So it all started with this.
Ako si Sab, yung maidedescribe ko sa sarili ko isa akong sabihin na natin Go lang ng go sa mga taong mabilis kong pag katiwalaan.So yun ako daw si Ms. Mabait un ang akala nila
Meron akong boyfriend and we are together for like mag 4 yrs. na and kami mahilig kami sa laro . Mga gamers in short so as a gamer talagang pangarap naming dalawa na makasali sa mga competition at makahanap ng mga kagrupo.
And natupad naman yun nakahanap kami ng mga tao na makakasama namin at nag provide pa din ng site kung saan kami pedeng magtraining.
Mahal ko sya oo pero hindi ko alam kung aabot ba un sa part na sya ung gusto kong makasama habang buhay ang gulo diba.Ito ang rason kung bakit. I came from a family na kahit mahirap kami tlagang masaya at buo kami unlike him na broken family at still hinahanap nya pa rin ang sarili nya kasi feeling nya magisa lang sya.
So syempre andito ako to the rescue, gusto kong mabuo nya yung sarili nya at tutulungan ko sya. sa 4 yrs syempre maraming ups and downs yan di mawawala. Pero totoo pala talaga ung pag pauli ulit ang ginawa sayo nakakasawa at nakakabawas ng tiwala alam nyo yun?.
Siguro sa inyo sasabihin nyong mabababaw ako pero ikaw ba naman after ng work ko , susunduin nya ko and tatanungin kung kumain na ba ako like hello kakaout ko lang so matic ng hindi pa ako kumakain.
tapos madalas laro ang umagahan at tanghalian kaya minsan nalilipasan na kami ng gutom,given na gamer kami pero pinilit kong baguhin sa kanya yun , nakakasawa. at minsan nakakatampo.
Madalas syang mainis lalo na kung lagi kaming natatalo at sakin nya nabubuntong minsan ang galit. which is lagi ko iniintindi syempre naman inaayos naman din namin pag katapos mag away. Pero alam nyo un ang hirap ihandle ng taong nagpapaawa na tipong sya na ang may mali pag nagpaawa ikaw ang iintindi.
kaya minsan naiinis ako sa sarili ko na ganto ako. napakahirap din.
One time nasa pampanga sya and syempre sya lang mag isa ang hindi sya sanay. So nagtagal naman sya don pero mga 5 months ng nakalipas nakagawa sya ng mali dahil daw sa dare nila nung boss nya. Ikaw kung tao kang matino diba?Hindi mo susundin un at yung fact na may gf ka hindi mo nirespeto.
So ganito nagdare sila , ang sa boss nya sinabi nya na halikan ung babaeng katabi which is ginawa daw and then nung sa kanya naman is magchat sya ng ramdom and then ipapafall at jojowain at ibbreak so gaano naman sila katanga para sa mga bagay na yun? diba.
In able for him to fit in daw ginawa nya kaya pala naging cold sya sa akin and it hurts me a lot. hanggang ngayon nandito un dahil ung tipong nabasa mo na denedeny ka? ung tipong hello after all these years? gagantuhin mo ako ? pede mo naman sabihin sa akin tutulungan pa kita so ayon talagang ibbreak ko na sya non pero pumasok si pagiging maintindihin.
Ayon ung paliwanag nya na ang hirap daw makisama kasi iba ang mga ugali parang bale wala lang daw sya , yung tipong nabubully at namumura na sya kaya talagang ginawa nya yun. Pero hindi rason un sabihin na nating may nilalandi kang iba pero dapat nilalandi mo rin ako para di halata diba?.
Nabuksan ko ung messenger nya kasi nagtataka na ako at nahuli ko nga sya tapos umuwi sya ng di oras para lang makausap ako at mag kaayos. pero tama ba? na inaayos ko pa? pero sige ituloy natin
First bf ko sya kaya siguro ganto din ako. minsan ayaw ko din sa pakikitungo nya dahil nasosobrahan ang yabang minsan at ako na ang nanghihingi ng pasensya sa mga taong alam kong naiinis na din sa kanya. Sa bahay nila pag once na nainis sya talagang mag dadadada at papagalitan ang mga kapatid pede naman sya ang gumawa puro utos sya
at ayaw kong balang araw kapag magkasama na kami sa iisang bubong gaganyanin nya ang pamilya ko ung tipong parang galit sya sa mundo. mahal ko sya oo pero nakakapagod rin minsan kaya napapaisip din ako. Sweet sya oo gumagawa sya ng paraan para mapasaya ako at nagpapasalamat ako don pero binibigyan ko naman sya ng katumbas non.Alam kong may maibubuga syang mga talento wala lang syang bilib sa sarili
YOU ARE READING
My heart vs My mind
Short Storyvery short story and still waiting for the final answer:)