Rain, rain, go away
Come again another day
Little children wants to play
Rain, rain, go away.Tahimik na nakadungaw sa bintana
Suot-suot ang napakalungkot na mukha
Naghihintay, umaasa
Na sana ang ulan ay matapos na.Adik na adik sa paglalaro sa bakuran
Halos ayaw na umuwi kapag tanghalian
Natatakot at kinakabahan
Na baka hindi na muling makalaro dahil sa ulan.Ilang taon na ang nagdaan
Ang inis mo sa ulan ay nawala nang tuluyan
Naisip at na-realize mo na
Ang ulan ay kailangan mo pala.Tahimik na nakadungaw sa bintana
Mababasa ang lungkot sa mga mata
Naghihintay, nagbabakasakali at umaasa
Na sana ang ulan ay dumating na.Ayaw na ayaw mapansin ng magulang
Ang mukhang luhaan dulot ng kalungkutan
Kaya patuloy pa rin sa paghiling
Na sana ang ulan ay dumating.Rain, rain, please don't go away
Come here from Monday to Sunday
This teenager don't want to play
She just needs you everyday.