Naniniwala ka ba sa multo?
Paano kung nakakita ka ng isa?
Nakakatakot diba?
Eh paano pa kaya kung na-in love sya sayo?
Anong gagawin mo?
Mai-in love ka rin ba????
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"I said no! Ayoko!"
Nakakainis talaga sina mom at dad.....
Sinabing ayoko ngang mag-stay sa bahay nila lola eh...pinipilit pa nila ako
"But Lance----"
"No buts mom....I said no!! And don't ever try to convince me again, or else -----"
"Or else what Lance? Please Lance, pumayag ka na...marami namang mga chickababes doon sa lugar ng lola mo...siguradong mageenjoy ka dun habang pinalilibutan ng mga nagagandahang mga girls" sabi ni dad
Sa sinabing yun ni papa, nabuhayan ang dugo kong nananalaytay sa aking mga ugat.... XD
"Talaga dad?! Sige, papayag na nga lang ako...tss..."
"Hay naku Lance, manang mana ka talaga sa daddy mong chickboy....o sya mag-ayos ka na ng gamit mo.."
Pasalamat sila at nabanggit ni dad ang patungkol sa mga chicks...kundi, hinding hindi talaga ako sasama....
Ok, Lemme introduce myself muna....
I'm Lance Yhuki Aoyama, 17 years old...
100% chickboy and I'm proud of it...
Half Filipino, Half Japanese...
Gwapo? Of course!!! Ako pa!!!
Well, matangkad ako, matangos ang ilong,medyo maputi,chinito, and I have black messy hair...and habulin ng mga chicks....nakss!!
Pero...may isa akong sikreto....
Gusto nyo malaman?
Tss...sikreto nga diba? Edi hindi na matatawag na sikreto yun kung ipagsasabi ko rin lang naman....
Pero, okay, sasabihin ko na...tutal binabasa nyo lang rin naman yung story ko eh....hehehe
Sasabihin ko na....
"duwag ako pagdating sa mga multo....."
Pero hindi ako bakla huh!!!!
basta may story sa likod nito.......
At ayoko ng pagusapan natin ang tungkol dun....
-------
"Ok andito na tayo!"
Bumaba ako ng kotse dala ang maleta ko....
Tss...kainis talaga....
"Enjoy your stay Lance, magpakabait ka jan ha...bye!!! Haha!!"
sabi ni dad sabay evil laugh at pinaandar na ng mabilis ang kotse
Teka...yung cellphone ko naiwan sa kotse!!!
"Mom, Dad!! Wait !!!!"
Hinabol ko yung kotse pero di ko naabutan...tss..as if namang maabutan ko pa yung rumaragasang kotseng yun....hindi ako si The Flash noh...duuuh...
Napagod ako sa kakahabol kaya naman napayuko ako at tinukod ko ang kamay ko sa tuhod ko at hiningal....inhale, exhale,inhale----
Inangat ko ng kaunti yung ulo ko at tumambad saakin ang isang napakalaki at lumang bahay....nakakatakot naman dito....parang haunted house..
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With A Ghost (ON GOING)
FantasyFirst time ko gumawa ng story!! haha!! Sana magustuhan nyo po :) Gawa ng makulit kong brain! Takot kasi ako sa multo..sabi nila Conquer your fear..kaya ito, ginawa ko to!! Sorry kung panget hihi !! Enjoy. Love you!! GOD BLESS!!