SIMULA
OCTOBER 18, 2019
Pagmulat ko ay naramdaman ko ang tunog ng mga aparato, Litong-lito ako sa nangyayari pero nakita kong nagsilapitan sa akin ang mga nurse at doctor.
"Sir?" Tanong ng doktor "Can you hear me?"
Tinignan ko siya at nagsulat ito sa hawak niyang papel.
Ginalaw ko ang kamay ko at hinawakan ang mukha ko, may benda ako sa ulo.
Tinignan ko ang paligid at nasa isang kwarto ako ng isang hospital.
"Si Janella?" Tanong ko. Walang pumansin sa akin kaya tinignan ko silang lahat. Lahat sila ay chinecheck ang mga kalagayan ko.
pero gusto kong malaman kung nasan si Janella.
Pinilit kong tumayo kahit ramdam ko ang sakit ng tagiliran at katawan ko.
Tanda ko pa ang nangyari ng gabing yun. Ilang araw ba akong tulog? Isa? Dalawa? Tatlo?
Pinilit akong iupo ng doctor pero nagpupumiglas ako. "Si Janella!" sigaw ko sa kanila.
Hindi ko na mapigilan ang luha ko dahil sa kaba at takot na baka kung napaano na ang babaeng mahal ko.
"Asan si Janella?!" Sigaw ko muli sa kanila.
Imbes na sagot ang nakuha ko ay isang malutong na sampal mula sa mama ko na ngayon ay punong puno ng galit ang mukha.
"Umayos ka." Tiningnan ko sa mata si Mama at bahid din dito ang lungkot.
"Asan si Janella?" Pinagmasdan ko ang suot niyang kulay itim.
Pumikit ito at huminga ng malalim. "Magpalakas ka muna." Tinalikuran ako nito pero hinawakan ko ang braso niya.
Lumingon uli ito sa akin. "Patay na siya."
Naramdaman ko ang pangingilig ng katawan ko at bigla akong nanghina. Bumagsak ako sa pagkakatayo ko at hindi mapigilan sabunutan ang sarili.
"Bakit ako pa ang nabuhay?" Bulong ko sa sarili ko.
Si Janella, ang girlfriend ko.
Papunta kami sa resort at ako ang nagdadrive.
Naalala ko pa ang maganda ngiti at ang mata niyang nagniningning sa kalangitan ng gabing yun.
Malapit kami sa plaza ng nawalan ng preno ang sasakyan ko, nagpagewang gewang ito sa kalsada, ramdam ko pa rin ang higpit ng hawak sa akin ni Janella pero huli na ng bumangga kami sa isang matayog na puno sa plaza.
Hawak ko pa ang duguan niyang kanay bago ako mawalan ng malay. Pinilit kong abutin ang ulo niya na ngayon ay puno ng dugo at basag na salamin.
May tama rin ang tagiliran ko kaya nahirapan akong abutin siya. Pinilit kong labanan ang pagpikit ng mata ko at pinilit kong huwag bumitaw sa hawak naming dalawa.
"Janella." Tawag ko rito.
Gumalaw ang pilik-mata nito at pinisil ang kamay ko. Ngumiti ito ng kaunti.
"Kurt" nanghihina na ang boses nito. "Pangako, bibisitahin kita hanggang panaginip."
Lumuwag ang pagkakapit niya sa akin, Labis ang lungkot ko pero hindi ko na rin kinaya ang sakit ng katawan ko.
Patay na siya? Bakit siya pa?
Nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha ko dahil sa sakit at pighati.
Kung namatay siya ay dapat sinamahan ko na siya.
Hindi ko na nga siya naprotektahan sa panganib,
Hindi ko pa siya nakasama sa kabilang buhay.
Janella, Mahal ko, Bisitahin mo ako hanggang panaginip.
YOU ARE READING
Lost Dreams
ParanormalAfter the tragedy, Kurt is dreaming about Janella, her girlfriend, every night.