46

4.9K 226 24
                                    

🔥Hell University🔱🔥
Chapter 46: Decision
Zein's Point of View
Nagising ako sa isang madilim na lugar kung saan walang bintana at gawa sa kahoy lahat. Wala ring kahit na anong gamit dito maliban sa nag-iisang pinto. Sa maliit na siwang sa itaas ay sumisilip ang liwanag ng buwan.
Buwan?
"Fuck!" Mura ko nang mapagtanto na gabi na.
Ano na bang oras? Nag-uumpisa na kaya? NO! Hindi ako maaaring hindi makapunta. Alam kong hihintayin nya ako.
Mahigpit pa rin na nakatali ang dalawang kamay ko sa likod ng silya na inuupuan ko, maging ang paa ko ay nakagapos. Walang takip ang aking bibig na parang sigurado sila na kahit na magsisisigaw ako rito ay walang makakarinig sa akin.
Sinubukan kong igalaw ang mga kamay at paa ko pero masyadong mahigpit na hindi ko makagawa kahit na maliit na kilos man lang. FUCK! Kailangan kong makaalis dito.
"Pinapagod mo lang ang sarili mo."
Mabilis na tumingin ako sa madilim na bahagi ng silid na ito. Nakatayo ang isang lalaking naglalaro ng pako.
Bigla kong naaalala nong una kaming makapasok sa impyernong ito. Sya ang unang taong estudyante rito na nakausap ko, ang unang taong nagpanindig ng balahibo ko, ang unang taong nagbanta sa akin. Nazzer Lumia.
Naglakad sya papunta sa akin at itinago sa bulsa nya ang pako. Wala kang mababakas na ano mang emosyon sa kanyang mga malalalim na mata na maihahalintulad kay Nicky. The pressence of the founder of Black Blood Gang.
Nakaramdam ako ng pagtaas ng balahibo sa mga sandaling ito. At last, naramdaman ko na rin ang demonyo talaga. He is showing his complete dark aura.
"L-Let me go, please."
Halos walang lumabas na boses sa bibig ko at parang hangin na lang 'yon. Mukhang narinig naman nya ang pakiusap ko dahil naging mas intense ang kanyang mata at ang paggalaw ng kanyang panga. Galit sya... sobra.
"I can't believed that a love could grow in this hell." Malamig na wika nito habang isinandal ang likod sa kahoy na wall sa harap ko. "Sayang lang... sa maling tao pa... maling pagkakataon... maling lugar." Dugtong nito.
Alam ko ang tinutukoy nya. Hindi ko nagawang ibuka ang aking bibig. Mali ba talaga? All this time, am I tracking the wrong path? Shit!
"Who are you?" Parang baliw na tanong nya sa akin. "You are just a girl but how could you make things complicated?" Dugtong pa niya habang bahagyang nakakunot ang noo at kilay.
"Yes, I am just a girl." Matabang na sagot ko. "A girl I never imagined to be." Bulong ko.
Hindi ko inakalang magiging ganito ako, na magiging ganito ang lahat. Hinayaan ko ang sarili kong mahulog, dapat ay matagal ko ng pinigilan ang sarili ko. I should have stop this earlier but now... I guess, it's too late. The hole is too deep.
"I can't let you go, not now."
"Pero may naghihintay sa akin," Halos pabulong na sagot ko na lang.
Sandali itong natigilan bago umiling. "Mas mabuti nang hindi ka makapunta." Sagot nya pa.
"Pero bakit?"
Lumapit ito sa akin at lumuhod sa harap ko para magkaharap kami. Hinawakan nya ang pisngi ko at pinunasan ang luhang kanina pa pala tumutulo.
"Sorry, Zein. Hindi ko gustong maging hadlang."
Inilayo ko ang mukha ko sa kanya para mabitawan nya ito. "Pero hadlang ka na. Dati pa." Matabang na sagot ko.
Inis na ginulo nito ang buhok nya na parang naiinis na.
"Gusto mong malaman kung bakit hindi ka maaaring pumunta sa party na 'yon?"
Kahit na naguguluhan ay tumango na lang ako. Mapait na ngumiti ito at tumayo. Lumayo sya ng konti sa akin at huminga ng malalim.
Kinubad nito ang blazer na soot nya at isiunot sa akin. "Malamig, malalagot ako kay Matt kapag nagkasakit ka." Wika nito.
"Tell me." Matigas kong hamon.
"Supremo is planning to reveal everything tonight. Ipagsisigawan nya kung anong meron kayo."
Napanganga ako sa sinabi nya. "H-Hindi nya gagawin 'yon." Sagot ko.
DAMN! Kaya nya! Hindi sya natatakot na ipagsigawan lahat, kaya nyang bitawan ang lahat para sa akin. Hindi sya natatakot na mawala sa kanya ang lahat.
"He will, I know you know. Alam mo ba kung anong mangyayari sa kanya kapag nalaman nila ang lahat? Aalisin nila ang kapangyarihan ni Supremo, they would treat him as a trash, a disappointment."
Parang napipi ako para walang masabi. Hindi ko mapigilang sigawan ang sarili ko. Alam kong mangyayari ito pero ginawa ko pa rin. Kung hindi kaya ni Supremo'ng pigilan ang sarili nya dapat ay ako na ang pumigil.
Mapait akong napangiti sa katotohanang... mali ang pinili ko. Dapat ay pinakawalan ko na lang ang feelings na ito, hindi ko dapat hinayaang maging ganito ang lahat.
"Hahayaan mo bang mawala lahat ng pinaghirapan nya? Kaya mo bang makitang pinandidirian sya ng mga tao?"
Sa sobrang sikip ng dibdib ko ay wala akong nagawa kundi at isigaw ang lahat. FUCK! Naiinis ako sa sarili ko.
Umiyak lang ako ng umiyak habang inaalala lahat ng ginawa sa akin ni Supremo. Lahat ng pagtatanggol nya sa akin. Siguro, sapat na 'yon para masabi kong minahal nya talaga ako pero siguro nga... dapat na naming itigil ang lahat.
"Let me go." Walang buhay kong wika.
Naramdaman kong kinalas ni Nazzer lahat ng pagkakagapos sa akin.
Habang kinakalas nya 'yon ay parang mas sumisikip pa ang dibdib ko.
"Ngayon lang ako magtitiwala sa'yo." Wika ni Nazzer.
Inilahad nya ang kamay nya sa harap ko at buong pusong tinanggap 'yon. Sabay kaming lumabas ng kubong 'yon.
Inumpisahan namin mali na, wala na akong nagawang matino, lagi na lang mali siguro naman, kahit sa huli ay may magawa naman akong tama. Hindi ko hahayaang mawala lahat ng meron sa kanya.
Kahit na kapalit nito ay habang buhay na pagsisisi, maluwag ko itong tatanggapin. Dapat matagal ko na itong ginawa pero ngayon lang ako nagkaroon ng sapat na lakas ng loob.
Hindi ko na hahayaang masaktan muli ang puso ko.
Nakarating kami sa party kung saan nakakabinging ingay ang agad na bumungad sa amin. Napatingin ako sa stage kung saan may lalaking nakakunot ang noo habang nakatingin sa amin ni Nazzer.
"I have to go, baka mamatay ako nang wala sa oras."
Binitawan na ni Nazzer ang kamay ko ngunit hindi ko man lang sya magawang tapunan ng tingin. Parang nabingi ako, ang kaninang malakas na tunog ay humina ng humina hanggang sa wala na akong ibang marinig kundi ang tumatalbog kong puso.
Lumapit sya sa akin at hinawakan ang pisngi ko.
"Darling, you came."
Hindi ko alam pero napayakap na lang ako bigla sa kanya. Nakatuxedo ito na mukhang nalukot ko na dahil sa tindi ng yakap ko.
Napalitan ang tunog at naging mabagal ito. Naglaho lahat ng taong nasa dance floor kanina at ang alam ko lang ay naiwan na kami ni Supremo sa harap ng mga mapanuring mata.
Naniningkit ang mata nila at alam kong kung anu-ano na ang mga iniisip nila. Tama ang iniisip nyo, nagmamahalan kami pero sa tingin ko ay hindi na magtatagal ang lahat.
"Thank you" Bulong ni Supremo bago mas hinigpitan ang pagkakakapit sa aking bewang.
Ipinagdikit nya ang katawan namin kaya wala akong ibang nagawa kundi ang tumitig sa mga mata nyang nakangiti.... Kailan ko kaya ulit makikita ang ngiting 'yan? Sana magawa mo pang ngumiti pagkatapos ng gabing 'to.
"Best day of my life. Darling, you made me extremely happy."
Parang pinipiga ang puso ko kapag naririnig ang salitang darling. I love hearing that word.
I will miss his smile, his voice calling me darling, his lines, his scent, I will surely miss this feeling. The feeling whenever I am with him.
"Darling, I hate your silence."
Niyuko ko nang bahagya ang ulo ko at idinikit ito sa kanyang dibdib. Napakagat ako sa aking labi nang maramdaman ang hapdi ng mata ko. Sana, pagkatapos nito ay kahit papaano ay bumalik ang lahat sa dati.
Sana, pagkatapos nito mapatawad mo pa ako kahit na alam kong malabo.
"Supremo, mahal kita."
Inangat nya ang aking ulo kaya wala akong nagawa kundi ang tumitig sa mata nya na ngayon ay nalilito na.
Binitawan nya ang pagkakahawak sa akin at aktong pupunta ng stage pero hinawakan ko sya sa braso at niyakap ng mahigpit.
I will stop you no matter what. Hindi mo kailangang isakripisyo lahat ng meron ka para sa akin.
Kailangan ko ng tapusin ito dahil sobrang sakit na.
"Zein, I love you more and will always be you, only you, Darling."
Nanginginig ang buong katawan ko pero kinaya kong hawakan ag mukha nya at haplusin 'yon. Ito na siguro ang huling pagkakataon na makakalapit ako nang ganito sa kanya.
"Darling?" Tawag ko sa kanya na ikinangiti nito. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tinawag ko sya nang ganon and it fucking hurts na ngayon ko lang ginawa.
Dapat ay noon ko pa sinabi 'yon, hindi ngayon na ilang sandali na lang ay mapuputol na lahat ng namamagitan sa amin.
"Your darling makes me want to kiss you but it somehow gives me a chill."
"I love you, but Supremo... I think we should sto-"
Naramdaman kong hinigit nya ako palapit sa kanya. "Darling, Lets eat?" Alok nya.
Humagulgol ako dahil alam kong alam na nya ang sasabihin ko ngunit ibinalin nya sa iba ito. I have to do this.
"I am hurting too, the pain is too deep but Darling, I can bear anything just for you."
"But I can't do it for you." Matapang na sagot ko.
Bahagya syang natigilan at alam kong nasaktan sya. DAMN! Sobrang sakit pala, sana ay noon ko pa ito ginawa, sana konti lang ang sakit... hindi ngayon na nakakamatay na ang sakit.
"Z-Zein? Natatakot na ako sa'yo."
Pinunasan ko ang luha sa mata ko at matapang syang tinitigan. Halos manlambot ako nang makita ang mabilis na pagtulo ng luha nya.
OH.MY.GHAD!
"Hindi tayo pwede. Siguro sapat na, na minahal natin ang isa't-isa."
Sinubukan nyang hawakan ang kamay ko ngunit mabilis na hinawi ko ito.
"Darling, don't you love me? Why can't you trust me?"
"Yes, I do love you but I guess we are not meant to be." Pumikit ako para sabihin ang isang bagay. "I am giving up. I am giving up this feeling. Sorry, I can't fight for this shit anymore." Mabilis na tumalikod na ako.
Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang maramdaman ang pagyakap nya galing sa likuran ko.
"Hindi pa nga tayo nag-uumpisa, tatapusin mo na agad."
Hinawakan ko ang kamay nyang nakakapit sa bewang ko at hinaplos iyon. GHAD! I am so in love with this guy that I am willing to give him up for his sake.
"Darlin-"
"Stop calling me that way."
Naramdaman ko ang pagbigat ng hininga nito. "Z-Zein? I'll give you another chance. Kapag humakbang ka ng sampong beses palayo sa akin, ibig sabihin lang no'n na pinuputol mo na lahat ng namamagitan sa atin... pero kapag lumingon ka nang hindi pa nakakasampong hakbang... akin ka na, makikipagpatayan ako at kakalabanin ko si Kamatayan para sa'yo." Naramdaman ko ang pagluwang ng kapit nya sa akin hanggang sa nakawala na ako.
Just ten step away from him... There is no more Supremo in my life.
One...
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay mas bumigat ang mga paa ko na nahihirapan na akong ihakbang pa ito.
Two...
Napapikit ako at inalalala lahat ng pagkakataon na kasama ko si Supremo. Magsimula nang una ko syang makita hanggang sa unang beses na nagtapat sya.
"You know I can't do that... I'll give you another choice.. Be with me... Be mine... Be my everything... I'll give you my world."
Four....
Alam kong mali ang ginagawa ko pero ito ang tama para sa lahat, para sa kanya. Kakayanin ko, sana ikaw din.
Five...
"You don't need to be sexy. Kung kailangang patabain kita at papangitin para hindi tumingin sa iyo ang iba ay gagawin ko. Damn, Zein. You are driving me crazy. And I must say...Thank you."
Damn! Bakit ba kailangang manumbalik ang lahat? Mas nagiging mahirap ang lahat habang tumatagal at baka kapag mas tumagal pa ito ay hindi ko na talaga kayanin pa.
Six...
"Ayokong suwayin ka. Handa akong isugal maging ang kalusugan ko masunod ka lang. You are my queen, and I am your knight, and I will eat anything you for you."
Si Supremo 'yong taong kapag nagmahal ay ibinibigay ang lahat. Lahat na halos wala ng matira sa kanya. Nakakatuwa pero nakakabahala.
Handa nyang isuko lahat, hindi nya iniintindi ang sarili nya dahil ikaw at ikaw lang talaga.
Seven...
"Hindi mo kailangang lumaban, ako ang lalaban para sa'yo."
Napangiti ako. Hindi na siguro ako makakahanap nang hihigit pa sa lalaking 'to. He is the man of every girl's dream. A perfect boyfriend.
Eight...
"Kinuha mo na nga ang puso ko, huwag mo namang ilayo."
FUCK!
"I love you more than who I am and what I have. Don't leave me breathless, darling."
Zein, magpakatatag ka. Ilang hakbang na lang.... malaya ka na... ligtas na si Supremo.
Nine...
"Darling, I will always love you."
Natigilan ako sa paghakbang. Napayuko ako at parang gusto ko nang lumingon at tumakbo pabalik... kung sanang may lakas pa ako.
"Zein? I want you to be happy, never be afraid to make a decision even if I am not included... I guess, it is really a goodbye for both of us. I love you, Zein."
Ten...
I love you, and it will always be you. Thank you for the love. Finally, I did it.
I made the right desicion.
-
-
-
TO BE CONTINUE.....

hell universityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon