I PRANK MY GIRLFRIEND
✏: ejaydelena( my WP name)
I have a girlfriend and LDR ang relationship namin. Kahit malayo man sa isat-isa ay napanatili naming matatag ang relasyong meron kami. Sa totoo nga ay ilang araw nalang mula ngayon ay Anniversary na namin at syempre bilang lalaki pinaghandaan ko talaga ang para dun. I make sure na talagang ma su-surprise siya at matutuwa.
Pero maiba tayo ngayon, naisipan ko kasing e-prank yung jowa ko. Kinakabahan nga ako sa magiging reaksyon niya dahil yung Prank na gagawin ko ay kunwari makikipag-break na ako sa kanya. Pero hindi din mawala yung excitement ko sa pwedeng mangyari. Ansama ko talagang jowa.
Natatawa pa ako habang nagta-type ng message.
'Babe?'
Unang message ko sa kanya pero hindi siya nagreply. Baka busy o walang load.
'Babe break na tayo'
Message ko ulit sa kanya at ilang segundo palang ay nagreply na siya agad
'Anong pinagsasabi mo Eric?'
'Sabi ko break na tayo'
'Anong trip mo uyy?'
'Tatawag ako'
Pagtawag ko kay Jhel ay agad din naman niyang sinagot. Umubo-ubo pa ako para pigilan ang pagtawa. Pero putek tawang tawa na talaga ako, kulang nalang ay gumulong sa kama eh.
"Bat ka nakikipag-break ah?"
"Break na tayo Jhel"
"Bat nga?"
Dinig ko ang tila paghina ng boses nito na parang maluluha na. I smirk, mukhang effective ah.
"Kailangan ba talagang may rason pag nakikipag-break ah?"
"Alangan naman Eric! Ano yun, jinowa mo ko dahil gusto mo lang tapos ngayon makikipag-break ka na lang bigla dahil gusto mo lang din! Ano to joke!?"
Kahit sinisigawan na niya ako ay hindi ko mapigilang ma guilty dahil sunod sunod ang paghikbi nito sa kabilang linya.
"Babe di ko alam, na realize ko nalang na nagsawa na ako at ayaw ko na. Ang hirap pala ng LDR"
"Ansama mo Eric"
Parang gusto kong suntukin yung sarili ko mismo dahil nagawa kong paiyakin yung babaeng mahal na mahal ko. Pero gusto ko lang naman malaman kung ipaglalaban niya yung relasyon namin kung talagang maghihiwalay nga kami pero syempre hindi yun mangyayari dahil Prank lang to. Yung curiosity ko sa magiging desisyon niya ang siyang pumipigil sakin para sabihin nalang bigla na Prank lang lahat ng to.
"Nagsawa! Ganun nalang yun, dahil lang sa nagsawa ka ay iiwan mo ako?"
Tila galit na ang boses nito pero pinanatili ko ding seryoso parin ang boses ko.
"Jhel pasensya na pero yun kasi yung tingin kong tamang gawin"
"Lapit na sana nating mag 1 year noh? Pero kung yun ang gusto mo bat tututulan ko? Minahal lang naman kita at kung yun ang magpapasaya sayo hahayaan kita Eric"
Lumakas ang pag-iyak nito sa kabilang linya. Kaya naisipan kong aminin na sa kanya.
"Babe hindi naman tot--" naputol ang sasabihin ko ng bigla nalang siyang magsalita