hi! guys i'm here again and continuing this story but like what i said mga babies don't skip you're food. kumain kayo ng gulay para magkaroon kayo ng lakas wag na kayong tumulad sa kuya shonne nyo i don't like veggies pilit lang akong kumain nun lol i love more sweets and like "L" hindi ko maiwasan ang matatamis "DEATH NOTE FANATIC no hilig ko lang talaga ang kumain ng matamis...kain na sa mga kakain ngayon :)
"Sige na nga hindi ko na aalamin kung sino ang iniisip mo ngayon. Kaya sana wag mo na ring galawin
ang buhok ko. Ang mahalaga ngayon ay sasamahan mo akong kumain."
"Kumain? Hindi ka pa nag-aalmusal? eh 11:30 na"
"Kagabi pa akong hindi kumakain tinatamad kasi ako at wala akong gana."
"Ano pagkain na lang kinatatamadan mo pa?"
"Easy...sinama kita para sabayan akong kumain pero ito ka at pinaliliguan mo ako ng sermon."
"Eh! bakit ba kasi hindi ka kumakain?"
"Wala kasi akong kasabay at saka nakakalungkot kung mag-isa kang kakain. Walang kausap kung
pwede nga lang na kausapin ko ang baso, pinggan, kutsara at tinidor araw-araw habang kumakain
siguro gaganahan ako."
"Baka naman kakwentuhan ang hanap mo at hindi kasabay kumain?"
Ngumiti lamang si Shou habang nakatingin sa kanya.
"Para ka kasing appitizier kaya ginaganahan akongy kumain pag kasabay ka."
"Appitiezer... ano yan pick-up lines ni Shonne The Great Liners mga padali mo huh?! (sabay tawa)
"Hindi ito pick-up lines gusto ko lang iyon sabihin sa iyo."
"O, sige nga bakit mo naman nasabi yan huh?"
"Kasi...(inilapit ang kanyang mukha sa mukha ni Krin) para kang appitiezer....na...(tumitig sa mga
mata at labi ni Krin namula naman si Krin sa pangyayaring ito sa kanilang dalawa ni Shou)
hindi kaaya-ayng kainin (sabay tawa)
"Ah? ganun? sige tumawa ka lang Shou habang may itatawa ka pa"
Tumigil na sa pagtawa si Shou pero hindi nawala ang ngiti nya sa kanyang labi gayon din naman si
Krin
"Teka kanina ko pa napapansin kanina pa tayo lakad ng lakad. Saan mo ba balak pumunta para
kumain?"
"Hmmm... sa totoo lang hindi ko talaga alam eh! kung saang tindahan na lang ako pupunta basta may
masarap na pagkain at siyempre yung makakain naman hindi puro noodles na walang lasa (sabay
tingin kay Krin)."
"Teka pinariringgan mo ba ako huh?"
"Hmmm...hindi ano ka ba?..."
"Hmm... maniwala eh hindi ka nga makatingin sa akin..."
"Ah!... eh.... parang masarap ang seafood ngayon ano sa tingin mo?"
Nang tumingin si Shou kay Krin nakita niya ang nakakatakot nitong itsura kaya bigla siyang
nangilabot.
"Pwede ba wag mong ibahin ang usapan?"
"o...okey...sa...sabi mo...eh."