This Means War

2.1K 29 5
                                    

PROLOGUE

Hi, ako si Sarah Asher T. Geronimo. 19 yrs old and Interior Designer in the making slash graduating student sa Anderson University. Nag transfer ako sa Anderson University last year lang. Nag-aral ako ng 1st & 2nd year college sa Bulacan, pero dahil na rin may nag offer ng scholarship sakin. At kung malaman mo pang Anderson University e makakatangi ka ba? Anderson University lang naman ang pinaka sa lahat sa buong Pilipinas. Pinaka maganda. Pinaka malaki. Pinaka mahal. Ginto ang per sem dito.

Kaya tuwang-tuwa ako ng kuhanin ako ng school nato. Pero kapalit ng lahat ng eto ay mawalay sa pamilya ko na nasa Bulacan, ayaw naman nila sumama sakin sa Manila. Hindi nila maiwan ung farm namin. 

Hindi naman kami mahirap. Hindi rin naman kami mayaman. Kung baga kontento ako sa meron ako ngayon. Kuntento ako sa kung ano man ung binigay sakin ni Papa God. 

Minsan kasi kahit di naman natin kailangan talaga, gusto parin natin makuha. Ung bang sabay sa uso. Tulad na lang ng iPhone o Samsung. O di naman kaya pag may boyfriend kaibigan mo kailangan mo rin mag boyfriend ganon? Di ren. Naniniwala ako na true love waits.

Kung personality ko naman ang paguusapan. Makulit. Maharot. Palaban. Walang inuuurungan mapa sino man yan o ano man yan. Basta alam kong nasa tama ako ipaglalaban ko sarile ko. 

"Hoy! Sarah Asher T. Geronimo! Abe! 1st day na 1st day sa school baka ma-late tayo! Dalian mo! Baka nakakalimutan mo di parin ako naliligo!! Dalian mo kung ayaw mong pasabugin ko ng di oras yang banyo sa tagal mo!!"

Si Yeng nga pala yon. Pareho kaming scholar sa Anderson University. Interior Designer rin. Kababata ko. Buti nga may kasama ako sa Manila e. Balahura rin yang babae na yan. Kaya kung di ka magaling sumakay sa mga kabululan nya, talo ka. Kaya nahawa na rin ako ako sa kabaliwan. Nakatira kame kay Visceral, o mas kilala sa pangalan na Vice. Ang pambansang bakla sa lugar namin. 

Kung akala nio wala ng tatalo sa pagiging balahura ni Yeng. Dun kayo nagkakamali, si Vice ang baliw sa lahat ng baliw. Pero kahit ganon yon, mabait yon. Pinatira nya kame sa bahay nya. Dahil don ay tinutulungan namin sya sa shop nya. Cupcakes. Mapagmamalaki ko talaga ang mga cupcakes ko no! Kahit na Interior Design ang course ko, naging first love ko ang pag ba-bake simula nung tinulungan namin si Vice. Kaya naman tuwing wala kami pasok ay makikita mo kame sa Happy Cupcakes. Yan ang pinangalan namin. Dahil ang happy cupcakes ay para lang sa mga happy customers. Bawal ang nakasimangot sa shop namin :)

"Hoy! Abe pano ba! Naburo ka na ba jan sa loob ng banyo? O na flash ka na sa toilet jan?! Potape kang babae ka! Dalian mo namann!!"

"Eto na! Lalabas na!"

This Means WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon