KASAGUTAN

7 1 0
                                    

Isang bagay ,
maliit na bagay,
laging pinag babangayan
umabot sa puntong gusto na ng hiwalayan.

Kung mawawala ako,
Kung aalis ako,
Kung sususko ako,
madali lang naman palitan ang isang ako.

Hindi naman ako maganda,
para ikaw ay magkandarapa.
Hindi rin Dyosa,
para iyong sasambahin ng sobra.
Pag hinabol mo ako,
baka isipin ng iba na ikaw ay isang tanga.

Sumulat ako ng tula,
At iyo itong nabasa.
Mga tinig at salita,
Tila ba'y balewala.
Ako'y iyong pinakinggan,
ngunit hindi mo ako naiintindihan

Mga katanungan ay nasagot na.
Nang sinabi ko,
Ika'y nagtatampo.
Nang sinagaw ko,
Tayo'y nagtalo.

Puso ko'y puno ng katanungan,
Ano ba sinta ang aking pagkukulang?
Mahal mo nga ako,
Pero bakit sa iba ika'y nakatingin parin ng deretso?
Selos ang dahilan,
ng ating pagtatalo.

Mahal na Mahal kita
kaya ayaw Kong ika'y mapunta sa iba.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KASAGUTANWhere stories live. Discover now