I'm not a human

6 4 0
                                    

MAAGANG natapos ang klase ngunit pakiramdam ni Ricco ay pagod na pagod na siya. Hindi namamalayang tumawid na sa ilang dipang kalsada at nakipag-patintero na sa kamatayan dahil sa pagkalutang ng kaniyang isip.
Hindi niya alintana ang ilang mga busina mula sa sasakyan at ilang masasakit na salita na sinasabi ng mga nagmamaneho tulad ng 'sa tulay ka magpakamatay! Huwag kang mandamay!' 'Peste! Ano ka bato?! Magpapasagasa ka ba!'

Ngunit bigla siyang napahinto nang mabunggo siya sa isang bagay... hindi, isang TAO.

Maganda ito, makinis, maputi, katamtaman lang ang tangkad at naka uniform ito ng parehas sa eskwelahang pinapasukan niya, ang 'University of St. Elene'

Bigla ay naramdaman nya ang pagtibok ng puso nya at tila naghuhuramintado ito sa lakas ng pagkabog!

"Ano ba! Hindi ka naman tumitingin sa nilalakaran mo eh! Tignan mo! Nalaglag na ang mga gamit ko!" Nagulat siya sa biglang pagbulyaw ng dalaga sa kaniya. Hindi inaasahang sa likod ng maamo at mala-ANGHEL nitong mukha ay isang suplada at bungangerang dilag.

"P-pasensya na-" natataranta nitong paumanhin ngunit nagsalita na naman ang binibini.

"Pulutin mo 'yan! Hindi 'yung tatanga-tanga ka pa!" Bulyaw na naman nito na siyang mas lalong ikinataranta niya!

Madali nyang pinulot ang lahat ng mga gamit nito at iniabot sa kaniya. Walang sabi-sabing kinuha nito ang kaniyang mga abubot at nagmartsang umalis. Walang pasabing salamat at hindi rin humingi ng tawad.

Napailing sa isip si Ricco at nasabing 'ibang klase!'

Natatawa itong tumalikod salungat sa daan ng babae ng may matapakan siyang isang matigas na bagay.

'School ID!'

Agad niya itong pinulot at nag madaling lumingon sa likod, nagbabakasakaling naroon pa ang babae ngunit nanlumo siya ng mawala na ito.

'Sayang!'

'Ano ang yong pangalan? Nais kong malaman?... Kung may nobyo ka na ba? Sana nama'y WALA'

Ngunit naisip din ni Ricco na magandang dahilan ito upang malapitan muli ang dalaga.

PAG-UWI ni Ricco sa inuupahan nitong maliit na kwartong malapit sa eskwelahan niya ay isinalampak niya ang sarili sa papag na higaang may banig at kumot na nakasapin. Napatingin siya sa kisame nahalos mapuno na ng alokabok at nababakbak na din ang mga kahoy at kumukulubot dahil sa kalumaan nito. Napaisip nalang sya at huminga ng malalim. Sa gitna ng katahimikan ay narinig niya ang pagkalam ng sikmura, mitsa na kailangan niya nang kumain.

Isang kwarto lang ang kaniyang inuupahan, mas mura, mas makakatipid. Tumayo siya at dumiretso sa lamesang tatlong hakbang lamang ang layo mula sa higaan at binuksan ang mangkok na may naka-takip na plastic na plato.

Napiling siya ng makitang sardinas ito. Napabulong na naman siya sa sarili.

'Ano pa nga ba ang aasahan ko? Matakot na ako kung sardinas ang iniwan ko, ngunit pagbalik ko ay baboy na!'

Nagsimula na siyang kumain. Sinimot niya ang natirang kanin na sinaing niya kanina sa rice cooker na pinahiram ni Aling Sally, may ari ng inuupahan niya. Natatakot daw kasi itong magka-sunog kung mag uuling si Ricco. Bagaman kulang, ay tiniis nya nalang ang kung anong meron. Paano'y tila tutong nalang ang natira doon.

Matapos kumain ay niligpit niya na ito. Nasa labas sa dulo ng paupahan ang banyo na ginagamit ng mga nangungupahan. Kada palapag ay may tag-isang sariling banyo ang lalaki at babae. Naghilamos na din siya, hinugasan ang platitong nagamit at nagsipilyo para sa paghahanda sa kaniyang pagtulog.

I'm not a human? (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon