Chapter05-Kahit Kaunti lang

263 0 0
                                    

Victoria's POV
Natatawa nalang ako sa sarili ko. Hahahahaha. Napakababaw ko talaga kahit kailan.

Ano naman kung sasali ako sa ganyang pageant?

Ano naman kung pagtawanan ako?

Ano naman kung magsuot ako ng mga gowns and dresses?

Sus. Sabi ni Alliyah para din daw to sa akin. Para daw maboost ang confidence ko? Pwede naman kasing mga academics salihan ko diba? Pwede namang quiz bee salihan ko. I never dream any of this.

"Victoria..." May bad news nanaman ba siya? Or baka naman good news na yan.

"Problema mo?" Pagsusungit ko.

"Sorry na bespren, para sayo din na---" hindi ko na pinatuloy ang sasabihin niya.

"Para sa akin? Para mapahiya ako ganon? Para lang makapagsuot ako ng gowns and dresses? Ganon yung gusto mo diba? Yung pagsusuotin ako ng mga ganyan." hindi na ako nakapagpigil pa at sinagot ko na siya.

"Im sorry bespren ko. Look, as what I've said, gusto ko lang talaga maboost ang confidence mo." See? Yun lang naman intensyon niya eh.

"Hahahaa" sarkastiko kong tawa.

"Im sorry talaga. Sige, mauna na ako baka naiistorbo na kita, ayaw mo pa ata akong kausapin. Pagpatuloyo na yang ginagawa mo." Sabi niya tapos naglakad na siya palayo saken.

Nandito ako ngayon sa likod ng school. Dito ako pumupunta pag gusto kong mapag-isa.

Habang nagfofocus ako sa pagrereview, may biglang lumapit saking lalaki at sinabing....

"Hello Ms. Delgado" nandito nanaman siguro siya para asarin ako. Hindi ko nalang siya papansinin.

"Victoria, hindi ako nagpunta dito para asar-asarin ka. Uhmmm... Kasi ano... Hahahaha..." Halatang kinakabahan siya? Eh? Anong meron? Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Pawis na pawis na siya at halatang kinakabahan ito.

"Spill it out. Ano ba yung gusto mong sabihin?" Pagsabi ko niyan may sinenyasan ata siya likod dahilan ng pagkacurious ko kaya tumingin ako dun sa likod.

Pero wala naman akong nakitang tao dun. wait, di kaya nakakakita ito ng multo? Sheeez.. iiwanan konna nga ito.

Tumayo na ako at maglalakad na palayo kaso hinawakan niya yung braso ko.

"Bitiwan mo ako. please lang."

"Wait, may kailangan tayong pag-usapan eh."

"Ano ba kase yun? Sabihin mo na."

"Uhmmm... ahhhh... wait... kase ano... UGHHHH! Sige na nga umalis kana" aba'y may sapak ba ito? Nakadrugs kaya? Or sinapian kaya?

"K." yun lang ang nasabi ko at umalis na. sakto naman nagring na kaya madaling madali akong pumanit papuntang room namin.

Naglakad ako papasok sa room at nakasalubong ko si Alliyah pero wala, dinedma ko lang.

Umupo ako sa upuan ko at saktong dumating ang professor namin. ohyesss! Science na sa wakas.

"HayJusko! Science nanaman" nagulat nalang ako nandito na pala si Zachary.

"Victoria?..... Usap tayo sa likod ng school mamayang uwian ahh." sabi niya sabay tayo at lumabas ng classroom.

Ano? Sisipot kaya ako? Wag nalang kaya? Kaso baka importante yun. nacucurious tuloy ako.. ayyssshtt. pupunta na nga lang ako baka importante sasabihin niya. seryoso kasi yung pagakakasabi niya eh.

***UWIAN***
*****KRRRIIIIINNNNGGGGG*****
Hindi na ako mapakali. Ngayon lang naman siya nag-aya sa akin na makipagusap eh. importante nga siguro yung sasabihin niya.

Dere-deretso lang ako hanggang makapunta sa likod ng school. nakita ko siyang naupo sa ilalim ng puno. Lumapit agad ako sa kanya.

"Ehem.." panimula ko.

"Oh nandito ka na pala."

"Hindi Zacc. Anino ko lang tong nakikita mo. Papunta pa lang ako."

"Tsk. May sasabihin ako sayo pero wag kang mabibigla ah. Walang magbabago ah." nacucurious na talaga ako. ano ba yon?

"Spill it out." Matipid kong sabi. umiwas lang siya ng tingin.

"Victoria..."

"Hmmm?"

"Pwede ba kitang ligawan? Hindi na ako makapagpigil ng nararamdaman ko sayo eh. Please? May chance pa ba ako sayo kahit kaunti lang?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

0__o seriously?!?

Being a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon