This is a work of fiction. Names, characters, places, universities and events are fictitious unless otherwise stated. Any resemblance to real persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
-----
"San na ba si Hazel?" reklamo ni Yana habang gigil sa pagpindot ng cellphone nya.
I shrugged. "Otw na daw sya eh."
"On the water o on the way?" napatawa ako sa sinabi niya. Kahit kelan talaga galit to sa late. Kahit isang minuto lang.
"Guuuys! Omg sorry ang traffic kasi." biglaang sulpot ni Hazel.
Napairap naman si Yana at binitawan ang phone nya. "Natraffic sa banyo?"
"Hoy no ah! Excuse you, Yllana. I took a bath for 30 minutes only."
Bago pa magsalita si Yana, sumingit na ako. "Hep! Ano magbabangayan na lang tayo dito?"
Sabay silang umirap sa isa't isa. Napakamature talaga ng mga kaibigan ko!
We arrived at Revel around 11pm. When we got in, people are now wild.
"Sinong magoorder!" sigaw ni Hazel.
"Ikaw! Ikaw na late eh!" sigaw ko pabalik.
Napanguso sya at naglakad papuntang bar counter. Hinila naman ako ni Yana paakyat.
"My gosh! Ang w-wild na ng mga tao!" reklamo nya pagupo namin.
Hindi ko sya pinansin at naupo na lang sa tabi nya habang tumitingin sa paligid.
Nagbabakasakaling may mabingwit na gwapo!
Napatigil ako sa pagh-hunting nang dumating si Hazel na may kasamang apat na lalaki.
"Hi guys! May kasama ako!" masayang sabi ni Hazel tyaka nilapag ang dalawang bucket ng beer sa table.
"Uh guys this is, Jasper." turo nya sa lalaking naka blue shirt at naka suot ng leather jacket na pinartner sa black ripped jeans.
"Nice to meet you, girls." sabi nya at tinaas ang basong hawak nya.
"This is, Nathaniel" turo nya naman sa lalaking naka white long sleeves polo na naka tuck in black pants nya.
"Nate na lang." sabi nya tyaka ngumiti saamin.
"Hi babe, I'm River." sabi nung lalaking naka white polo na naka tuck in sa maroon pants nya at umupo sa tabi ni Yllana.
"I'm... not interested." masungit na sabi ni Yana bago kumuha ng beer at uminom.
"Oooohhhh." kantyaw sakanya ng mga kaibigan nya.
"Napaka sungit." sabi nung River bago tumayo at tumabi sa mga kasama nya.
"And this is, Vince." sabi ni Hazel tyaka pinulupot ang kamay sa braso nang lalaki.
He's wearing a gray polo shirt and a gold necklace na pinartner nya black jeans.
"Vince." simpleng sabi nya.
"And they are my bestfriends, Cassandra and Yllana." pagpapakilala saamin ni Hazel. "But you can call them, Cassy and Yana."
Ngumiti lang ako sakanila at kumuha ng beer.
"Baba lang kami ha?" pagpapaalam ni Hazel at kumuha ng beer bago hinila si Vince pababa.
YOU ARE READING
Right Love in a Wrong Time
FanfictionIt is a travesty when two hearts at different intervals in life, find each other. And although they would otherwise be perfect for each other, they can't be together, for timing isn't right.