chapter 10

3 1 0
                                    

ROEN

Pinapalaya na nya ako?

Pinagmamasdan ko lang si Kate na naglalakad papalayo sa akin.

Nahanap ko na ang taong bubuo sa buhay ko,kaya lang nanduon sya kapiling ang ibang tao.

Huminga muna ako ng malalim bago naglakad palabas ng mall.

Hindi ako makapaniwalang,pinapalaya na nya ako.Masarap sa pakiramdam pero parang may mali.....nung nakaraan lang lagi kaming nagaaway dahil kay Tylene tapos ngayon....hays

*******

Pagkarating ko sa bahay ,agad kong tinawagan si Mom.

"Yes anak?"

"Mom....."

"Ano yon ,sabihin mo na"

Ewan ko pero parang umurong ang dila ko.

"W-wala po,namiss lang kita"

"Sus...ang anak ko talaga"

Ang hirap sabihin,paano ko sasabihin kay mommy na naghiway na kami ni Kate ng hindi sya magagalit?

********

TYLENE

Pagkatapos naming mag mall,Inihatid na ako ni Ivan sa bahay ,mamayang gabi kasi may date kami.

Ipinagpaalam muna nya ako kay mommy .

Excited na ako.Ano kayang susuotin ko?

Hinalungkat ko ang Cabinet ko at may nakita akong isang blue na dress,naalala kong iniregalo ito sa akin ni Ivan nung nakaraang buwan.

Ito nalang ang susuotin ko.

Ang usapan namin ni Ivan ay magkikita kami duon na sa mismong resto ng alas-siete.

At 6:00 na ,kaya naghanda na ako.

6:30 nang matapos ako.

"Enjoy your date anak"nagpaalam na ako kay mommy.

********

Habang nagmamaneho ako ,hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko,hindi din ako mapakali.

Siguro dala lang ng Excitement?

Tinawagan ko si Ivan

Kring.........

Kring.........

Kring...........


Shit! Sampung beses ko syang tinawagan pero hindi sya sumasagot.

Maslalo tuloy akong kinabahan.

Tumingin ako sa likod ,yung manikang napanalunan nya sa mall,kinuha ko ito,pero nagulat ko kung bakit sira,eh nandito lang naman sya sa kotse ko.

Feeling ko may hindi tama.

Pinaharurot ko ang kotse ko papunta sa resto.

Pagkadating ko don,wala pang kotse,walang tao.

"Ma'am kayo po ba si Miss.Tylene?"tanong nung waiter,tango lang ang naisagot ko.

"This way po..."iginaya nya ako papunta sa isang table.Its not an ordinary Date its a romantic date.

"Sabi po ni Sir parating na sya.....may inasikaso lang po sya saglit"ngumiti naman ako .

Umalis na yung waiter.

After15 minutes ,wala parin sya..bakit ba ang tagal nya?

Akmang kukunin ko ang cellphone ko ng may tumawag.

Unknown number..........

Ha?sino naman 'to?

Sinagot

"Yes hello?"

"Kayo po ba si Miss. Tylene? Ang girlfriend ni mr. Ivan----"hindi ko alam pero ,hindi ko maiwasang kabahan....pakiramdam ko may hindi magandang nangyari.

"Mr. Ivan is in the hospital now,isinugod po sya dito ,"
Yun palang ang naririnig ko pero sunod-sunod na ang pagpatak ng luha ko...Hindi

"A-anong n-nangyari s-sa k-kanya?"umiiyak kong tanong,pumiyok na din ang boses ko,nakatayo nadin ako sa kinauupuan ko.

"Car accident ma---"

"Saang hospital?"

********

Namalayan ko nalang ang sarili kong nagdadrive papunta sa hospital na sinabi naung doctor.

Pagkarating ko doon agad akong nagtanong kung nasaan sya.

Sa ER

Mabilis akong pumunta sa Er

Sakto namang kalalabas lang ng isang doctor.

"Kayo po ba ang kasintahan Ni Sir Ivan?"tanong nya

"Kamusta sya doc?"

"Tatapatin na kita,masyadong malala ang lagay nya---"

Hindi ko na sya pinatapos agad akong pumasok ,wala akong pakealam kung pagalitan nila ako.

Napakasakit ,natatanaw ko palang sya ,nakikita ko na kung ilang bagay ang nakalagay sa kanya,may tubong nakalagay sa bibig nya,natatakot ako...

Ivan...........

Comeback(part 1)Where stories live. Discover now