29

10 0 0
                                        

nag umpisa na kami gumawa ng group project namin at eto na ngang sinasabi ko puro ako nanaman ang gumagawa

pero ang isa sa nakakainis wala na nga silang naitulong puro reklamo pa

ano ba naman yan athena eto na ba yun? saad ni kervi

kung ano anong salita pa ang natangap ko mula sa mga ka grupo ko na naririnig pa ng iba naming classmate

ibinaba ko yung ginagawa namin saka ako tumakbo palabas I can't hold it anymore eto yung isa sa weaknes ko yung makatangap ako ng blame mula sa ibang tao

pagdating ko sa tambayan namin kusa ng nag unahan sa pagdaloy yung mga luha ko habang patuloy ako sa pag iyak may nakita akong panyo na nakalahad sa harapan ko

dude I uttered sa impit na tinig

rise up dude hindi yan ang kilala kong bestfriend ko saad nya

umayos ako ng upo saka tumingala para pigilan yung mga luha kong muling nagbabadya

ang sakit lang kase dude I did everything ako na yung pagod ako na yung nahirapan pero wala man lang kahit konting appreciation puro blame pa yung natatangap ko paliwanag ko sa kanya at muli nanamang nag unahan sa pagdaloy ang mga luha ko

hindi naman mahalaga kung nakikita nila yung mga ginawa mo ang importante meron padin kahit isa na nakaka appreciate ng mga ginawa mo
hayaan mo lang sila hindi naman kase lahat ng tao mapiplease mo laban lang yan yung lagi mong sinasabi sakin diba?

tinignan ko lang sya ngunit sinuklian lang nya ko ng isang ngiti a assurance smile na para bang nagsasabing magiging maayos din ang lahat

balik na tayo dun prove to them that you are something that you can do better more than what they do

inilalayan nya kong tumayo saka kami sabay na naglakad pabalik sa classroom namin

Khail POV

kanina ko pa napapansin na puro rants yung mga ka grupo ng Charlotte samantalang puro si Charlotte naman ang gumagawa ng lahat

matapos magsalita ni kervi tumayo si Charlotte at nagtatakbo sa labas

bwesit na mga ito tumayo ako at nagsalita

ang kakapal din naman ng mga muka nyo nu? wala na nga kayong ginagawa para makatulong sa group project kung ano anong masasakit na salita pa yung binitawan nyo sa leader nyo saad ko sa mga ka grupo ni Charlotte

bakit hindi pa sya sanay mahilig naman sya magbida bida diba? saad ni lyka

I smirk at them

bida bida ba ang tawag nyo sa isang tao na ginagawa ang lahat magkaroon lang kayo ng magandang grades na dapat sana tinutulungan nyo sya pero dahil mga inutil kayo sya lahat sumasalo tapos ang lalakas pa ng loob nyo magreklamo

susugod sana si kervi sa direksyon ko ng pigilan sya ni carlo

nilagpasan ko na sila at sinundan si Charlotte malamang sa umiiyak nanaman yun pinaka ayaw pa naman nya yung nakaka tangap ng masasakit na salita

TO LOVE SomeBUDDYWhere stories live. Discover now