Chapter Seven * Urzula's Reason

1.8K 25 8
                                    

Urzula's POV

"Lechugas naman, nasan na ba yun? Iniwan ko lang dito yun ah" bulong ko.

Kasalukuyan akong naghahanap dito sa Enchanted Garden. Hinahanap ko yung potion na kinuha ko sa cabinet ni Ms. Evergreen kanina.

Kung nagtataka kayo kung bakit ko kailangang kunin yun, ay dahil...

FLASHBACK

"KUYA TYLER!!!" sigaw ko sa lalaking kaharap ko.

"Ano ba Urzula?! Ang ingay mo! Huwag ka ngang sumigaw. Naririndi na ako sayo. Konti na lang mababasag na ang eardrums ko" singhal sa akin ni kuya Tyler.

Hindi ko siya pinansin at saka kinulit ulit siya.

"Eh?! Bilis na kasi.. Sabihin mo na... Sino ba kasi yung gusto mong princess? Huwag mo sabihing ako? Kadiri ka kuya" sabi ko with matching nandidiri look.

"Baliw! Pinagsasabi mo diyan? Ikaw magugustuhan ko? Asa ka Urzula. At saka little sister kita di ba?"

Tumango ako. Hindi ko tunay na kapatid si Kuya Tyler. Pero yung turingan namin sa isa't isa is parang tunay na magkapatid.

"Eh sino nga yung gusto mong princess? Eh anim lang naman kami. Hindi ako dahil kuya kita, hindi rin si Macy dahil may Keeme {Kim} na yun. Si ate Nicole naman kay kuya Marc. Si ate Alesha kay kuya Kent. Tapos si-" hindi ko natapos yung sinasabi ko dahil bigla na lang binuga ni kuya Tyler yung iniinom niyang honey dew.

Lechugas. Muntik na akong mabasa dun ah.

"Kuya Tyler!!!" sigaw ko kaya napatakip siya sa tenga niya.

"Takte Urzula, huwag ka sabing sumigaw" singhal niya ulit.

Inirapan ko na lang siya. Nakalimutan ko bang sabihin na abnormal din itong kuya ko?

"Sorry naman. Eh panong hindi ako sisigaw eh binugahan mo ako ng honey dew? Buti na lang hindi ako nabasa"

"Okay. Sorry. Hindi ko naman sinasadya. Nagulat lang ako, okay? Kung ano-ano kasi pinagsasbi mo diyan" sabi pa niya.

Hmmm... Nagulat? Pinagsasabi? Teka nga, parang kilala ko na... Hindi kaya...

"Kuya Tyler kilala ko na" sabi ko habang may malademonyong ngisi ang sumilay sa labi ko.

"Ha? Pinagsasabi mo na naman? Tigilan mo nga yang ngiting yan. Kinikilabutan ako sayo" sabi pa niya.

"Kuya, kilala ko na yung princess na gusto mo" sabi ko na ikinaputla niya. Hahaha..

"Si ate Alesha Leeshen ano?" tanong ko pa na ikinapula niya. Huli ka Tyler Silverwood.

"Hahaha.. Siya ba kuya Tyler? Eh may Kent na yun kuya eh. Wala ka nang pag-asa dun" asar ko na mas lalong ikinapula niya.

"Shut up!"

"Kuya, sabihin mo na kasi. Kapag hindi mo sinabi sisigaw ako. Isa.. Dalawa.. Ayaw mo talaga huh? Tatlo... AHH-hmmmp" di ako nakasigaw dahil biglang tinakpan ni kuya yung bibig ko.

"Oo na. Oo na. Siya nga. Ano satisfied?" sabi niya habang namumula.

"Yes!" sagot ko.

"Eh di ba mag-best friends kayo?" tanong ko.

"Oo. Dati. Pero ngayon hindi na"

"Ha? Bakit naman?"

"Dahil yun sa nangyari, sampung taon na ang nakakalipas. Nilusob ng Valomar ang Lochlaund na naging sanhi ng pagkawasak nito. Pati na ang dalawa pang malalakas na kaharian dito sa Eden ay nawasak. Ang Rhondilar lang ang hindi nasira nang tuluyan. Ang pangyayaring iyon ay nagdulot ng matinding pinsala sa buong magic world. Kaya naman mas lalong nagalit ang Higher Council sa Valomar dahil sa gulong nilikha nito" paliwanag niya.

Mage University {School of Magics}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon