Chapter 3: Flashback

360 25 1
                                    

Tumakbo ako palayo sa Karaoke Bar, palayo sa mga kaibigan ni Kent, palayo sa lahat ng mag-papaalala sa akin na ito na ang realidad ko.

Ang realidad na isa lang sa amin ni Kent ang totoong namatay pero parehas kaming nawala.

Matapos ang ilang minutong pagtakbo ay tumigil ako upang huminga. Sumandal ako sa poste at pinunasan ang pawis na tumutulo mula sa noo ko. Pawis na pawis ako mula sa pagtakbo.

"Sinong tumakbo kahit di naman kailangan? Ako. Ano ako? Bobo." Bulong ko sa sarili ko.

Nang mahimasmasan ay nagsimula na akong maglakad pauwi. Malayo layo pa ako sa bahay namin pero wala akong balak na sumakay ng jeep, taxi o kung ano pa. Gusto ko pang tumagal ang oras bago ako makauwi.

I'll take my time. I'll take as much as I can because to be honest, I don't have much of it as Ken. When I reach home, I'm gonna have to be Kent once again.

It's funny how one simple mistake could have such a big impact. One week ago, my brother was trying his best to fix my life. Even when it cost him his.

I loved him and hated him at the same time but I never wanted him dead.

No, that was never my intention.

* Flashback *

"KEN! KEN!" Sigaw ng mga magulang ko ang gumising sa akin nang umagang iyon.

"Tulog pa ko!" Sigaw ko pabalik sakanila

Malakas na mga katok ang narinig ko mula sa pinto. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at pinilit na matulog pero bawat segundo ay palakas ng palakas ang katok nila.

Binato ko ang unan sa gilid ng kama ko saka tumayo para buksan ang pinto. Sinalubong ako ng galit na mukha nina mama at papa.

"Tumawag na naman ang dean ng college niyo! Ilang beses ka ba naming pagsasabihan na tumino ka naman!" Sigaw ni mama sa akin.

Tiningnan ko lang sila. Sanay na ako sa ganitong scenario. Pang limang taon ko na sa four-year course ko, wala ng bago sa akin.

Ilang taon na nila akong pinagsasabihan. Ilang beses na kong nangako, pero ilang beses ko ding binali.

"Wag kang tumingin ng masama sa mama mo! KEN! Magseryoso ka naman sa buhay mo! Puro ka sayaw! Wala kang mararating diyan. Bakit hindi mo tularan si Kent?" Saway sakin ni papa.

Marami pa silang sinabi ng umaga na yun. Tulad ng:

"Hindi ka na nagtanda!"

"Wala kang mararating diyan sa sayaw sayaw mo na yan!"

"Puro bagsak yung grades mo!"

"Wala kang kwenta!"

"Buti pa si Kent!"

"Alam mo ba na si Kent..."

Narinig ko ng lahat ng yun kaya wala na akong reaksiyon sa lahat ng sinasabi nila. Hinintay ko nalang na matapos ang speech ni papa para makabalik na ako sa pagtulog ko.

Pero ang susunod na sinabi niya ay hindi part ng usual na speech niya sa akin kaya agad na nabaling ang atensyon ko sakaniya.

"Starting today, you will stop dancing. You will turn down your dance cover page. You won't participate in any dance related activity! Right after school, you will go home straight and you will stay at home even on weekends!" Galit na sigaw ni papa bago sila tuluyang umalis ni mama.

Pumasok si Kent sa kwarto ko pagkalabas ng mga magulang namin. Sinara niya ang pinto bago ako bigyan ng isang pilyong ngiti.

"Wag ka ngang ngumiti ng ganiyan! Kamukhang kamukha kita eh!" Sabi ko at binato siya ng isang unan na nasalo naman niya.

"Ano bang ginawa mo ngayon? Bakit grabe yung galit ni papa?" Tanong niya saka umupo sa swivel chair ko at tumapat sa akin.

"Kilala mo si Clara? Yung taga Marketing?" Pilyo kong tanong kay Kent.

"Gago ka bro! Anak yun ng dean natin!" Sinabi niya sa akin nang tumatawa

"Gago ka din! Alam ko. Wag nya kong sisihin. Anak niya lumapit sa akin. Atsaka bukod sa sexy issue ko kay Clara, nalaman din nila na yung tumbler ko hindi tubig yung laman."

Sabay kaming natawa ni Kent.

Yun yata ang huling beses na tumawa kami ni Kent ng magkasama.

* End of Flashback *

Uulitin ko, his death was never my intention.

Fake [SB19 Ken] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon