Chapter 10 : Julius

8 0 0
                                    

Nagising ako sa mahimbing kong pagkakatulog kasi naarawan ang noo ko. Parang ano nga. Parang reflector ba yan? Pero pagtingin ko sa cellphone ko ay mag 2pm na. Kaya napatayo nalang ako sa higaan ko. At bumababa na sa apartment. Nasa 3rd floor pa kasi ako. At bawal kasi magluto dito kay doon nalang ako sa karenderya kumakain. At doon, may napansin akong isang familiar na lalaki. Kaya tinabihan ko siya. Ang inorder ko palang pagkain ay yung corned beef na may itlog at kanin. Hulaan niyo sino? Si Julius!! Ang tahimik na ni Julius. Parang na trauma nga yata sa break up nila ni Claire. Nasasaktan din pala yung mga playboy no? Parang pagkatao ko dati eh. Ang tahimik na niya kasi. Isa pala siyang Accountancy professor. Kaya parang pinilit ko siyang i.tutor ako kasi pero ayaw niya. Ayaw daw niya mag tutor sa hindi magaling. Kasi baka aksaya lang. Dapat patunayan ko daw na worth-it yung mga sakripisyo ko sa kanya. Sa di niyo alam nung 3rd year highschol ay same kami nito ng group yung Bully Boys. Ang bully pa rin eh. Kahit kami yung close nito ehh.  Kaya ayun may binigay siya isang expanded envelope na naglalaman ng mga accounting problems. Dapat matapos ko daw siya sa Sunday. Magkita daw kami sa tapat ng simbahan 5pm bukas. Kaya ayun. Nagmadali akong kumain at nagpaalam na kay Julius.
At nagpalitan pa pala kami ng numbers

*********************************

Ako nga pala si Julius, leader ng Bully Boys noong 3rd year high school kami. Natatandaan ko pa kung paano pa ako iwan ni Claire. Ni wala man lang siyang sinabi. Ang pagkakaalam ko ay pumunta na siya ng Canada. Ang sakit pa rin ang nararamdaman ko. Akala niyo, sobra akong nasasaktan sa pag-iwan ni Claire sa buhay ko. Na.attach na rin ako sa kanya. Kahit ilang taon pa ang lumipas, di ko parin nakakalimutan ang kanyang mukha.Ang nagpabago sa playboy na ito. Paano kaya makakalimutan ang pangyayari sa nakaraan. Sa gusto kong makalimutan ang lahat ay nag explore ako sa ibang bagay. Natuto akong gumamit ng mga tao kahit na mga kapwa ko lalaki at mga estyudante ko. Para makalimutan lang tong lungkot na nababalot sa sira ko ng pagkatao. Hindi naman sa pagmamayabang ay may naabot naman ako sa buhay isa na akong CPA (Certified Public Accountant). Ang nakakainis lang kasi eh. Kahit anong naabot ko na sa buhay, feeling ko may kulang pa rin at pilit akong kinakain ng nakaraan ko. Na parang ayaw akong palayain sa malayang mundong ito. Ito na nga nandito ako sa dorm ko ngayon nagmu muni muni sa araw ng Sabado. At pagdungaw ko sa bintana, may pamilyar akong nakita. Si Amil, (nasa kabilang apartment) natapos na kaya niya yung pinagagawa ko sa kanya? Baka hindi niya kaya yun? Bakit ko ba iniisip siya? Ano ba tong nararamdaman ko. Hayss makapasok na nga ulit sa mainit kong kwarto.

*Sunday 4:00pm*

Naghahanda na ako para magsimba. Simple lang sinuot ko. T-shirt ganun. Naglalakad ako patungong simbahan gamit ang google maps ko. Bago pa kasi ako dito na lugar. Nang napansin ko na bigla umulan pero di naman ako nabasa. Pag tingin ko sa likod si . .

Amil. Na may hawak na payong.

Di ko alam anong naramdaman ko. Natameme ako sa kinatatayuan ko na parang nakakita ng multo. Pero nakangiti lang siya. Sabi niya "Hi, pareng Julius!" sabay isang malaking ngiti. Sabi ko naman "Tara na nga". At napangiti nalang ako na parang natatawa. Sobrang magkatabi kami. Nang napansin ko na nababasa na ako sa gilid ng payong kaya hinawakan ko ang payong na hinahawakan niya.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.

Sa moment na yun napansin ko lumakas ang tibok ng puso ko.  Di ko alam, kung bakit kaya, binitawan ko agad ang payong at kamay niya.

At nagpatuloy lang kami sa paglalakad at umakyat ng overpass.

Natanong ko sa kanya, "matagal ka na ba dito?".

Sagot naman niya, "oo, di pa nga ako nakapagtapos hehehe work and study kasi ako hahaha"

Tumingin  nalang ako sa ibaba  napansin ko naka joggerpants at nakatsinelas siya. Bumabakat nga yung ano niya hehe. Hays!! para mawala tong iniisip ko nagplay nalang ako sa youtube minimizer ko ng music video sa youtube.

Hindi Ko Alam Bakit Ako Stupid?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon