Chapter 9

33 8 0
                                    

Chapter 9

"Okay, cut!" sabi ni direct ng makuha ng maayos ang ilang beses nang tinake na scene.

"Break muna." duktong pa nito at tinawag ako.

"Paki check naman kung okay na si Bea." mabilis akong tumango sa utos nito at tinungo ang tent nila Bea. Ang artista na gumaganap na Joan.

Sa tabing dagat ang set up namin. Mag-dadalawang linggo na kaming nagstay dito at halos hindi pa nangangalahati ang nasho-shoot namin.

"Alexa, si Bea?" tanong ko sa manager ni Bea ng makarating sa tent nila. Nasa labas ito at tila hinihintay niya din na may lumapit sa kaniyang staff.

"Nasa loob, siya na ba ang susunod?" tanong nito sa akin. Mabilis naman akong tumango at sinabing sumunod nalang sa set.

Pagbalik ko sa set ay naroon na si Clint, ang gumaganap na Eli. Pinaitim ang balat nito at nagmukhang tanned skin, malayo sa mala-labanos na kutis nito. Naroon din ang dalawang bata na gumaganap bilang batang Eli at Joan. Sa harap nito si Ms Kath na nag-i-explain ng gagawin nila sa scene na ito. Ilang sandali pa ay dumating na din si Bea. Naka dress na puti ito, at katulad ni Clint ay pina-tanned skin din siya.

Sa isang gilid lang ako, tama lang para marinig ko ang pinapaliwanag sa kanila ni Ms Kath, habang sa tabi ko naman ay ang scriptwriter namin. Na tulad ko ay nakikinig lang din kay Ms Kath. Pero imbis na kay Ms Kath mapunta ang buong atensyon ko ay naagaw na niya.

"Alam mo? Yang parola na yan?" hindi ko maiwasang mapalingon kay Carlota, ang scriptwriter.

Nilingon ko kung saan nakaturo ang kamay niya. Sa tower.

"Matagal na yan. Mas matanda pa yata yan sa lolo ko ehh." duktong niya pa.

Parang bigla kong narinig ang sinabi noon sa alin ni Arlan. Ang ki-nwento niya. Ang love story nila Lolo Henry at ng lola ko.

"Sabi nila. Lahat ng magkasintahang nagpupunta dyan, nagtatagal. Pero ako? Hindi na niniwala." napatingin ako sa sinabi niya.

Kahit ako. Gusto ko sanang sabihin pero hindi ko ginawa. Isang buwan lang ang tinagal namin ni Arlan noong highschool at halos magdalawang buwan lang ang itinagal ng engagement namin. Iyon na ba yung sinasabi nilang nagtatagal? Tss.

"Sa sampung magkasintahang nagpupunta dyan, isa lang ang nagkakatuluyan sa huli. Kung hindi naghihiwalay, trahedya naman ang sinasapit." nahimigan ko ang pait sa sinabi niya. Kita ko ang sakit sa kaniyang mga mata. Halata mong may pinagdadaanan.

At isa din ako sa siyam na magkasintahang hindi nagkatuluyan. Sambit ko sa isip ko at napabuntong hininga.

Ngayon alam ko na kung saan niya nakuha ang ending na ginagawa namin pelikula. Kilala ang mga istorya niya na may magagandang wakas. But not this one.

"Start na." sambit ni Ms Kath at lahat kami ay napuntahan sa mga pwesto namin.

Kukuhanan ang batang Joan at Eli na naglalaro sa tabing dagat, nagkukulitan at naghahabulan hanggang sa lumaki na sila. At doon na papalit sila Bea at Clint bilang Joan and Eli.

Mabilis kong iniwas ang tingin ko ng maabutan ni Eli si Joan at masayang niyapos ito. Napuno ng tawanan ang buong scene. A memories pop in my mind.

***

"Let's swim! Yung parang dati lang." he said.

Nakahiga ako sa tanning chair nang lumapit siya sa akon pilit akong pinapabangon at hinihila patungo sa dagat. Pero tanging tawa at iling lang isinasagot ko dito.

Wala akong planong magswimming. Tanging ang gusto ko lang ngayon ay ang magrelax.

"O'come on. Let's swim. Bukas busy na ulit ako, ngayon lang time nating dalawa di mo pa ko mapagbigyan?" tuloy niya sa pangungulit sa akin.

Napangiti ako ng makita ang pagnguso niya. He's so cute when doing that. Ngumisi ako sa naisip at ginawadan siya ng mabilis na halik sa pisngi at tumakbo patungo sa dagat.

Malawak ang ngiti ko ng lingunin ko siya, patakbo siya patungon sa akin. Kaya bago pa siya makalapit sa akin ay tumakbo na ako palayo.

"Ahh, ganoon! Gusto mo ng habulan, sige. Lagot ka sakin pagnahuli kita." sabi nito at binilisan ang habol sa akin.

Wala akong ginawa kundi tumawa kaya bumagal ang takbo ko, isama pa ang buhangin. Tumawa pa ito ng nakakaloko ng mapalit na siya sa akin. Hanggang sa napatili nalang ako ng malakas ng mahuli niya ako.

"Kunwari ka pa. Gusto mo lang palang magpahabol." bulong niya sa akin at kiniliti ako. Tawa lang ako ng tawa sa ginawa niya.

Muli lang akong napairit ng buhatin niya ako at sumuong sa dagat. Pinakawalan niya lang ako ng nasa malalim na parte na kaming dalawa. He smiled at me.

"I love you." he whispered and kiss me.

"I love you too." I said between our kiss.

***

"Cut!" sigaw ni Ms Kath.

Halos mapatalon ako ng marinig iyon at nabalik sa aking wisyo.

"Naiyak ka?" napatingin ako kay Carloto ng magsalita siya. Nakanguso siya sa aking pisngi na agad ko namang hinawakan.

May luha nga. Mabilis ko iyong pinunasan at inabala ang sarili ko sa pagtulong sa paglilikom ng gamit. Tapos na ang shoot ngayong araw na ito at bukas na ang tuloy.

Napabuntong hininga ako bago nilingon ang dagat. A image of me and Arlan flash in my mind. Na mabilis ko ding inilingan.

Dapat ko nang kalimutan ang lahat. Hindi na dapat pang inaalala ang nakaraan.

Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon