"Oy TK!!! Penge tubig!" Utos ni Papu.
"Ayan na po yung pitsel ah? Nasa gilid niyo lang." nagtatakang tanong ni TK.
"Ikuha mo 'ko ng tubig."
Kahit na ayaw sundin ang utos ng tatay niya, ginawa niya pa rin. Umalis na siya sa dining area nila at pumunta ng salas para hindi siya ulit mautusan ng tatay niya. Pagkaupong pagkaupo niya, bigla naman may nagsalita.
"Ate TK! Paabot naman ng remote"
Hinanap naman ni TK ang remote gamit ang kanyang mata. At nakita niyang nasa paanan na ng kapatid niya ito. Nakapatong kasi ang paa ng kanyang kapatid sa mesa. Kumulo na naman ang dugo niya dahil doon.
"Oh Josh!!" Inis na sabi niya habang inaabot ang remote. Pero hindi ito tinanggap ng kanyang kapatid.
"Uh. Ikaw na lamg ate maglipat ng channel. Channel 37" sabi ni Josh
Ginawa naman ni TK ang utos ng nakababata niyang kapatid.
"Hoy ate TK. Gawan mo nga ko ng sandwich, nagugutom na ko eh." Utos ulit ni Josh.
"Hindi ko na kaya, hindi niyo ako yaya! Tao ako na may pakiramdam dahil may puso! Pupunta na lang ako sa tahimik na lugar, sa paraiso! Gusto ko nang magpahinga." Kumuha ng lubid at umalis na lang ng parang bula si TK.
Nagulat ang lahat sa biglang pag-alis ni TK.
"Papu! Kumuha ng lubid si ate!" Natatarantang sabi ni Josh.
"Papu! Narinig ko sinabi ng anak natin! Sabi niya, pupunta na siya sa tahimik na lugar! Sa paraiso pa! Langit na kaya ang tinutukoy niya? Waahhh Papu!" mangiyak ngiyak na sabi ni Mamu.
"Tara! Habulin na natin si TK! Pigilan natin siya magpakamatay!"
☆☆☆
"TK!!! Nasaan ka? //sobs/ Pwede pa natin ito pag-usapan!!! //sniff/ Huhuhu"
"Mamu! Papu! Ayun siya at itinatali niya na sa puno ang lubid."
Dahil sa sinabi ni Josh, kumaripas sila ng takbo papunta doon.
"Anak. Akin na yung lubid" mahinahong sabi ni Papu kay TK. Tapatigil naman si TK sa pagkakabit ng lubid sa puno.
"Ayoko nga Papu!" Sabi ni TK.
"Pag-usapan natin 'to. Ibigay mo na sakin yang lubid" nakikiusap na sabi ni Papu.
"Sige na nga Papu. Oh! Mapilit ka eh. Ikaw na magtali ng lubid diyan sa puno. Ako na bahalang magkabit ng lubid sa duyan." Binigay ni TK kay Papu ang lubid at prenteng nakaupo na sa damuhan. Nagulat naman ang lahat sa sinabi niya.
"Oh bakit? Masama bang magpahinga ng saglit?" Nagtatakang tanong niya.
"Akala namin magpapakamatay ka na. May dala ka pa namang lubid." Sabi ni Josh habang kinakamot ang batok niya.
Dahil doon. Nagsitawanan na silang lahat.
♡end