Prologue
Nakatanaw ako sa bintana habang pinapanood ang sunod sunod na pag labas ng mga kawal sa palasyo. Umaga palang pero madilim na ang kalangitan habang patuloy naman ang pag bagsak ng malalakas na ulan at hangin. Ngayong gabi ay magaganapang unang digmaan dito sa mundo ng Mallara. Isang napaka delikadong digmaan.
Ang Hari at Reyna ng limang emperyo at ang pinuno ng mga mangkukulam o tinatawag na manggagaway ay mag kaibigan dati.
Kung ikukumpara ang limang elemento at ang manggagaway ay halos patay lang sila ng lakas pero mas lamang parin ang kabilang panig dahil sa maruming kapangyarihan nito.
This war is cause by envy.
Mula ng isilang ako ay tinuruan na ako ng aking mga magulang sa mga patakaran na mayroon dito. Kung paano umikot ang mundo ng Mallara at kung ano ang pag ibig.
Dali dali akong lumabas ng aking silid. Knowing my parents to die made me cry.
No. No... Kapag may namatay na isa sa kanila, mawawalan na kami ni kuya Landon ng magulang.
Niyakap ko ang mga binti ni Ina. Humikbi ako.
"Ina, payagan niyo po akong isama sa digmaan." humarap siya sa akin at pinunasan ang aking mga luha.
"No darling. Your only a child. It's not safe for you. You'll stay here and look for the palace." malambing niyang sabi.
Nasa tabi niya si ama habang kausap si kuya Landon na nakasuot na din ng pandigmaan.
"If it's not safe then why would you come?" hinawakan niya ang mga maliliit kong daliri at pinisil pisil.
"I have power too, I can be a shadow and kill them behind!"
"Don't worry Gienesa baby, I will protect your mom and Landon." Dad said. Lumuhod siya para magpantay kami, gano'n din ang ginawa ni ina habang si kuya Landon ay abala sa pag labas ng mga magigiting na kawal.
Dad wiped my tears away and kiss my forehead.
"B-but I want to go with you. I don't want to alone here!" tumulo ulit ang panibagong luha.
Lumapit si kuya Landon sa akin at lumuhod din. Hinaplos niya ang mahaba kong buhok.
"Do you remember what you said to me years ago?" kuya Landon asked.
Tumango ako."I will be a good girl." pinunasan ko ang sariling luha.
"Will you be a good girl now?" hindi ako nag salita.
I want to go with them. I will protect my parents.
"Gienesa?" tanong ni Ina na hinihintay ang sagot ko kay Kuya Landon.
"Fine! Just promise me you'll be back too." ngumiti si Ina sa akin.
I stop my self for a new sob.
"We promise." niyakap nila ako pati na din si kuya Landon.
Tumayo sila. Lumapit ang isang katulong para dalhin ulit ako sa aking silid pero bago iyon ay nag anyong anino ako at muling niyakap si Ina. Panibagong hikbi ang lumabas sa akin.
"I love you Mom, Dad, and kuya Landon. Be safe." pumiyok ang aking boses sa huling sinabi.
"We love you too baby Gienesa, always remember that."
Sapilitan akong hinila ng mga katulong. Dumilim din ang aking mga paningin para hindi tuluyang makakita.
Paniguradong gawa ito ni kuya Landon.
Wala akong nagawa ng maisarado nila ang pinto. Namamaga ang aking mga mata sa kakaiyak, nanginginig din ang aking mga kamay. Gustuhin ko mang maging anino at lumabas sa silid ay hindi puwede.
YOU ARE READING
Kiss of the Dark
FantasyHe kiss me And it's forbidden... But... Can I resist the kiss of the dark?