TMW [Chapter 2]

561 23 4
                                    

Chapter 2 – You again?!

***

“Ikaw na naman?!!”

Kumunot ang noo ko sa nakita ko. Si boy mayabang na naman T_T Wala na bang mas sasama pa sa araw na to. Hindi naman nangyayari sakin to last year e! Kung kelan pa ga-graduate saka naman may dumating na dimunyu. Please, bukas na lang ung iba. Kotang kota na kase ako ngayon e .

Tinangal ni boy mayabang ung shades nya at nagsalita. “Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?! And ano ung sinasabe mo na, “Ikaw na naman?!!” Sorry di kita kilala.” Sabe ni boy mayabang.

Ang yabang nya talaga!

“Hindi mo talaga ako natatandaan?! Ako lang naman ung sinabihan mo kaninang umaga na, “Di kasi tumitingin sa dinadaanan.” Naiinis ko na sabe dito.

“Ohhh. I remember you now. Ung tatanga-tanga kaninang umaga. Yes, ikaw nga yon. Naniniwala na talaga ako na di ka talaga tumitingin sa dinadaanan mo. Miss, uso kasi tumingin. Alam ko naman nagwa-gwapuhan ka sakin, pero wag mo naman masyadong ipapahalata miss.” Pagkatapos magsalita ay sinuot na nya ulit ang shades.

ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA!!

“FYI! May pangalan ako! Miss ka ng miss jan! Sarah pangalan ko! S-A-R-A-H! Secondly, ang kapal rin naman ng mukha mo no. Di ako nagwa-gwapuhan sayo! Kung ikaw lang rin naman e, wag na! MR. USO RIN MAHIYA.”

Bigla ko naalala na late na nga pala kame sa class!!!

Dahil sa mayabang na lalake nato! Kaya naman hinila ko na si Yeng. Si Yeng naman kahit hinihila ko ay nakatingin parin kay boy mayabang na naglalakad narin palayo samin. Matalino naman tong gaga na to e, bulag lang talaga at walang taste pag dating sa lalake!!

Kumaripas kame ng takbo ni Yeng. Halos naluluha na kame sa sobrang bilis namin tumakbo. Wala kame pake kung ano isipin ng mga nakakasalubong namin basta kame takbo lang ng takbo.

Ng makaarating kame sa labas ng class ay hingal na hingal kame. Lumunok kame ni Yeng ng malalim bago pumasok ng class, 5 mins na kame late T___T Wala pa naman awa ung prof. pag na late ka sa klase. Pag pasok namin...

Nakita namin ung mga estudyante nagtatayuan na at lalabas na ng classroom.

“San kayo pupunta?” Hinihingal ko na tanong.

“Di tuloy ung presentation. Absent si prof..” At nagsilabasan na nga sila.

Ano daw?! Di tuloy kasi absent si prof T______T

Ung mukha namin ni Yeng naiiyak na di malaan. Biruin mo naman halos di na kame humihinga kanina habang tumatakbo papunta sa class nato. Tapos sasabihen absent si prof! Anak ng tupa naman oh!

Wala na ata talagang mas sasama pa sa araw na to. First day of school puro kalbaryo na inabot ko. Nagsimula to lahat nung nakita ko ung mayabang na yun e! Malas sya! May balat siguro sa pwet ung mayabang na yon. Ung balat siguro sakop buong pwet!!!

May araw din ung lalaki na yon sakin. Ay ayaw ko na pala sya makita kahit kelan. Pero malabo naman ata yon. Dito sya nag-aaral. Same block pa. Malamang tungkol rin sa design course non. Huling encounter ko na sana ung pagkabungo sa kanya kanina, please lang. Tuwing nanjan sya, may kasamang malas! Kainis!

***

Nandito kame ngayon sa Canteen ng block namin.

As usual. May dala kaming baon. Never pa kami ni Yeng na may binili sa Canteen. Lagi kami may dalang pagkain at kahit tubig. Ang mamahal kaya! Iniiwan na lang namin lagi ni Yeng baon namin sa locker room, kukuhanin na lang namin pag break na. Kesa naman dahil pa naman everytime na lilipat kame ng class. Ade kung dala ko kanina un, natapon pa. Diba nga, nakabungo ko ung pinaka mayabang sa planetang to. Ade wala pa kame nakain.

This Means WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon