman pala ang sisisihin mo." sabi ko habang tumatayo at pinagpaggan ang suot ko.
"Pasalamat ka nga at nagsorry pa ako."
"Seriously? Parang malaki pa utang na loob ko sayo dahil lang nagsorry ka ahh."
"Sam umalis nalang tayo dito, wag mo nalang siyang pansinin." awat saakin ni Nica.
"You know what Tyler, tumigil ka na nga kundi isusumbong kita kay Tita." banta ni Pat sa kanya.
"Okay fine fine." sabi niya tinataas ang kamay na parang sumusuko then umalis na.
"Kilala mo yun?" tanong ni Nica.
"Oo nga Pat. Kilala mo siya? At parang close kayong dalawa." tanong ko din kay Pat.
"Sila yung mga tranferrees ng Star Section B actually pinsan ko yun si Tyler then yung kasama niya si Steven friend niya, childhood friend din nila si Jeff kaya noon palang crush ko na si Jeff." kwento niya saamin ni Nica.
"Ahh" sabay naming sabi ni Nica.
"Tara na nga at makauwi na" aya ko sa kanila.
Sumakay na kami sa kanya kanya naming kotse para umuwi.
I drive alone. Ayaw ni Mommy nung una dahil baka daw hindi ko pa kaya, but sabi ni Daddy hindi ako matututo kung hindi ko susubukan.
Everytime I drive alone marami akong iniisip na bagay bagay...
tulad nung narinig ko kanina nung nag uusap si Mommy and Daddy about Peter Mariano...
my LOLO.
-----------------------------------------------------------
Hi guys thanks for reading my story. I hope magustuhan niyo and don't forget to click vote and you can also add it to your library to be updated for another chapters.
And sana i-follow niyo rin ako for more updates sa mga stories ko.
You can also follow me on
Instagram: Zille Gabales Vistal
Twitter: Zille Vistal
Tiktok: zillegabalesvistal
YOU ARE READING
Their Past is My Future
JugendliteraturMy life depends from what happen from the past.