3

8 1 1
                                    

Basang-basa na ako ng pawis nang makarating sa bahay. Nag jogging kase ako bago pa sumikat yung araw para hindi pa mainit. Pag dating ko, kakagising palang ni Anton dahil naabutan ko siyang nag uunat sa sofa.

"You're up. Tamang-tama lang pala yung pandesal na nadaanan ko." sabi ko sakanya habang tinatanggal yung sapatos ko. "Wait, pagtimpla kita ng kape. Hindi ganon kainit yung gusto mo diba?"

Nakakatitig lang siya sa akin habang nakakunot ang noo kaya hindi ko maintindihan kung ano yung nasa mukha niya. 

"Anong prolema?" tanong ko rito. 

Isang linggo ko na palang kasama si Anton sa bahay. Wala namang espesyal na nangyare dahil madalas ay nagsusulat lang ako ng bago kong libro. I tried Mr. Acuin's suggestion na subukan yung romantic comedy na genre. Sobrang nad-drain nga lang ako kase hindi ito yung nakasanayan ko. Wala rin akong alam sa romance dahil wala pa akong nagiging boyfriend kaya baka haluan ko nalang ng iba pang genre na nakasanayan ko 'tong bagong ginagawa ko para naman hindi ako mabagot.

Nakabili na din pala ako ng mga kailangan niya nung mga nakaraang araw. Shirts at shorts lang ang nabili ko at ilang boxers. Ang weird naman kase kung bumili ako ng briefs. Baka isipin ng sales lady sa mall namamakyaw ako ng briefs e. Hindi kagaya kung boxers na pwede ko namang suotin kunwari. Girls usually wear boxers right? It's comfortable e.

"Here." abot ko sakanya ng basong may kape at platitong may pandesal at butter. Pinatong naman niya iyon sa maliit na lamesa na malapit sa sofa.  

"Thanks." mahina niya lang na sabi. Hinayaan ko nalang siya at pumuntang kusina para kumain.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na akong kwarto para humilata saglit. Sabado nga pala ngayon at kailangan ko na maglaba. Sinilip ko saglit si Anton at nakitang kumakain pa din. 

"Oy nasan yung mga madudumi mong damit? Sama ko na sa paglaba ko mamaya."sabi ko sakanya at kinnunutan nanaman niya ako ng noo. Problema nito?

"Ano 'yon? Bakit ganyan yung mukha mo?" sabi ko sakanya. Kanina pa niya kase ako sinisimangutan at kinukunutan ng noo parang ewan lang siya. 

"Ginagawa mo 'kong bata." bulong niya kaya hindi ko masyadong naintindihan.

"Ano???"tanong ko. Anong ginagawan ng bata?

"Haay. Observe how you're treating me Abegaile!" sabi nito kaya ako naman napakunot ng noo.

"What do you mean?"sabi ko sakanya. Anong mali sa pagtrato ko sakanya?

"You're treating me like a child. I don't know if you're just that nice. But please, stop it."sabi nito. "You're irritating me."dagdag pa niya.

Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya hindi ako nakapagsalita. Wait ayaw mag process. I thought we are okay. Yun pala nakakairita na ako sakanya? Hindi ko naman maintindihan kung anong mali sa pag trato ko sakanya. 

"Sorry.." Hindi ko alam yung sasabihin. Bigla namang nag iba yung expression ng mukha niya. Makikita ssa mukha niya yung pagkabigla at pagsisisi dahil sa nasabi niya. Magsasalita pa sana siya kaya lang ay umalis na agad ako at pumasok sa kwarto.

Bakit ako nag sorry? Anong nagawa ko? Parang biglang umakyat lahat ng dugo ko papunta sa ulo ko. Nakakainis. Siya na nga 'tong pinagsisilbihan ako pa yung nakakairita. Kasalanan ko bang mabuhay ng mag-isa sa mahabang panahon at masanay na ako yung gumagawa ng lahat?

Kinuha ko nalang yung madudumi kong damit at pumunta sa laundry room ng apartment. Nilagpasan ko lang siya at tuloy-tuloy sa paglalakad. Mukhang hindi niya din alam yung sasabihin sa akin.

Nilagay ko na sa washing machine ang mga damit ko at pinanuod habang umiikot ito sa loob. Maya-maya pa ay sumunod naman sa akin si Anton na may hawak ding basket. Mukhang maglalaba din siya. Nakatingin lang siya sa ginagawa ko habang inaantay akong matapos nang walang sinasabing kahit ano. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Abe's TreasureWhere stories live. Discover now